"Handa ka bang magbingi-bingihan sa pwede mong marinig na mga kasalanan nila? Magbubulag-bulagan ka ba oras na lumabas ang katotohanan?" tanong nito. "O tatahimik ka lang, tulad ng ginagawa ni Johannes?"

Unti-unting iminulat ni Soren ang kaniyang mga mata, hanggang sa muling magtama ang tingin nilang dalawa ng kasama niya mula sa salamin na nasa kaniyang harapan.

"Johannes knows something?"

"Johannes knows everything." Mahinang tumawa si 'Silas'. "He knows what they all did. But he's not going to say anything. Hahayaan niya lang na paulit-ulit tayong mamatay kesa sabihin niya ang totoo. Johannes is selfish."

Gulat man dahil sa nalalaman, hindi pa rin mapigilang magtaka ni Soren sa kinikilos ng iniisip niyang nobyo. "Nag-away ba talaga kayo? Sil, baby, you can never talk like that about Johannes. Mahal na mahal mo 'yon. Kung wala nga lang tayo, baka pinagselosan ka na ni Jiro kasi sobrang close niyo talaga. I think you're being too harsh, babe."

"Well, truth hurts." Nagkibit-balikat ito. "Are you sure you still want to know about the truth then?"

Muling natahimik si Soren at nagbaba ng tingin sa kaniyang mga kamay na nakakapit sa lababo.

"They're my friends... Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kapag nalaman kong may kinalaman talaga sila sa nangyari kay Eurydice." Pikit-mata siyang bumuntong-hininga bago muling imulat ang mga mata niyang agad tumama sa kasama na nasa kaniyang likuran, nakahawak nang marahan sa magkabila niyang balikat.

"They're not your friends, Soren," giit ng nilalang. "They're people — sinners, at the very least. Look past beyond your friendship because if you don't, you won't get out of this place."

Napalunok si Soren. "Tama ba ako? Do you really think that we can get out of this place if they just admit what they've done — what they... what they could've done to Eurydice. 'Yon lang ba 'yong tanging paraan para makaalis kami dito?"

"Hindi ko rin alam." Ngumiti si 'Silas' na humigpit ang hawak sa kaniyang mga balikat. "What I need to know... is are you willing to do the right thing once you know the truth?"

Mabigat man sa kaniyang kalooban dahil sa maaaring malaman tungkol sa mga taong halos ituring niya nang sariling pamilya, tumango pa rin si Soren dahil alam niyang ito ang nararapat na gawin — o dahil ito ang sa tingin niyang dapat na gawin niya.

"Even if it's your friends?"

Mariin na pumikit si Soren at tumango.

"Yes."

Naramdaman niyang umangat ang hawak ng nobyo papunta sa kaniyang ulo.

"Even if it's really me who killed Eurydice?"

Tuluyang napamulat si Soren at sa pagkakataong iyon, nagtama ang nanlalaki niyang mga mata sa mga mata ng inaakalang nobyo na puno ng kasamaan. Humigpit ang hawak nito sa kaniyang ulo at ramdam niya ang lamig ng balat nito.

"Sil—" Bago niya pa matapos sa pagsasalita, mabilis na inikot ni 'Silas' ang leeg nito. Rinig na rinig sa tahimik na silid ang tunog ng pagkabali ng leeg ni Soren na tuluyang lumupaypay sa sahig, bakas ang magkahalong gulat at dalamhati sa mga mata nitong tila'y nakatitig pa rin sa inaakala niyang nobyo.

Hindi pa nakuntento ang nagbabalat-kayong nilalang na kumuha ng bimpo na nasa malapit. Nakangisi siyang nagtungo sa walang-buhay na katawan ni Soren at ibinalot ang bimpo sa ulo nito. Hinigpitan niya ito ang pagkakatali rito bago unti-unting hinila ito at inikot. Binalot ng tunog ng tuloy-tuloy na pagkabali ng leeg ni Soren ang tila'y walang hanggang katahimikan sa loob ng silid.

InfernumWhere stories live. Discover now