CHAPTER 3 Hire me

912 21 5
                                    

MATCHA POV

It's Monday afternoon. Maaga talaga akong umalis ng bahay para puntahan itong property ng yumao kong lolo. Upon checking it out, Nagulat ako na located pala ito sa bayan. It's a good thing na maganda ang location niya. Nagtanong-tanong ako sa mga business owners dito kung gaano na sila katagal na nandito. Akalain mo ba naman, mas nauna pa daw itong building ng lolo ko, compared sa mga establishment na nandito. Nagulat nga sila ng malaman na ako ang owner nito eh. Maaga ko din natapos lakarin ang mga documents na kakailanganin ko to operate this business.

Andito ako sa tapat ng building ngayon at sinusuring mabuti ang kalagayan nito. Ang sabi ng napagtanungan ko, every week daw may nagma-maintain nitong building. Iyun daw kasi ang bilin ng lolo ko sa caretaker nito. Pero nung mamatay ang lolo ko natigil na din siguro. It's been 6 months na din kasi ng mawala ang lolo ko. So I hired a cleaning and maintenance crew para icheck at linisan na din ang buong building. Thankfully, at patapos na din ang mga ito. Grabe ang pagod ko ngayong araw. Pahirapan pa maghanap ng cleaning crew sa bayan na ito. Hindi naman daw kasi nila afford ang mag-hire ng mga ganung tao.

Kung hindi niyo naitatanong, it was a two-story building. It was a bit shabby, but I like the vibe. Sa labas makikita mo ang isang maiksing hagdan papunta sa pinto. The building was made out of brick walls, kaya siguro tumagal ng ganito ang building na ito. Sa second floor naman, my balcony. I also like the dried plants and flowers at the big glass window. Maybe I'll hire a gardener na revive nitong mga flowers. It's really suited to the style of this wooden door. It also has a mini gate na abot lang hanggang bewang and a small terrace na pwedeng lagyan ng mini table and chairs. Mas ok ito kung lalagyan ito ng big umbrella para mas cozy. May pagka london ang vibe nitong building ni lolo kaya takaw pansin. Kung ikukumpara mo nga sa ibang establishment ang building na ito, ito na ata ang pinakabukod tanging outdated. But who cares? I'm the owner anyway.

On second though. Gawin kona lang kaya itong coffee shop? I shook the thought in my head. No. No. No. Baka dalawin lang ako ni lolo sa panaginip.


"Ma'am, okay na po. Maayos na po ang lahat sa loob. Pati po ang cleaning crew ay tapos na din sa paglilinis. Pwedeng-pwede na po ito lipatan." Nakangiting sabi sakin ng head crew nila.

"Maraming salamat po! Heto po ang bayad. Sinobrahan kona po iyan pang miryenda niyo po. Thank you!"

Nang makaalis sila. Pumasok na muna ako sa loob para icheck ang mga furnitures na bibilhin. Sapat na sigurong pangbili ng mga kagamitan dito ang tatlong buwan na naipon ko sa pension ng lolo ko. Kahit patay na ito, continues pa din ang buwan-buwan na pension ni lolo. Pumapasok ito sa bank account niya na nasa akin na ngayon. Hmmm.. mabuti na lang at maayos pa itong reception area dito sa baba. Parang gusto kona lang dito tumambay. Para kasi itong island bar.

Dito naman sa mini sala, kulang na lang ng dalawang sofa na maliit at isang center table for guest receiving. Nasa around 40 sqm lang ang laki nitong building, kaya kailangan kong mamaximize bawat space. This corner—maybe I should use it as a small coffee bar station. Dito naman sa cr. mga toiletries lang ang need na bilhin.

Pag-akyat naman sa taas ang makikita lang dito ay isang malawak na kwarto. May maliit din na storage room. May small kitchen corner din dito malapit sa comfort room. Maybe I should add some bookshelves, cabinets, and four tables and chairs. 1 for me at para sa tatlong employees ko. Lahat naman ng iyon ay isinulat ko sa aking notebook. I should include some kitchen tables and some kitchenwares. Hays ganito ba kastress maging isang business owner? My gosh! Being an adult is really a tough job. I wanted to go back to school.

Ang pinakalast kong sinuri ang attic. May malawak na attic sa taas. Pag-akyat ko, andito ang lahat ng mga lumang kagamitan ni lolo. Ang daming box na nakatambak dito, puro mga documents. Marahil ito ang mga records ng mga cases ni lolo. Hindi kona muna ito ginalaw, tsaka na siguro kapag may time na ako. Maayos na din dito sa attic, pinalinisan ko din sa kanila ito at mahigpit na binilin na wala silang itatapon na gamit dito. Nag-ikot lang ako saglit na nahagip ng mata ko ang isang nakabukas na box. Tinignan ko ang laman nito at napansin ang isang picture frame. Luma na ito at makikita sa loob ng picture ang tatlong kalalakihan na nakatayo sa harap nitong building ni lolo. Huh? Ito ba ang mga ka-business partners ni lolo? Nasa gitna kasi lolo, habang nakaakbay ito sa dalawang lalaki sa magkabilang gilid nito. Parehas silang tatlo na nakangiti. Kung tatansyahin ko ang mga edad ng mga ito, mga nasa teenagers lang sila sa picture na ito. It means tinayo ito ni lolo bilang libangan nilang magkakaibigan? Napasuklay na lang ako sa buhok ko.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon