YOU ARE BEAUTIFUL

21 6 0
                                    

"Ang pangit!"

"Bulok"

"Sagwa"

"Baduy"

"Hindi ko nga alam kung paano pa rin niya nakukuhang pumasok dito, tignan mo nga ang itsura niya. Sobrang nakakahiya." umirap pa 'yong babae pagkasabi niya nito.

Alam kong hindi ako tanga at bingi para hindi marinig ang mga sinasabi nila tungkol sa'kin.

Mga bulungan na naka-max ang volume habang nagsasalita. Kung magparinig sa'kin kala mo'y mga perpektong tao. Ngunit, totoo naman ang sinasabi nila.

Tama nga naman na ang pangit ko.

Araw-araw na lang akong nakakarinig ng mga pangungutya nila tungkol sa panlabas kong kaanyuan. Porket ba maganda at pogi sila ay pwede na nilang tapakan ang pagkatao at dignidad ko? Tao rin naman ako, may puso, nasasaktan din kase hindi naman ako robot.

Tinitiis ko na lamang ang mga panlalait nila sa'kin dahil sa school na 'to ako nag-aaral, hindi rin kami mayaman kaya isa lang akong scholar student dito.

Ayaw kong sayangin ang oportunidad na makapag-aral ng libre para lang sa mga katulad nilang tao.

Ngunit, kahit pa mukha akong walang pakealam sa mga sinasabi nila ang totoo niyan ay kahit ako sobrang baba na nang tingin sa sarili ko.

Pakiramdam ko'y wala na akong papel dito sa mundo dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa'kin. Nagmumukhang isa ako sa mga dapat puksain dahil hindi nararapat ang itsura ko rito.

Walang araw na hindi ako makakarinig ng mga pangungutya nila tungkol sa'kin, palagi na lang akong tumatakbo oras na may nakakakita sa'kin dahil magkukumpulan na naman ang mga estudyante para laitin at maliitin ako.

Habang naririnig ko ang mga sinasabi nila ay nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na lumilingon sakanila.

Nakayuko ako habang naglalakad at hawak-hawak ko ang mga libro ko. Inayos ko ng kaunti ang salamin ko dahil mahuhulog ito, wala pa naman kaming maipangbibili ng bago kung sakaling mabasag ito.

Mahina na kase ang paningin ko, eh. Simula no'ng grade 8 ako ay nanlabo na ang mga mata ko, mahilig kase akong magbasa ng mga libro kahit gabi na kaya ayun ang resulta lumabo ang paningin ko.

Pinaka-iingatan ko pa ito ng sobra dahil bigay 'to sa'kin ng tatay ko. Regalo niya 'to sa'kin no'ng nag birthday ako. Pinag-ipunan talaga 'to ni tatay na bilhin dahil medyo may kamahalan ang presyo, kaya naman inaalagaan ko rin ito ng mabuti gaya ng pag-iingat ko sa mga mata ko.

Habang patuloy ako na naglalakad papunta sa floor ng room ko ay sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang akong napasalampak sa sahig, kasabay ng pagkasalampak ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid ko ng "Booo!"

"Lampa!"

"Tanga!" sigaw nila.

"HAHAHAHAHA" tawa ng mga mangilan-ngilan sakanila.

Nabitawan ko ang mga libro ko at hindi ako makakita ng maayos, saka ko lang napagtanto na nawawala ang salamin ko, hindi ko ito suot-suot.

Agad akong kumapa-kapa sa paligid ko at sa sahig dahil hinahanap ko 'yong salamin ko, hindi pa rin ako tumatayo sa pagkakadapa dahil nananakit pa ang tuhod ko.

"'Y-yong salamin k-ko..." mahina kong boses habang paiyak na.

Kailangan kong hanapin ang salamin ko baka kung ano ng nangyari doon.

Pinilit kong tumayo ngunit napa-aray ako.

"A-aray ko" mangiyak-ngiyak kong turan dahil sa sakit ng tuhod ko.

One Shot Stories Compilation (COMPLETED)Where stories live. Discover now