Going To Prom: Weh, 'Di Nga (another journal kuno)

Start from the beginning
                                    

Pero ayun nga, andun kami sa first row. Emcee sina crush at ang jowa niya, wala na akong ibang ma-say. Ang water station, nasa kabilang dulo ng hall. Lahat nung ibang estudyante yata may tubig na sa table kaya sumigaw ako ng pabulong. "WAITERRRR???" (self - service pala).

Merong mahabang awarding ceremony or passing of responsibilities chuvachuchu pero alam niyo naman siguro na hindi ako nakinig dahil boring kaya naglaro na lang ako ng Block Breaker 3 Unlimited ulit. Dahil, boring. 'Yun lang.

Tapos oras na ng sayaw (by section) - at kami ng mga iba ko pang kaklaseng babae ay tumakbo papuntang CR, nagtago, at ipinagdarasal na akalain ng teacher na absent kaming lahat (kahit na pumirma kami ng attendance???).

Ngunit nakita kami ng adviser namin, hinabol kami, at tinawag kami. "SIR, NAMAMALIKMATA LANG HO KAYO, ABSENT PO LAHAT NG BABAE SA SECTION NAMIN, I-CANCEL NIYO NA ANG SAYAW!!!". Hindi ko sinabi 'yan kaya nagsayaw kami.

Pumunta na kami sa stage. Nagtutulakan ang mga kaklase ko dahil gusto nilang lahat pumwesto sa likod para hindi makita ng audience.

Salamat na lang at kalahati siguro nung audience ay masyadong busy sa paglalaro ng Temple Run (YEHEY!!!) kaya parang wala na rin kaming audience... dahil kung pinanood ninyo 'yung klase namin, makikita ninyo 'yung mga clown na nagsasayaw sa bandang likod ng stage (KAMI 'YUN).

...

Fast-forward sa kainan time. Nagbalak sumingit sila bespren pero napigilan ko sila (si bespren, ang isa pa niyang friend, at ang kanyang... ehem... kaibigang boy), because I'm good now! 'Yata.

Kumuha ako ng sweet n' sour fish fillet at carbonara. 'Yun lang. Konti lang ang kinain ko kasi hindi ako maistorbo sa paglalaro ng Block Breaker 3 Unlimited, at dahil baka tumaba ako at sumabog 'yung dress ko.

Pagkatapos ng kainan, in-announce na 'yung best dressed at iba pang awards. Ok. Tapos...

Dance time na???

...

At syempre, dulot ng pagiging awkward anti-social dweeb, hindi ako sumayaw. Iniwan ko muna si bespren at kanyang... kaibigang boy, dahil sumayaw sila. Nahanap ko 'yung isa ko pang kaibigan. At sabi niya... mukha raw akong princess. <*ubo, ubo, ubo*>

Nadaanan ko 'yung table ng star section. Binati ko ng belated happy birthday... 'yung babaeng may... belated happy birthday. Akala ko nandun malapit sa malaking table ng star section si ex-crush. Tsaka ko lang naalala na emcee nga pala siya.

Jeje aside... dun kami (mga iba kong kaibigan na ayaw ring sumayaw) pumunta sa pinakalikod ng hall dahil nagmimistulang moshpit ang harap ng hall (dahil sa mga nagsasayaw to the tune of one direction and justin bieber songs).

...

Hindi nagtagal ay tumigil na rin ang mga pfARtY AniMaLzZzxSs pF0uHzXs dahil napagod na sila (hay salamat) at pinatigil na sila ng teachers. Noong paalis na kami by section, nagkaroon ng maliit na wardrobe malfunction and no, hindi nalaglag ang tube ng kung sino man para lumabas 'yung dalawang alaga niya. Noong naglalakad na kami roon sa... lakaran palabas ng hall, sumabit lang 'yung sinulid ng dress nung isa kong kaklase at natali kaming magkakaklase sa isa't-isa... well apat lang kaming biktima. Sumabit sa braso ko, sa 3-inch heel ni classmate 1, sa paa ni classmate 2. It was hilarious, and I could say that it was one of the night's highlights, or probably the ONLY highlight of the night. Hindi ako party animal.

 ...

Pagdating ng 8:45 PM, nasa classroom na kami at sinabi ni sir adviser na i-text na namin ang mga magulang/guardian namin para masundo na kami.

Tinext ko ang nanay ko, at sinabi niyang hindi pa bukas ang gate kaya ang angry mob ng parents at grandparents ay na-stuck roon habang sumisigaw ng "BUKSAN NIYO NA 'TONG GATE!!!" at "HOY ASHLEY* [hindi tunay na pangalan] LUMABAS KA NA D'YAN!!!".

Pagdating ng 9:00-something PM, dumating sa harap ng classroom ang kapatid ko. Sabi ko sa kanya, "HOY, ba't ikaw andito haha, ikaw ba magulang ko?" at sabi niya sa akin, "ah ayaw mo umuwi? o sige bye". Umalis siya, hinabol ko, at pinapirma siya ni sir adviser sa attendance (para mapatunayang nasundo na ako) at pinauwi na kami.

Nung malapit na kami sa classroom ni ex-crush, nagawa ko na 'yata lahat para ma-delay ang pag-uwi ko (at para makita ako ni ex-crush... ang lakas ng tibok ng puso ko habang tina-type ko 'to???). Chi-neck ang cellphone, nag-inspection ng bag, kumaway-kaway kay bespren na nasa star section nga pala. Para lang mapatagal ako at maipakita kay ex-crush na "OY, ANG GANDA KO DAW, TINGNAN MO KO PLEASE HUHUHU".

Pero hindi niya ako nakita, kaya umuwi na ako.

The end.

...

P.S. Pinagalitan ako nung nanay ko kasi nung tinanong niya kung nagsayaw ako, sinagot ko siya ng "hindi po, naglaro lang ako ng Block Breaker 3 Unlimited at uminom ng tubig".

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now