MARTYR

12 5 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi, bitbit ko ang bag at ibang gamit ko habang ginagawa kong pamandong sa ulo ang aking libro.

Oras na nang uwian, medyo 'di naman kalayuan ang bahay namin sa paaralan pero dahil sa maulan ang panahon mukhang matatagalan ako bago maka-uwi.

Dire-diretso pa rin ako sa paglalakad, hindi ko na alintana ang mga iilang putik at tipsik na dumadampi sa akin.

Ang kanina lang na ambon ay paunti-unting lumakas, tumakbo ako agad at naghanap ng pwedeng masilungan pansamantala.

May mga mangingilan din akong nakita na kapwa ko estudyante na tumatakbo.

Ang iba ay nakapayong kaya ayos lang naman 'yon.

Takbo pa ako ng takbo kasabay ang ibang estudyante hanggang sa tumigil ako sa isa sa mga tindahan, nakisilong ako roon.

Inayos ko ang sarili ko at ibang gamit, basang-basa na ang mga ito.

Pagpag din ako ng pagpag sa ibang bahagi ng aking katawan na may putik.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili at nang mga gamit ay na-upo na lang muna ako sa upuan na andoon sa labas. Hihintayin ko na lang na humupa ang ulan.

Tumingin tingin ako sa paligid, sobrang lakas ng ulan parang halatang matatagalan pa bago ito humupa.

Pagkalipas ng ilang sandali mayroong dalawang estudyante na tumatakbo rin palapit dito sa tindahan siguro ay magkasintahan, dahil pinapayongan ng lalaki 'yong babae kapwa nakangiti pa sila sa isa't isa.

Palapit nang palapit mas lalo kong naaaninag ang mukha ng dalawa na papunta rito sa pwesto ko.

Gustuhin ko man na hindi na magulat ay nagulat pa rin ako. Kahit pala sabihin na 'tin na tayo'y manhid na ay hindi pa rin pala, dahil may damdamin tayo kahit pa sabihin na 'ting matigas na ito, lalambot at lalambot pa rin talaga.

Katulad ngayon dapat hindi na ako mabigla o magulat na may kasama na naman siyang ibang babae.

Ngunit kapag nangyayari kase ang ganitong eksena ay parang nagiging bago lang o parang first time na nangyari hindi 'yong tipong paulit-ulit.

Umusod ako nang kaunti habang nakatingin pa rin kay Kyro, nakatingin din siya sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mga mata at blangko lang ang kaniyang ekspresyon.

Ito na naman, parang nasa pelikula lang na dapat scripted lahat. Magpapanggap na naman ako na hindi ko siya kilala at ganoon din siya.

"Babe, pwede bang pakuha ako no'ng suklay sa bag ko?" maarteng sabi ng babae na kasama niya.

Agad naman itong hinanap ni Kyro sa loob ng bag no'ng babae.

"Criza hindi ko mahanap, saan mo bang bulsa ng bag mo inilagay?" tanong ni Kyro habang patuloy na hinahanap ang suklay.

"Andiyan lang 'yon, hanapin mo po, please" umarteng nag puppy eyes pa ito.

Infairness ah, kahit hindi na siya mag puppy eyes mukha naman siyang aso.

Hindi ko talaga maintindihan si Kyro kung bakit palagi niya itong ginagawa. Palagi ko rin nakikita ang kaniyang mga nakakasama na babae, lahat ito boses maarte. Malalandi rin, siguro iyon talaga ang tipo niya. Hindi 'yong tulad ko na parang nanay na nanenermon sakaniya.

Sa sobrang pagkahibang ko sakaniya ginaya ko kung paano maging maarte at malandi katulad ng mga nakakasama niyang ibang babae. Ngunit walang epekto ito.

Bakit? Bakit niya ako ginaganito? Pagkatapos ko siyang piliin kaysa sa mga magulang at kaibigan ko? Paano niya nagagawang sayangin ang lahat ng mga bagay na isinakripisyo ko para sakaniya?

Ganoon na ba ako kawalang kwenta para sakaniya?

Ibinigay ko naman lahat ah, pati pag suko ng bataan sakaniya ko naisuko.

Paminsan-minsan iniisip kong makipaghiwalay na lang kase ganoon din naman pero... mahal ko siya. Mahal na mahal.

Kaya kong tiisin lahat makasama lang siya, kaya kong makita siyang may kasama na iba, lahat iintindihin ko. Lahat gagawin ko, 'wag lang siyang mawala.

Nagalit na sa akin ang mga kaibigan ko, ni isa walang natira kase mas pinili ko siya.

