Chapter 18: Tunay na Anak

51 5 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 18: Tunay na Anak

"AHMM... P-Puntahan ko na si Draven. S-Sa garden na lang kami m-maghihintay ng oras para sa next subject." nautal na sabi ni Davina dahil sa kabang nararamdaman niya na baka makita siya ng ama bago nagmamadaling kinuha ang mga gamit nilang mag-ina.

"Hey, Davina, bakit nagmamadali kang umalis?" nakakunot ang noong sabi ni Cyrille nang makitang nagmamadaling kinuha ni Davina ang mga gamit nito at nahalata o narinig niya ang pagka-utal nito habang nagsalita na parang kinakabahan ito.

"A-Aalis na ako." sabi ni Davina at hindi sinagot ang tanong ni Cyrille bago tumalikod sa mga kaibigan at naglakad paalis.

Sa ibang direksyon dumaan si Davina dahil iniiwasan niyang makasalubong ang ama dahil malaki ang galit nito sa kanya sa paglalayas niya sa mansion limang taon na ang nakakaraan.

"KD Agravante!" maawtoridad na tawag ng tinig na ikinahinto ni Davina sa paglalakad at napalunok nang marinig at makilala ang boses na iyon.

Akmang ipagpapatuloy ni Davina ang paglalakad palayo nang may malapad na kamay ang humawak sa braso niya at pwersahang pinaharap siya na inis na ikinatingin ni Davina sa mga ito.

"Ano ba? Ano ba pang kailangan n'yo sa akin? Tantanan niyo na ako dahil nanahimik na ako sa buhay na pinili ko!" inis na singhal ni Davina sa ama na si August Agravante at sa kasama nito na nakakatandang kapatid niyang lalaki na si Enver Agravante.

"Davina!" tawag ng mga kaibigan ni Davina na sina Frida at Cyrille pero hindi ito nilingon ni Davina dahil ang buong atensyon nito ay nasa ama.

"Tingin mo, ganoon na lang kadali ang lahat, KD? Nagkakamali ka dahil hangga't hindi mo ako sinusunod ay hindi kita titigilan. Pinagbigyan lang kita sa limang taon na umalis ka sa mansion." seryosong sabi ni August kay Davina na ikinatingi ng dalaga rito.

"Dad, pagod na akong maging sunod-sunuran n'yo ni Mom kaya umalis ako sa p*ny*tang mansion na iyon. Pagod na ako sa pandidikta niyo sa akin... sa paghahadlang niyo sa mga gusto ko. Tigilan niyo na ako." sabi ni Davina.

"Sumama ka sa amin. Ibabalik na kita sa mansion para nang hindi ka nagrereklamong pagod ka na. Pinahihirapan mo ang sarili mo kung pwede namang hindi." sabi ni August kay Davina at mahigpit na hinawakan ito sa braso.

Napaigik si Davina nang maramdaman ang galit ng ama sa higpit ng pagkakahawak at pagtalim ng mga tingin nito sa kanya na sigurado siya na nagpipigil ito dahil nitong ipakita sa publiko ang tunay nitong ugali.

"Hindi ako sasama sa'yo, Dad! Hindi ako babalik sa mansion na iyon! Hindi na ako magpapaalipin sa inyo! Tigilan niyo na ako!" singhal ni Davina kay August na ikinatiim-bagang nito .

"Wala kang karapatan na singhalan ako. Ama mo ako, anak lang kita! Kung hindi dahil sa akin, wala ka ngayon sa kinatatayuan mo! Sasama ka sa akin at susundin mo ang ako sa ayaw o gusto mo!" galit ni August kay Davina na sarkastikong napatawa.

"Ama? Huh! Kahit kailan, hindi ka nagpakaama sa akin! At kahit kailan, hindi mo ako itinuring na anak!" sarkastikong sabi ni Davina dahilan para masampal siya ni August.

Napatagilid ang mukha ni Davina at napaluha siya sa lakas ng sampal sa kanya ng ama. Hindi lang ang pisngi niya ang masakit kundi pati ang puso niya dahil iyon ang unang pagkakataon na saktan siya ng ama at sa harap pa ng maraming tao.

"KD!" sambit ni Enver sa initial ng pangalan ni Davina nang sampalin ito ng ama at mabilis niya itong dinaluhan.

"Davina!" sambit ng mga kaibigan ni Davina nang hindi nila inaasahan na sasampalin ito ng ama nito.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum