Pinanood ko lang si Jam habang may hinahanap siya sa phone niya at pinakita sa akin.

"Nag-email sa akin si manager Lazarus since na temporary close pa'yong company nag offer sila ng mga temporary work natin tapos tyaka nila tayo kukunin ulit."

Parang may natanggal na mabigat sa dibdib ko nang mabasa ko iyon, isa na lang 'yong problema ko.

Saan ako matutulog panandalian.

"Bagong lipat lang ako ng apartment pwede ka muna sa akin habang naghahanap ka pa." Hindi ako nag dalawang isip na yakapin siya.

"Thank you, Jam!!"

Halos maiyak-iyak ako kanina dahil pinoproblema ko 'yong trabaho, utang, pati na rin 'yong bahay. Narinig kong tumawa nang mahina si Jam at niyakap ako pabalik.

Lumipas ang ilang oras at tinuro sa akin ni Jam kung saan ako pwede matulog.

"Pwede mo gamitin lahat ng gamit dito." Ngiti niyang sa akin.

"Sige na matulog ka na, good night!"

Iniwan na ako ni Jam mag-isa sa kwarto at inayos ko muna lahat ng gamit ko. Wala akong idea kung anong company, 'yon kasi address lang naman 'yong binigay ni manager Luzarus. Hindi pa rin mawala sa isip ko, 'yong nangyari lalo na nong sinampal ako. Hindi ko alam kung magagalit ako sa kan'ya kaso sa huli umiyak lang. Umiling ako at pinilit matulog.

---

Habang nag-aasikaso ako narinig ko si Jam mula sa labas ng kwarto. Nag-mamadali akong lumabas. Naka-ayos na rin siya at ready na rin umalis.

Habang palabas na kami sa apartment nagulat ako nang bitawan niya, 'yong braso ko. Napatingin ako sa kan'ya, habang siya ay tulala na nakatingin sa phone niya.

"Bakit?"

"Nakakainis naman si sir. Choi! Sa Javaleaves coffee work ako nilagay!" Inis niyang sabi.

"Hindi ako nag rereklamo pero kasi ex ko 'yong may-ari non!" Nagkatinginan kami at natawa ako sa reaction niyang salubong iyong kilay at namumula 'yong pisnge niya.

"Good luck!" Iniwan ko na siya mag-isa habang kumakaway.

"Baka pag-uwi mo boyfriend mo na 'yan."

"DIVINE! BUMALIK KA RITO! NAKAKAINIS KA RIN!!"

Kahit malayo na ako rinig na rinig ko, 'yong boses niya napailing ako sa kanya at sumakay na ng bus. Hindi pwede na lakarin ko lang lalo na hindi ako pamilyar sa adress na ito. Tumagal 'yong byahe sa loob ng 30 minutes at nakarating na ako sa company na papasukan ko.

Habang nag-lalakad ako mula sa malayo may mga nakita na akong mga lalaking na nasa labas ng company mga nakasuot sila ng suit na itim. Napatingin ako sa phone ko para i-check 'yong oras at ito na naman ako.

Late ako!! Tang*na baka mamaya hindi pa ako nakakapasok sa loob baka tinanggal na agad ako sa trabaho! Nagmamadali akong pumasok at nag-greet sa mga lalaking nasa loob. Pagpasok ko sa loob bumungad agad sa akin na 'yong mga employees na puro suot nila ay itim na suit. Parang mali ata napasukan ko parang walang babae akong nakikita?

"You're late." Nagulat ako nang may biglang nag-salita sa likod ko at may nakita akong lalaking matangkad at malamig na tumingin sa akin.

"Our boss doesn't want a worker like you, you must be on time next time." Mabilis akong tumango sa kan'ya at sumunod.

Nakakatakot siya! Bakit ganito ang atmosphere rito? Parang pinalilibutan ako ng dilim parang kapag bawat hakbang ko umiikli, 'yong buhay ko.

"So all you need to do is check all the documents, type, print, and satisfy our boss." Tumayo 'yong balahibo ko sa batok sa huli niyang sinabi.

Anong satisfy our boss?! Bastos 'to ha!!

"Green minded." Umirap siya sa hangin nang mapansin niya 'yong reaction ko.

"What I mean is, you must do your best as the first woman who works here." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.

Kaya pala wala akong nakikitang babae rito.

"I'm Onyx, there's no need to know what my position is." Tinuro niya sa akin kung saan 'yong worker place ko.

Nang nakarating na kami kung saan 'yong office ng boss nila kasi doon din daw 'yong table ko. Nagulat ako nang sobrang daming documents na nilapag niya sa desk ko. Parang lagpas ata 'to sa sampo tapos ang kakapal pa. Parang mapapa over time ako ng 'di oras dito. Iniwan niya na ako mag-isa at ako inumpasahan ko na para kahit papaano mabawasan na 'tong documents.

Lumipas ng ilang oras at nakaramdam ako ng antok. Lumabas muna ako sa office para kumuha ng coffee. Nang nakalapit na ako sa coffee vending machine nakita ko si Sir Onyx palapit sa gawi ko.

May inabot siya sa akin na kape mula sa starbucks.

"Give it to our boss. He's already in his office." Hindi na niya ako pinagsalita dahil tinalikuran niya ako at nag-lakad palayo.

Ganto ba sila mag-welcome sa new employee nila? Nang nakakuha na ako ng sarili kong kape sa coffee vending machine bumalik muna ako sa office kung saan 'yong table ko. Pag-bukas ko ng pinto bahagya pa akong napa atras dahil 'yong computer chair umikot at bumungad sa akin 'yong pagmumukha ni Hunter! Ibig sabihin siya pala 'yong boss na sinasabi ni Sir Onyx?! Hindi ko man lang napansin na Reaper Blade Corporation itong company na 'to!!

Gulat akong tumingin sa kan'ya nang binaba niya 'yong kape niyang americano at nginitian ako. TEKA NGUMITI ANG ISANG ANAK NI SATAN*S?! Napapikit pa ako kung totoo itong nakikita ko!

"What are you waiting for?" Parang bumalik, 'yong kaluluwa ako na nahiwalay dahil sa gulat.

Bago ako bumalik sa table ko nilapag ko muna 'yong kapeng inabot sa akin ni Sir Onyx. Umiling si sir Hunter sa akin at bahagya pang inusog 'yong kape na nasa ibabaw ng lamesa palapit sa akin.

"It's yours." Hindi na ako nakipagtalo sa kan'ya at kinuha na lang 'yon at bumalik ako sa table ko.

Hindi ako maka focus kasi kitang-kita ko si Sir Hunter sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin habang mahinang gumagalaw 'yong inuupuan niya habang hawak 'yong kape niya. Sa dinami rami ng kumpanya bakit dito ako bumagsak.

Napailing ako nang biglang lumitaw sa isip ko 'yong ngiti niya! Bakit ganon?! Kuhang-kuha niya inis ko!! Bal*w talaga siya parang kahapon lang napaka sama ng ugali tapos ngayon ngingiti-ngiti sa akin!!

"Can you do a favor for me?" Bigla akong lumingon sa kan'ya at tumango. Naka sandal siya sa inuupuan niya habang naka dekwatro.

"Ano po ba iyon-"

"Live with me in my house." Nagkatinginan kaming dalawa at nawala 'yong ngiti niya kanina at napalitan ng seryoso at matalim na tingin.

"If you don't want to, then I can fire you right now."

Banta ba 'yon? Iyan na naman siya sa pagiging superior niya!

"Hindi naman po ata-" Bigla akong napa atras nang marinig ko na kinasa niya 'yong b*ril niya at tinutok sa akin.

Tang*nang lalaking 'to!

"Is my favor hard to do, darling?"

The Billionaire Ceo (ONGOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin