Pahina 20

651 53 21
                                    

Want

Tulad ng sabi niya, dumiretso kami sa kanyang opisina pagkatapos maayos ang lahat sa foundation. He changed his clothes there, ako naman ay may dalang oversized extra shirt at denim shorts, para dapat iyon kahapon kaya lang hindi ko na nagamit.

Nauna ako nag palit ng damit dahil ako ang mas basa sa aming dalawa. I entered the bathroom inside his private room. Hindi ko mapigilan ang mag isip ng kung ano-ano nang makapasok doon.

It was very manly. Sakto lang ang laki 'non para sa kanyang opisina, but still larger than the normal bathroom I am used to seeing in my family's offices. Grey tiled. May kaunting accent ng itim. It smelled like him too. Mercedes-Benz scent. I guess he has his perfume somewhere here. Sigurado rin ako na magiging ga'non ang amoy ko mamaya.

To be able to enter his private bathroom... feels... very personal. Like... this is supposed to be a private place for him, pero ito ako ngayon... naririto. I can freely walk around and use it, parang hindi makatotohanan pero habang nakatitig ako sa harap ng salamin, nakikita ang itim na faucet at personal na gamit niya tulad ng handsoap, mouthwash at toothpaste niya ay... nagpapatotoo ng lahat.

I inhaled and let his scent fill me.

My heart fluttered for the nth time today.

Nag patuloy ako sa pag papatuyo at pag palit ng damit. I combed my hair afterwards using my hand. I then tucked my oversized shirt in front under my denim shorts before finally going out.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama niya roon, sa loob ng kanyang kwarto.

He was sitting at the edge of the bed, legs apart, naka bukas na ang iilang butones sa kanyang long sleeves habang nag titipa sa kanyang cellphone.

Napalunok ako at napakagat sa aking pang ibabang labi.

Naramdaman ko na naman ang pag hampas ng puso ko! Gusto kong mapabuga ng hangin pero... the place was so silent... I don't want to disturb anything.

Seeing him like this... felt really personal for me!

It is normal for everyone to see him outside, doing his usual stuff... pero ang makita siyang ganito, impormal at komportable, ay nakakapag bigay sa akin ng kung anong kakaibang pakiramdam.

"Are you done?" Tanong niya bago siya mag angat ng tingin sa akin!

Nataranta ako ng kaunti! Napansin niya ba na nakatitig ako ng sobra?! Hindi naman diba? Kasi abala siya sa kanyang cellphone?!

"O-oo. Ikaw na."

Mabilis akong tumalima sa naisip kong lumabas na, uupo nalang ako sa may sofa sa opisina niya!

Makakalabas na sana ako nang maabutan niya ang kamay ko at mabilis akong hinigit paharap sa kanya.

I faced him surprised!

"Pupunasan mo rin ako diba?" Tanong niya, na para bang iyon ang hinihintay niya kanina pa, hindi ang banyo!

"O-okay... big boy." Pag tatakip ko sa hiyang nararamdaman ko!

He chuckled and gave me his towel. Nanatili siya sa kanyang pwesto kanina habang ako ay nasa harap niya, nakapagitna sa kanyang magkabilang hita.

Pilit kong tinutuon ang paningin ko sa kanyang buhok, kung saan ang pinaka nabasa sa kanya. Hindi naman siya ga'non nabasa kaya halos hanggang leeg lang talaga ang kailangan kong punasan...

Now this is... personal too.

To be able to touch him like this? Pwede pala?

Patong patong ang kaba sa dibdib ko, hindi ko na alam kung ano ba ang totoong nararamdaman ko. Nakakalilyo. Kaba ba? Pagkasabik? Pagkagusto? O...

Treacherous Heart 1: Ever The SameWhere stories live. Discover now