Chapter 01

18 5 0
                                    

Stay Away

Ibinuga ko ang usok ng sigarilyo mula sa aking bibig. Kasabay noon ang pagbuga ko ng sama ng kaloobang namumuo sa aking pagkatao.

"I told you to quit smoking, Lory."

Umirap ako sa sinabi ng madrasta kong si Felicia. Nakahilig ako sa railings ng veranda habang siya naman ay eleganteng nakaupo habang sumisimsim ng kanyang tea.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa ginagawa ko?"

"Your father will be furious if malaman niyang hindi ka pa rin tumitigil sa kalokohan mo."

Napaayos ako ng tayo nang banggitin niya ang aking ama. Nakita kong sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Alam na alam niya talaga kung ano ang kahinaan ko!

"Benedicto wants you back in Sta. Maria, Lory." Halos manginig ako sa pagbanggit niya ng pangalan ng aking ama. My mother used to call Papa like that too when she's telling me something serious. And now, this woman freely uses his name like it's hers. Kabit lang naman siya!

"Why? Akala ko dito na ako for life? He changed his mind again? What for?" Muli akong humithit ng sigarilyo.

"You know the reason, Lory. He needs you for his re-election campaign."

Right. He calls for me only when he needs me for things like this. Lagi namang ako ang inihaharap niya para makuha ang simpatya ng madla. Alam niyang epektibo niya akong magagamit.

The thought of that made me angrier. Pero ano bang magagawa ko? Syempre, bilang binansagang daughter of the town, dapat maging mabuti at masunurin akong anak sa aking magulang.

Sa set-up ng pamilyang ito, parang ako pa ang anak niya sa labas ah? At kami ng mama ko ang pangalawang pamilya niya.

To think na ginagamit niya ang buhay ng aking ina kahit pa matagal na itong wala nang dahil lang sa nakaka-antig ang istorya nito. He betrayed not only me but also my mother. His wife! I wanted to hate my father for that. But what could I do?

"I'm tired of this, Felicia. Tell him I don't want to. Bakit hindi na lang si Lysandra ang gamitin niya sa kampanya?"

I looked at her and smiled.

"Ah... Who would believe a child of an adulterer, right?" Tumawa ako nang bahagya.

"Papa should've used her before if she's useful to this family."

"Watch your words, Mallory Siobhan!" Nagbabanta ang kanyang tono.

Nagalak ang kalooban ko dahil alam kong napikon ko siya sa maliit na insultong iyon.

"Pack up your things. We will leave for tomorrow." Malamig ang kanyang boses. Hindi niya na ako hinintay na makatugon at pabalang niyang inilapag ang hawak na tea cup. She immediately left me after that.

They say that as a child to your parents, you should be obliged to take care of them as they took care of you when you're not capable yet to stand on your own.

But when your parents are neglectful and unloving to you, would you take care of them when the time comes they couldn't stand on their feet anymore?

I know I wouldn't have to worry about taking care of my father when he grew old because we already have the means until the day we die.

I wouldn't say that Papa is neglectful to me. Ibinibigay naman niya ang mga pangangailangan ko bilang tao. Pero hindi ko alam kung sapat ba iyon sa akin bilang anak.

I already gave up the thought of validation from him. He already lost my respect as his child when he cheated on his wife.

Akala ko, kaya kong hindi siya sundin. Pero dahil may parte sa aking gustong balikan ang lugar kung saan mayroon akong memorya kasama ang aking ina, pumayag ako sa gusto ni Papa. At isa pa, hindi na rin bago sa akin ang sumunod sa kanya kahit ayaw ko pa.

Melody Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon