ROA 27

31 1 0
                                    

Chapter 27

"Ma'am pinapatawag po kayo ni Mr. Tonjuarez sa office niya." tawag sa akin ni Yesa.

Natigil ang pagbuklat ko sa folders at dahan-dahan na sinara iyon. I looked at Yesa like a scared cat.

Bakit na naman?

Pangatlong balik ko na sa opisina niya ngayong araw kung sakali!

Yesa gave me an apologetic smile. Alam ko inuutusan lang siya at wala rin siyang magagawa sa baliw niyang boss.

Nasa mismong site ako dahil kausap ko ang ibang mga engineers na magtatayo ng paglalagyan ng panels. Pero hindi matuloy-tuloy ang trabaho ko dahil panay ang patawag niya sa akin!

"Sige Miss Perella, susunod ako." mabigat sa loob kong sagot kay Yesa.

Maliban sa hindi pa ako nakakarecover sa nangyari kagabi, ano ang iisipin ng mga iba naming kasama at lagi ko siyang pinupuntahan sa opisina niya?

Ano naman kung single siya at hindi siya pamilyado? Ayoko pa rin!

"Thank you, Ma'am." paalam nito at naglakad na rin paalis.

Nakailang buntong hininga pa ako bago tumayo at padabog na naglakad patungong warehouse. Binuksan ko ang payong na binigay niya sa akin kanina, para daw hindi ako mainitan.

Noong unang punta ko kanina, ito ang inabot niya. Gusto lang daw niyang hindi ako mainitan. Kaya naman pala nagbigay kasi pababalik-balikin niya ako!

Mabuti na lang naka boots ako kaya hindi tagos ang init sa paa ko. Kahit sementado ang ibang parte ay mainit pa rin talaga.

Pumasok na ako ng warehouse at umakyat sa second floor. Nakakahingal at nakakauhaw itong mga pakulo ni Craig!

Walang katok-katok ay binuksan ko ang pinto niya. Naabutan ko itong nakasandal sa harap ng mesa habang may nirereview na mga reports na hawak niya.

He's wearing clear grim eyeglasses. He already removed his coat, his white polo dress' sleeves were folded up until his elbow. And my legs are a bit crossed.

I closed the door behind and he faced me. Strands of hair were on his forehead.

He looked dashing kung hindi lang nakakapikon ang ginagawa niya.

"Pinatawag mo ulit ako? Mr. Tonjuarez?" I managed to asked calmly.

Nilapag ko ang payong sa sofa at kumuha ng water bottle sa coffee table. Hindi ko talaga kinakaya ang init at pabalik-balik na paglalakad!

Hindi na ako umupo dahil aalis rin naman ako agad.

He watched me chugging all the water down. I wiped my lips with the back of my hand and threw the bottle in the trash bin.

His forehead was slightly creased but amusement was in his eyes, while his mouth was a little bit parted.

Hinabol ko ang hininga ko kaya taas baba ang dibdib ko. I also brushed my fingers through my hair to fix it.

"Pinatawag mo ako? Sir?" tawag ko sa kanya dahil para siyang nananaginip ng gising.

He snapped back from reality and looked away before he brought his eyes back on me. He helplessly sighed and continued browsing the reports.

"Yes. May tanong ako." seryoso niyang sambit.

Kumunot ang noo ko. May problema na naman ba? May hindi siya nagustuhan?

Bahagya akong lumapit sa kanya. "A-Ano?" medyo kabado kong tanong.

He stopped browsing and looked at me. Making my attention all locked up on him.

Raindrops of Astalièr (Tonjuarez Series IV)Where stories live. Discover now