CHAPTER FOUR

11 0 0
                                    




"What is he doing here?" nakakunot noo kong bulong. 




"Are you sure na okay ka lang?," Flynn asked me. "Sabihan mo lang ako kung okay ka pa maglakad." 




"Shade?!" gulat na sabi ng isang lalaki sabay tapik sa braso ko. 




HINDI MAIPINTA YUNG mukha ko sa sakit ng katawan ko ngayon. Sumakto pa talaga na may pasok ako ngayong araw. Dagdag mo pa yung puyat ko na hindi ko na alam talaga kung makakaya ko pa 'tong linggo na 'to. 




"Umagang umaga, Shade," natatawang pag tawag sa akin ni Joe. "Hindi agad ma-distinguish kung ayos lang ba ang magiging araw mo ngayon o hindi eh." 




"Shut up, Joeker!" inis kong response sa kanya. 




"Anong oras ka na ba nakauwi ha?" biglang tanong naman ni Wil. 




"Hindi ko na rin alam kung anong oras ako nakauwi," sagot ko agad. "Teka, bakit ba sobrang invested ninyo sa buhay ko!" reklamo ko. 




"Ayan tayo eh," sabi ni Wil sabay kamot sa batok niya. "Nakakalimutan mo ata kung anong meron ngayong araw. Ang ganda ganda nang gising ko." 




Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig nang marealize kung ano nga ba ang meron ngayon. Dahan dahan akong tumingin kay Wil na atsaka ngumiti na parang nahingi ng tawad. Nag heart sign pa ako para patawarin niya agad ako. 




"Happy birthday, baby boy!" bati ko sa kanya sabay tumayo ako sa kama para yakapin siya. 




"Wala kang libre sa akin!" reklamo naman nito kahit na yumakap pabalik sa akin. 




Hinampas ko naman siya nang mahina lang atsaka ako kumuha ng tuwalya ko kasi maaga ang pasok namin ngayon. Puro pa naman major ang papasukan namin kaya mapapadasal ka na lang talaga nang malala eh. 




"May vacant pala tayo na five hours!" excited kong nabanggit kay Wil pagkalabas ko ng banyo. 

Caught the Fallen Feelings (University Belt Series # 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora