Chapter 3

1 0 0
                                    

“Hello everyone! We are here to witness the greatest and most awaited moment.” sabi ng nagsisilbing host ngayon at may sinabi pang mga extra.

Hanggang sa nagsimula nang tumawag sa mga studyante sa junior high at grade eleven.

Ang available grades lang kasi sa paaralan namin ay grade seven to twelve which is junior high and senior high. Bali ngayong event is recognition, moving up and graduation.

Yeah, we will now graduate in Senior High. Yes!

Magkahiwalay kami nina Chloe, Sandra at Jamie dahil iba-iba ang strand namin. Ako sa HUMSS because I will take Education in College. Si Chloe nag-ABM gusto niya kasing maging accountant. Si Sandra, GAS dahil wala pa siyang napiling magiging propesyon niya habang si Jamie nag Arts and Design Track na strand.

Kumpleto kasi ang lahat ng strand dito sa paaralan namin hindi tulad ng ibang paralan na yung mga common lang ang meron.

Naghintay lang kami dahil medyo marami ang mga students ng junior high at grade eleven. Grabe!

“For now, we will now proceed in Grade 10 students,” sabi na naman ng host. At humalili naman ang mga teachers sa kanya para tawagin ang mga estudyante nila.

Hanggang sa naging kami na, na mga grade twelve.

“We would like to call the student who became the top of all grade 12, ” sabi ng host at tinawag ang isang studyante na lalaki, "Paolo Mendoza."

Medyo hindi ko siya kilala pero sa postura palang niya, matalino na. Kaya siguro siya ang top sa lahat ng top. Pumunta naman siya sa stage.

“And the second among all the grade 12 students too,” sabi niya na ikinagulat ko.

“Chloe Vasquez,” pagsabi ng pangalan na 'yon ay agad akong napatayo. Grabe, hindi man lang ako sinabihan ng langhiyang 'to ah.

“Wooh! Chloe Vasquez, ikaw lang sapat na!” sigaw ko habang hinulma ang kamay pahugis puso. Tanga na kung tanga, mahal ko 'yan eh.

Matalino naman talaga si Chloe kaya hindi na dapat 'yon ikagulat, pero grabe nagulat pa rin ako. Iba talaga.

Nakita ko naman na napabaling sa akin ang atensyon ng mga tao, lalo na si Chloe na pinandilatan na ako ng kanyang mga mata. Kaya, instead of tigilan ang ginagawa ay mas tinodo ko pa para asarin siya. Parang cheer dancer na nga ako nito eh.

Nagbahagi pa saglit ng mensahe yung si Paolo, at ang masasabi ko lang ay ang ganda ng English niya! Ang ganda rin ng pagkaka-pronounce, grabe!

---

“Thank you for coming here and witness the success of these students. Congratulations to all of you and keep up the good job, God bless!” sabi ng host.

Nagpalakpakan naman kaming lahat. Masaya at excited sa kakaharaping bagong yugto ng buhay.

Nang matapos ang program agad ko silang hinanap.

“Ina!” sabi ng isang boses na kilala ko.

Hinanap ko naman 'yon, at ayun! Nakita ko na at agad siyang linapitan.

Isang batok agad ang binati ko sa kanya. “Tangang 'to, bakit ka ba nambabatok ha?!” sabi pa niya. “May pa surprise-surprise ka pang nalalaman. Hindi mo talaga sinabi sa amin ano?!” balik ko namang sabi sa kanya.

“Ay, 'yon ba? Ay teh, walang kagulat-gulat sa araw na 'to kaya ginawa kong surprising. Ano, na surprise ka 'no?” sabi pa niya. Taray, lumusot pa talaga siya, hmp.

“Ay wow, grabe nagulat talaga ako promise,” nakabitin kong sabi sabay batok na naman sa kanya, nakita ko naman na nagulat siya. “'Yan, surprise! Oh hindi ba, nasurprise ka?” puno ng pang-uuyam kong sabi.

MS#2: Waves of SecretsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang