CHAPTER 2

6 0 0
                                    

🍩🍩🍩

"Goodmorning, Ate Ai!" Nakangiting bati ni Vlaixe ng paglabas namin ng pinto ng bahay ay saktong lumabas din si Dhairy kasabay si Ate Barbie.

Ngumiti ang babae sa kapatid ko ngunit ng mapadako ang tingin niya sa akin ay inirapan niya ako bago nagsimulang lumakad, napailing-iling na lang si Ate Barbs ng makita iyon.

"Pagpasensyahan mo na lang," sabi niya ng magkasabay kaming lumakad.

"Hindi naman kasing bait mo si Ase," singit ni Kuya Winston na kinuha ang bag ni Ate Barbs.

"Ako na dyan!" Rinig naming prisinta ni Vlaixe saka kinuha ang bag na bitbit ni Bella ng lumabas na rin ang bata.

"Ang cute talaga ng kapatid mong iyon," nakangiting sabi ni Ate Barbs habang pinagmamasdan si Vlaixe na nakikipagkwentuhan na naman kay Bella.

"Nako, maiiiyak siya panigurado kapag nalaman niyang aalis na kami."Napapabuntonghiningang sabi ni Kuya Winston dahilan para mapatingin kami sa kanya.

Kumunot ang noo ni Ate Barbs, "Aalis na kayo?" Ulit na tanong nito.

"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?"

"Oo nga, kailan?"

"Next week,"

"Bibisita naman ata sila, ate." Singit ko dahil nakasimangot na ang babae na kanina ay ang ganda pa ng ngiti.

"Oo naman," sang-ayon ni Kuya Winston saka inakbayan si Ate Barbs, "Syempre, babalikan kita. Hindi pa nga natin nagagawa ang mga nakasulat sa bucket list mo e."

"Kayo ba?" Rinig naming tanong ni Dhairy ng pumantay iyon sa amin sa paglalakad habang nasa harapan naman namin sina Vlaixe at Bella na abala din magkwentuhan.

Agad na napailing si Ate Barbs at natawa na lang si Kuya Winston sa reaksyon niya.

"Magkaibigan kami!" Depensa niya.

"Psh, kaibigan daw," ismid ni Dhairy saka iniwanan kami.

"Hoy Ai!" Sigaw ni Ate Barbs. "Napaka-talaga ng ugali mo!"

"Ayaw pa kasing umamin," muling ismid niya na ikinailing ko, hindi nagtagal ay naiwanan na naman kaming dalawa sa likod habang nauunang maglakad sila Ate.

Pumantay ako sa tabi niya saka hinawakan ang holding strap ng bag niya saka itinaas iyon dahilan para tingnan niya ako ng masama.

"Ano ba!?" Inis na sigaw niya saka pumiksi.

"Bakit ang sama ng ugali mo?"

"Pakealam mo ba?"

Napabuntonghininga na lang ako saka hindi siya inimikan, tahimik na magkasabay lang kaming naglalakad hanggang sa huminto ang lahat sa tapat ng pedestrial upang maghanda sa pagtawid habang abala naman siya sa paghahanap ng kung anong bagay sa bag niya.

Paglipat ng stop light sa kulay green na sign ay nagsimula ng maglakad ang mga tao ganoon din sila Ate Barbs, sumunod ako sa kanila ngunit ng mapalingon ako ay nakita kong nakatayo pa rin siya habang abala sa pagkalkal sa bag niya. Napasaltak ako saka binalikan siya, napaangat siya ng tingin ng hawakan ko siya sa braso saka iginiya palakad.

"Bilisan mo," inis na sabi ko dahil malapit ng matapos ang timer.

Nagmamadali naman siyang sumabay sa paglakad ko at ng makatawid kami ay agad niyang binawi ang braso saka isinara ang bag.

"Ano ba kasing hinahanap mo, Ai?" Tanong ni Ate Barbs.

"Nawawala yung notepad ko," nakasimangot na sagot niya na ikinabuntonghininga ko, binuksan ko ang bulsa ng bag niya saka dinukot iyon, "Ano ba!" Hiyaw niya saka akmang pipigilan ako ng ilabas ko ang hinahanap niya dahilan para mamula siya sa hiya.

Senior High School Series #5: MetanoiaМесто, где живут истории. Откройте их для себя