KUMIDLAT NG MALAKAS habang umuulan patuloy ako sa pagtakbo habang nasa likod ko siya, puro sugat ang katawan ko pero hindi ko na ininda kailangan namin makaalis dito.
"Kumapit ka maigi mahuhulog ka." sabi ko sa kanya saka ko inayos ang pagkakabuhat sa kanya sa likod ko.
"Sibyl napapagod ka na, ibaba mo na lang ako, iwan mo na ako dito umalis ka na. Balikan mo na lang ako pag nakahingi ka na ng tulong." aniya
"Hindi, hinahabol nila tayo hindi kita ibababa at lalong hindi kita iiwan." nakarinig ako ako ng pagputok ng baril papunta sa direksyon namin agad akong yumuko ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Halos hindi ko na maramdaman ang sakit ng katawan habang pinipilit ihakbang ang paa ko.
Dumaan ako sa malaking ugat ng puno at puro halaman ang gilid, doon ko siya ibinaba hinubad ko ang damit kong punit punit para itapal sa gilid ng katawan niyang sinaksak.
"May sugat ka rin Sibyl." Sabi niya
"Ayos lang ako ikaw muna."
"Sorry hindi ko alam na ganito ang mangyayari akala ko kasi mabait si Hernan, I'm sorry please!" sabi niya habang tumutulo ang kanyang luha, bigla siyang nagsuka ng dugo. Kaya naman agad ko siyang dinaluhan hinigpitan ko ang pagkakatali at bubuhatin dapat siya sa likod ko ngunit pinigilan niya ako.
"Alam kong hindi ko na kaya, Sibyl umalis ka na, magiging pabigat na ako sayo, alam kong hindi na ako tatagal, I'm sorry I couldn't protect you, you're the one who's protecting me instead." sabi niya habang may dugong lumalabas sa bibig niya, ngumiti ulit siya.
"Salamat nakilala kita, isa kang tunay na kaibigan Sibyl, please hanapin mo Ludwick lagaan mo siya Sibyl. Tulungan mo siyang tanggapin ang pagkawala ko." puro tulo lang ang luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Sa yakap ko, sa mga bisig ko ang huling pag hinga niya ay unti-unti nawala.
YOU ARE READING
QUEEN SERIES 1: QUEEN OF ALPHA
ActionHer friend got betrayed by a man, and they met in a tragic situation, causing the death of her friend. To avenge her friend, she got tangled in a group of people where she met the queens. As she tries to look for people who assault her and murder h...
