11.

374 31 8
                                    

"Okay ka lang ba?" maingat na tanong sakin ni Max. Nakarating na din kase kami dito sa airport ng Palawan. Nang matapos kase yung tagpuan kanina sa bus, hindi ko na din nakita si Anntonia. Pinatay ko din yung phone ko kase alam kong tatawag at tatawag si Rhian sakin. Ayoko muna siyang makausap or kahit sino sa kanilang dalawa. Mabuti nalang makasakay kami ng eroplano, hindi ko din nakita kahit anino ni Anntonia. Sabagay, bakit ko naman din hahanapin?


"Ayos lang ako. Salamat ha." Tumango naman ito sakin at ngumiti. Ganon din si Sam, mula kanina hindi nila ako iniwan. Parang naging bodyguard ko sila. Hindi din kase mawala yung mga mapag tanong na mga mata ng mga estudyanteng nakatingin sakin. Kaya itong dalawa, kapag may nakikita silang ganon sinusungitan na nila agad.


"Ano kaba, its okay lang naman. Alam mo naman na baby girl ka namin e." Yumakap din sakin si Sam.


"Mamaya kana Sam, ayusin mo muna tong mga bag mo oh. Artista kaba? Napaka dami mong dala!" masungit na sabi ni Max habang tulak tulak yung mga ilang bag na dala nila. Natawa naman ako sap ag tatalo nila.


"Okay student gather up." Sigaw ng professor namin. "Pupunta muna tayo sa hotel natin, kaya bilisan niyong kumilos. May mga activities pa tayo na gagawin." Mabilis naman kaming ngumiti sa isat isa. Siguro time na to para naman mag enjoy kahit papaano. 1 week vacation na walang iisiping iba, pwede naman siguro yon.





________________________________________________________________________________

"Sa tingin mo ba mag kakatabi tayo mamaya ng room?" tanong ni Max habang nakasandal sakin. Sinundo na kase ng service namin na mag hahatid samin sa hotel.


"Ako, okay lang na kasama ko si Michelle. Hindi kase siya bungangera, hindi katulad ng isa diyan." Asar na sabi ni Sam. Napatawa naman ako na makita ko na parang umasim yung mukha ni Max.


"Wow, excuse me. Okay na din akong katabi ko si Michelle. Kesa naman ikaw, sa dami mong damit na dala baka bagahe mo yung humiga sa mga kama natin."


"You know what, kanina kapa asar sakin..." maktol na sabi naman ni Sam.


"Okay, tama na yan. Kakaasar niyo sa isat isa nagiging mag kamukha na kayo."


"Ew! Sure kaba? Do I look like that Monkey?" maarte na sabi ni Sam.


"Ah, ganon. Monkey pala ha, buhatin mo mag isa yung mga bagahe mo ha."


"Alam niyo, lalong sumasakit yung ulo ko sainyong dalawa, what if ako nalang mag isa sa room noh." Inis na sabi ko sa kanila na kinatigil naman ng dalawa sa pag tatalo nila.


"Ayan, its your fault!"


"Anong ako!? Ikaw!!!"


"Okay guys! Gather up, nandito na yung list kung sino ang mag kakasama sa room. Making kayo maigi ha..."





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝒀𝒐𝒖 𝒃𝒆𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒆 (𝑮𝒙𝑮) (𝑷𝒐𝒓𝑫𝒆𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚)Where stories live. Discover now