CHAPTER ONE

14 0 0
                                    




"Wala na naman si Wil?" 




Pupungas-pungas pa ako habang kausap si Joe pagkaupo ko sa kama. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na naging mahimbing ang tulog ko sa dorm namin. I am still adjusting and trying to communicate with my dorm mates na kahapon ko lang din nakilala. Apat kami sa loob ng kwarto. Maluwag ang kama, it was two bunk beds to form a four capacity bedroom. Sa harapan ng kama namin ay ang mga dorm amenities. There is a study table pero sa tingin ko tatlo lang ang kakasya but there are four chairs. 




Pagkapasok mo sa loob ng kwarto ay makikita mo sa gawing kaliwa ang sink. May mga lalagyan din ng mga snacks or ang mabisang pampawid gutom daw kapag college student ka na, de-lata. Sa bandang kanan mo naman, makikita ang isang cabinet na pinaghahatian ng dalawang kasama ko, mayroon din naman kami ni Wil na sariling cabinet. Two doors each, it means na tig-isa kada cabinet. Separated din ang banyo dahil nakahiwalay ang banyo na pang number one and pang number two sa shower area so it won't be a hassle. 




"Oo," sagot agad sa akin ni Joe. "Ay nga pala. Shade, right?" tanong niya sa akin. 




"Yup, Shade." agad ko namang sagot sa kanya sabay bigay nang mabilis na ngiti. 




"Gusto ko lang mag sorry sa'yo. Anong oras na kasi ako nakatulog kahapon and I was quite rude nang hindi kita mapansin agad at tumuloy lang sa pagtulog." nahihiyang apology ni Joe sabay kamot sa batok. 




"No, it is okay." natatawang sabi ko. "Tahimik lang din talaga ako kahapon kasi ginagamay ko pa paano makipag socialize." 




Napatango naman si Joe sa sinabi ko at nag respond din ng ngiti sa mga labi niya. Aminado naman ako na mahilig ako makipag-interact sa mga tao pero may mga oras din na hirap ako talaga makihalubilo. Hindi ko na rin nga malaman kung introvert ba ako o extrovert sa estado ko ngayon eh. 




"Umalis din si Parker," biglang banggit ni Joe. "Gusto ata sulitin na gumala gala muna rito sa Manila bago magsimula ang pasukan." 




"Ikaw ba lagi ang naiiwan dito sa dorm?" I asked him curiously. 




Tumango lang siya habang nakangiti sa akin. Napatango tango na lang din ako pabalik habang pareho kaming nag aayos nang pinaghigaan. I forgot to mention na it is currently 12 pm in the afternoon and sabay lang ang gising naming dalawa. As usual, Wil and Parker aren't here sa dorm kasi nabalitaan ko na panay gala nga ang dalawa. 

Caught the Fallen Feelings (University Belt Series # 1)Where stories live. Discover now