"Ate barbs! Ang ingay mo!" Saway ng babae na mula sa katapat kong bintana, nakapamewang na siya habang nakaharap sa gawi ng bintana ng sumigaw kanina.

Imbis sumagot ang babaeng sumisigaw kanina ay nag-peace sign lang iyon, tahimik na pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa isang lalake ang sumulpot, lumakad iyon sa isang bridge na nagdurugtong sa dalawang magkaharap na kwarto.

"Kuya Winston! Sasama ka sa liga?!" Rinig kong tanong nung babaeng katapat ko.

Napahinto ang lalake at napatingin, hawak nito sa isang kamay ang isang pares ng sapatos na mukhang iyon ang isinisigaw ng isa pang babae kanina.

"Hindi ko sigurado," tipid na sagot ng lalake saka akmang papasok na sa kabilang kwarto ng may lumabas mula sa pinto sa ibaba.

"Ano ba naman kayo! Ang iingay niyo!" Inis na saway nung babaeng kanina ay kausap ni Mommy.

Sabay-sabay kaming napatingin sa ibaba at halos matawa iyon ng makita kami.

"Mari!" Sigaw na tawag nito kay Mommy, "Tingnan mo! Ang cute ng mga bata!"

Napakunot ang noo ko at saglit na pinasadahan ng tingin ang ibang naroon, hindi ko makita kung ano ang sinasabi niyang cute dahil halos pare-parehas kaming apat na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

Lumabas naman si Mommy at ng makita kami ay napangiti na lamang siya bago hinatak ang kaibigan niya kaya nagkanya-kanyang pasok na sa loob ng kwarto ang tatlo at naiwanan akong nakatayo pa rin malapt sa bintana.

Pagsapit ng lunch ay napatayo ako mula sa pagkakaupo ng may kumatok sa pinto, lumapit ako doon at binuksan iyon.

"Kuya, kakain na daw." Bungad ni Vlaixe kaya't lumabas ako ng kwarto saka isinara ang pinto bago sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa labas ng bahay ay bumungad sa akin ang isang malaking mesa habang abala silang magparoo't-parito dala ang kung ano-anong mga bagay.

"Chase, anak, kumuha ka ng mga baso sa loob!" Rinig kong utos ni Mommy.

"Ilan ho?"

"Labing-dalawa!" Sagot niya kaya't lumakad ako pabalik sa loob ng bahay at kumuha ng iniuutos niya. Pagbalik ko sa labas ay naroon na silang lahat kaya't inilapag ko sa tabi ng water jug ang mga baso saka tumabi kanila Mommy dahil sa Vlaixe ay naroon na sa kabilang side habang may kausap na mukhang kasing-edad niya lamang.

"Nasaan si Vlaixe?" Rinig kong tanong ni Mommy kaya't itinuro ko iyon. "Nako, masyado atang friendly ang anak ko?"

"Mommy! Mabait siya!" Sagot ni Vlaixe na itinuro ang batang katabi.

"Mukhang hindi na ata natin sila kailangang ipakilala sa isa't-isa?" Sambit nung isang babae.

"Bahala na sila sa buhay nila? Malaki na ang mga 'yan." Sagot naman nung isang lalake.

"Kayo lang," kontra nung isa saka humarap sa amin, "Fuestinne, tawagin niyo na lang akong Auntie Tinne." Nakangiting pakilala niya.

"Uncle Wendell," tipid na dagdag nung katabi niyang lalake.

"Winston Salem," pakilala nung lalakeng may bitbit na sapatos kanina.

"Bella! Ako po si Bella Cardacia Oregon!" Segunda ng batang katabi ni Vlaixe.

"Okay, Tita Pau na lang ang itawag niyo sa akin!" Nakangiting sabi nung isa pang babae na sumalubong sa amin kaninanung dumating kami.

"Tito Stordy na lang," singit nung katabi niyang lalake.

"Barbie Fenix, ate barbs na lang." Nakangiting sabi nung babaeng sumisigaw kanina.

"Dhairy Clea," supladang sambit naman nung babaeng katapat lang ng bintana ko ang bintana.

Senior High School Series #5: MetanoiaKde žijí příběhy. Začni objevovat