Chapter 12 - Crushed Flowers

Depuis le début
                                    

"Anong ginagawa niyo rito? Date?" Tumingin si Ivy sa akin matapos ay kay Matt.

"Oo..." Sumagot si Matt at kumukulo ang dugo ko sa sagot niya. Ngayon ko lang nalaman na alam ni Ivy ang buong pangyayari sa amin tapos ngayon ay may gana pa siyang sabihing kung anong ginagawa namin.

"O siya sige, enjoy na lang kayong mag-asawa. Nice meeting you again, Sam." Tumango ako at pinilit kong ngumiti kahit inis na inis na ako. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalayo na ito.

"Saan mo gustong pumun--" Sinampal ko siya at hindi na niya napagpatuloy ang sasabihin niya.

"Ikaw magpunta ka sa kung saan mo gusto. Uuwi na ako."

Naglakad na ako ng mabilis at palabas ng mall na pinuntahan namin. Hindi ko alam ang sasakyan ko pabalik ng bahay pero bahala na. May pera naman ako at makakabalik ako sa bahay.

"Sam!" Naramdaman ko ang kamay ni Matt sa braso ko at pinipigilan ako. Nagpupumiglas ako.

"Bitawan mo ako kung ayaw mo na magiskandalo ako rito."

"Sam...please huwag mo naman gawin 'to. Mag-usap tayo."

"Ano pa bang pag-uusapan natin? May sasabihin ka pa bang sinabihan mo ng mga pangyayari sa atin? Ano proud ka pa?"

"Sam, huwag dito. Mag-usap tayo ng tayong dalawa lang. Halika na." Hinila pa ako nito palapit sa kanya.

"Ayoko!" Hila ko pabalik.

"Sam...please...huwag naman ganito. Please." Tinitigan ko lang ng matagal si Matt at hindi ko alam kahit na nagagalit ako dahil sa ginawa niya ay sinundan ko pa rin siya at nagtungo kaming kotse niya.

Hinihintay ko siyang magsalita pagkarating namin ng kotse pero hindi ito nagsalita. Nagmaneho lang siya nang nagmaneho at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakaramdam na ako ng takot dahil palagay ko ay palayo na kami ng palayo at wala akong alam sa lugar.

"Saan mo ako dadalhin?" Malakas kong salita sa kanya. Natatakot na ako. Ako lang mag-isa at kasama ko siya. "Sa-saan mo ako dadalhin?"

Hindi ko na alam kung kailan nagsimula na pumatak ang luha ko at hindi ko ito mapigilan. Tumingin ako sa paligid ko at hindi ako pamilyar sa lugar at hindi pa rin tumitigil sa pagmamaneho si Matt at paliblib na ang lugar.

Naramdaman kong tumigil ang sasakyan at tumingin ako sa labas. Wala akong ibang makita kundi halaman at puno. Wala akong tao na makita na pwedeng mahingan ko ng tulong. Kagaya ito noon araw na iyon...

Binuksan niya ang bintana at malamig ang simoy ng hangin ang pumasok. Tumingin ako kay Matt ng lumabas ito ng kotse. Naglakad ito sa likuran ng kotse ng ilang hakbang bago tumigil. Narinig ko ang pagkaladkad niya at may narinig akong malakas na bumagsak na tila may sinipa siya. Niyakap ko ang sarili ko sa takot. Hindi ako dapat pumayag sa date na ito. Hindi ako dapat nagpaniwala sa pinapakita niya sa akin sa panlabas. Hindi totoo lahat ng iyon. May gagawin siyang masama sa akin.

Gusto kong lumabas at tumakbo palayo sa kotse pero hindi ko magalaw ang sarili ko sa kinauupuan ko. Nanginginig ako. God? Nandiyan ka ba? God totoo ka ba? Bakit nandito na naman ako sa ganitong sitwasyon? Anong gagawin ko? Takot na takot ako. Nakikinig ka ba sa akin? Nakikita mo ba ako?

Tumingin ako sa paligid at wala pa rin tao na maaring tumulong sa akin. Tutulungan mo ba ako? Akala ko ba...akala ko ba...

Malamig ang malakas na hangin na dumampi sa pisngi ko. Huminga ako ng malalim at tila ang malamig na hangin ay nagpapakalma ng pakiramdam ko. Namalayan ko na lang na normal ang paghinga ko na kanina lang ay hirap na hirap akong gawin dahil sa takot.

Journey of ForgivenessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant