Kabanata 1

0 0 0
                                    

Waking up happy is strange

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Waking up happy is strange. That yesterday's joy that is still overflowing in your chest. Maybe that's what they call unconditional happiness.

Kahit na magulo ang buhok, lumagpas ang lipstick, gusot ang damit ay hindi ako nakaramdam ng pagka-badtrip. Ganoon nga siguro talaga kapag sobra-sobra ang saya. Kahit sa pagluto ng almusal ay hindi maalis ang ngiti ko. Wala na si Tita dahil maaga itong umalis para pumunta sa kumare niya. Linggo kasi ngayon at ganoon ang routine niya sa tuwing sasapit ang linggo, doon siya magdamag.

"Ang ganda ganda ng ngiti mo pero 'yang mukha mo, parang binagyo!"

Halos tumalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Shian sa pinto. Bihis na bihis siya, para bang may pinuntahan kanina bago tumungo dito. Kasama niya si Mara at Nina na may dalang paper bag.

"Kain tayo ng breakfast, tapos 'yung isa diyan maiinggit lang." Tumawa pa siya sa huli.

Nalipat ang tingin ko kay Mara na nakabusangot. Sa mukha pa lang niya ay alam kong gusto na niyang sikmuraan si Nina na kanina pa siya iniinggit sa hawak nitong manok.

"Hindi ka kakain?" tanong ko. "Sayang naman. Ang sarap ng ulam oh!" Inginuso ko ang andoks na dala nila at ang niluto kong hotdog at ham.

"Hindi 'yan pwedeng kumain. Lunch pa dapat kasi nag-fa-fasting siya."

Kaya naman pala! Nailing na lang ako sa mukha niya. She looks hungry. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at nag-fa-fasting na naman? Nang nakaraan lang ay hindi din siya kumain ng breakfast. Siguro ay isang linggo niya 'yong ginawa.

"Wala 'yung Tita mo?" I nodded. "Buti naman. Pwede tayo dito, 'no?"

"Sira. Hindi ko naman alam kung anong oras uuwi si Tita. Hindi din ako maglalagay dito ngayon, may lakad ako."

Kahit na linggo, wala pa rin akong pahinga. Hindi naman kasi ako prinsesa para manatili sa kwarto at magbasa ng libro.

"May exam kami ni Lyn, Shian. Saka na muna 'yang inom-inom mo."

"Gaga ka! Iinom ba tayo para sa 'yo? Gosh." She rolled her eyes and put the glass of wine beside her plate. "Sa bahay tayo. Libre ko na pamasahe."

"Mamayang gabi, marami akong gagawin ngayon. Hindi naman gaya nyo ang buhay ko, pa chill chill lang."

"Akala mo ba nakaka-L ako ngayon? Gaga, g na g ako ngayon, 'no!" Nakatanggap ako ng sapok mula kay Nina.

Hindi naman gaya ng buhay niya ang sa akin. May kapatid siyang nasa ibang bansa, nagtatrabaho doon. Kahit na wala ang mama at papa niya, nandiyan naman si Marvin na kuya nitong nagbibigay ng allowance sa kaniya. She don't do work dahil may inaasahan siya. Hindi gaya ko na kailangang magtrabaho para may ipanggastos.

"Si Kuya, gusto daw niyang umuwi pero hindi naman pwede. Malapit na akong grumaduate, wala akong pambili ng bagong damit kapag nagkataon."

"Matagal pa! Itong si Lyn nga hindi nagreklamo e."

You Complete Me UnexpectedlyWhere stories live. Discover now