Naalala ko tuloy 'yong araw na sinabi nilang nakita nila ulit si Kyro na may kasamang ibang babae.

Nagalit ako sakanila kase pinagpipilitan na naman nila ito.

Kahit hindi nila sabihin sa akin, alam ko. Alam ko ang lahat, kahit saan 'yon pumunta sinusundan ko. Kahit pa hindi na nila sa akin sabihin alam ko.

"Anong hindi ka pa rin naniniwala sa amin? Ito na oh, ito na ang ebidensya!" sigaw sa akin ni Kyla.

"H-hindi nga!" sigaw ko pabalik kahit nanginginig na ako sa takot at kaba.

Natatakot akong ano ang masabi ko sakanila kahit tama sila, kaba na baka biglang mawala ang pagkakaibigan namin.

"Ano ka ba naman Ashley, hanggang kailan ka ba magpapaka martyr? Alam ko na alam mo ang totoo. Hindi pwedeng hindi ka pa rin naniniwala sa amin ganoong may ebidensya na." niyugyog ako ng paulit-ulit ni Ezekiel.

Lalo na akong nanghihina noon, dahil sa labis na pagod at hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

Alam ko noon na talo na ako kase may ebidensya na sila.

Hinahawi naman ni Pearl ang kamay ni Ezekiel na nakahawak sa magkabilang braso ko.

"Bitawan mo na siya, Zeke. Nasasaktan din si Ashley." saway ni Pearl.

Binitawan naman ako agad ni Zeke at napahilamos na lang siya sa sarili dahil sa frustration.

" So-sorry, h-hindi talaga siya 'yan. H-hindi niya 'yan magagawa sa a-akin, k-kase m-mahal niya a-ako." nauutal utal na ako kase alam kong kasinungalingan ang sinabi ko noon.

"Ewan ko sa 'yo, Ash. Naiinis na rin ako sa 'yo, lalo na diyan kay Kyro. Hindi ko alam kung anong pinakain niya sa 'yo at nagkaganiyan ka. Napaka-martyr mo na, juice ko iwan mo na kase siya hindi mo siya deserve. Madami pan iba, mas pahahalagahan ka pa. Hindi pa ipaparamdam sa 'yo ang ginagawa ni Kyro sa 'yo ngayon." sabi ni Pearl.

Tumingin ako sakaniya, alam kong pinapalubag niya lamang ang aking damdamin noon kaya niya sinabi 'yon.

Umiling pa rin ako at saka na lang iniwan sila lahat, tinawag pa nila ako at nagtangka pa akong habulin ni Zeke kaso pinigilan na siya ni Pearl.

Sising-sisi ako noon at parang gusto ko na lang bumalik sakanila ulit kaso sobrang kapal naman ng mukha ko kung ganoon.

Ngayon ko lang din napagtanto na talagang sobrang martyr ko, alam kong may nararamdaman din sa akin si Zeke kaso palagi na lang akong umaakto na wala akong nararamdaman.

Ganoon ako, ganoon ako ka martyr. Mas pinipili ko ang bawal at tinatanggihan ang mas makakabuti sa akin. Kaso ngayon, mukhang magigising na ako.

Inisip ko lahat ng mga ginawa sa akin ni Kyro, simula sa magaganda hanggang sa hindi na magaganda.

Tumulo pa ang luha ko at saka minuklat ang mga mata at diretsong tumingin kay Kyro.

Agad akong tumayo at sinampal siya ng malakas sa magkabilang pisnge.

"Tapos na tayo! Tapos na ako sa 'yo! Lalaya na ako sa hawlang ako lang din ang gumawa at kumulong sa sarili ko. Tama na, ayo'ko na! Hindi ko na kaya pang makita ang sarili ko na ubos na ubos at durog na durog. Ayo'ko na Kyro, tapos na tayo! Huwag ka na sanang magpapakita sa akin!!!" habang sinasabi at ginagawa ko 'yon gulat na gulat sila pareho sa ginawa ko.

Hindi ko na alintana ang malakas na ulan, lumusong na ako rito at ibinuhos ko na rin ang mga luha kong sobrang tagal kong inipon para sakaniya.

Sumasabay na ang lakas ng ulan sa lakas ng iyak ko. Sumisigaw na ako sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko, wala na akong pakealam kung may makarinig sa akin.

Ang tangi ko lang na alam na tamang gawin ay gumising na sa pagka-martyr.

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

One Shot Stories Compilation (COMPLETED)Where stories live. Discover now