Bigla kong narinig na bumukas ang pinto. Sumunod dito ang mabibigat na yabag ng paa. Napalunok na lang ako at pasimpleng sumilip. Kitang-kita ko ang isang anino na pumasok sa loob ng cafeteria.

"Johannes~" Bumalik ang kaba ko nang marinig ang boses ng halimaw na nagpapanggap bilang si Silas.

Agad kong kinuha ang kutsilyo na nasa lamesa at nagtago ulit. Mahigpit kong hinawakan ito habang pinapakinggan nang mabuti ang bawat hakbang ng halimaw.

Suddenly, the footsteps stopped.

"You know, everyone has a part to play in this whole thing." I heard his voice just from behind me. "Ikaw, Johannes... You're the seer. You know what our friends have done. You know everything, but you're not going to say anything, right?"

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kutsilyo. Wala akong ibang magawa kundi titigan ito.

"You know who killed Eurydice. All you have to do is confess and this will all be over. But even you can't do that. Gusto mong malaman kung bakit?"

Rinig kong humakbang siya palapit sa kinaroroonan ko.

"Because you're selfish, Johannes." Mahina siyang tumawa. "You'll let us all die because you're nothing but a selfish person."

I'm not. I did everything for my friends. I hid all of their secrets just so their lives wouldn't get ruined. Paano naging selfish 'yon kung halos lahat ng gawin ko ay para sa kanila?

Tumitig lang ako sa hawak kong kutsilyo.

This is all her fault...

Kung hindi lang siya dumating sa buhay namin, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Namatay na siya't lahat pero hanggang ngayon, ginugulo niya pa rin kami. Kailan niya ba kami tatantanan?

"Gusto mong malaman kung ano'ng pakiramdam noong pinapatay ko 'yong mga kaibigan natin? It was the same feeling I felt when I—"

"Tangina mo! Shut the fuck up, gago! Hindi ikaw si Silas! Hindi ikaw ang kaibigan ko!" Gamit ang buong lakas, itinulak ko ang lamesa na pinagtataguan ko papunta sa kaniya. Umalingawngaw sa buong paligid ang nakakarinding tunog ng mga gamit na bumagsak sa sahig.

Tumayo ako at agad na tumakbo palabas ng cafeteria. Ni hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman na hinahabol na ako ng pakshet. Rinig na rinig ko ang mga hakbang niya kasabay ng nakakaloko niyang tawa. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo habang hawak nang mahigpit ang kutsilyo.

Lumiko ako sa pasilyo at natanaw ang hagdanan pababa ng second floor. Dumiretso ako doon at akmang bababa na sana ako nang bigla akong talunan ng tarantado. Nawalan ako ng balanse pero bago ako tuluyang mahulog, hinila ko siya dahilan para parehas kaming dumausdos pababa ng hagdanan.

Sobrang sakit ng katawan ko nang l-um-anding ako sa lapag. Sinubukan kong bumangon pero napahiyaw ako nang may maramdamang kirot sa tagiliran ko. Napatingin ako dito at agad na napamura nang makitang nahiwa ako ng kutsilyo.

Ibinaling ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko ang halimaw na nakahiga 'di kalayuan sa 'kin, mukhang nawalan ng malay. Kinuha ko ang kutsilyong nabitawan ko na may dugo ko pa.

Hawak nang mahigpit ang kutsilyo, lumapit ako sa kinaroroonan ng halimaw. Ika-ika akong maglakad habang nakahawak sa sugat ko.

Napangisi ako nang makalapit sa halimaw. Gamit ang dalawang kamay, itinaas ko ang kutsilyo at bumwelo ng saksak. Pero nang akmang gagawin ko na ito, natigilan ako.

I stared at its face... Silas' face...

Gumaan ang pagkakahawak ko sa kutsilyo.

My mind came back to that night.

InfernumWhere stories live. Discover now