ILUSYON

9 4 0
                                    

Takbo rito.

Takbo roon.

Tago rito.

Tago roon.

"Habulin mo 'ko, Kitty!" sigaw ko sa kaibigan ko.

"Malapit na 'ko!" tumatawa ako habang panay pa rin ang pagtakbo.

Mabilis na rin siyang tumakbo, nasanay na rin siguro kase lagi kaming naglalaro.

Tumakbo ako sa mga kakahuyan dahil alam kong mahihirapan niya ako roon na habulin.

"Ang daya mo!" umakto pa siyang sobrang lungkot.

"Kaya mo 'yan, ikaw ang taya, eh."

"Dali na . . . habulin mo na 'ko!"

"Humanda ka sa 'kin, papunta na 'ko!" sigaw niya palapit sa 'kin.

"AHHHH!" sigaw ko habang tumatakbo dahil pakiramdam ko'y malapit na siya sa 'kin.

"Bawal ang time freeze, ah." pagsasalita nito habang patuloy sa pagtakbo palapit sa 'kin.

"Habulin mo 'ko! Nye nye nye nye." pang-aasar ko rito.

"Mahahabol din kita, malapit na akoooo!"

"AHHHHHH!" tumitili na ako dahil malapit na nga siya sa 'kin.

Lumingon ako sa aking likuran upang tignan kung sobrang lapit na ba niya sa 'kin. Nang sumilip ako ay hindi ko na siya nakita.

Napatigil ako ng dahan-dahan sa pagtakbo.

Nasaan si Kitty? Saan siya nagpunta? Bakit bigla siyang nawala?

Tuluyan na akong napatigil sa pagtakbo, hinahanap na ng mga mata ko kung nasaan na siya.

Panay libot ng mga mata ko sa pagtingin sa paligid upang hanapin kung nasaan si Kitty.

"Kitty?" mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.

Nagsimula akong maglakad-lakad upang hanapin siya.

"Kitty, nasaan ka?" tawag ko rito.

Ang pagkaka–alam ko ay habulan ang nilalaro namin, bakit biglang naging tagu-taguan?

"Kitty! Ang daya mo! Naghahabulan pa nga tayo, eh."

Tuloy lang ako sa paghanap sa kaniya, tumitingin din ako sa bawat puno na nadadaanan ko, baka sakaling nandoon siya nagtatago.

"Ah, sige. Ganiyanan pala, ah."

"Maghanda ka, 'pag nahanap kita, ihanda mo na ang iyong sarili sa nag-aabang na kiliti para sa 'yo."

Patuloy pa rin ako sa pagsasalita na tila may nakakausap pa rin ako kahit wala na si Kitty sa paningin ko at hindi ko nga rin alam kung nasaan na ito.

Bigla na lang itong nawala, lagi siyang nawawala oras na naglalaro kami. Tapos may maaabutan ako na tao. Laging gano'n ang set-up. Sa tuwing may ibang tao na palapit sa 'kin o malapit sa 'min ay bigla siyang nawawala.

Sa aking paglalakad ay nakabalik ako sa may bench na upuan, may nakita akong ibang tao na papasok sa mga kakahuyan.

"Nasaan na kaya si Kitty?" tanong ko sa aking sarili.

Babalik na lang 'yon.

Makalipas ang ilang sandali ay may biglang nagtakip sa aking mga mata gamit ang dalawang palad nito.

"Hulaan mo." may pang-aasar sa tono ng boses nito.

"Kitty!" sigaw ko sa pangalan niya.

"Shhh!" bigla namang nalipat sa aking bibig ang kaniyang mga kamay.

One Shot Stories Compilation (COMPLETED)Where stories live. Discover now