CHAPTER TWO

6 0 0
                                    




"Wow! First time ha!" 




Ito ang tanging bungad ko nang makapasok ako sa loob ng dorm. I just went outside for a morning walk and had my breakfast. Kuntento na ako sa pagkain ng sandwich na may kasamang iced coffee sa 7 11. Maaga kasi silang nagbukas ng ilaw kasi gising na rin naman na yung tatlo. 




"Saan ka naman galing, Shade?" tanong ni Joe. 




"Lumabas lang ako para kumain ng almusal kasi nagutom ako sakto pagkagising ko," sagot ko agad. "Maliligo na rin ako maya maya eh kasi mamayang alas otso pupunta na sa campus." 




"Huh?," nakakunot na sabi ni Wil sabay napaupo mula sa pagkakahiga. "Ano bang ganap nang umaga? Wala naman ata eh." 




"Iyon din ang alam ko eh," sabi naman ni Joe. "Highlight daw mamayang hapon kaya baka doon na lang ako pumunta kahit na kasumpa sumpa yung init nang mga oras na 'yan." 




Napakunot noo na lang ako nang marinig ang mga iyan galing sa dalawa. Ang aga aga ko pa nag alarm kasi alam ko may paganap nang umaga pero it turns out sa hapon pa pala lahat. Wala naman na rin ako maisip na gagawin ngayong araw kasi nakakain na ako ng almusal. Naupo na ulit ako sa kama ko habang kinukusot kusot ang mata kasi may antok pa rin sa sistema ko. 




From: Monsters (Lay sent a message) 

Goodluck sa mga paganap niyo ngayon! Sanayan na lang ang paggising nang maaga. 




From: Monsters (Kyse sent a message) 

Umaga na nga talaga...may tigre nang nagme-message eh! 




From: Monsters (Jaz sent a message) 

Letche!!! Ang aaga niyo namang mag ingay parang mga hindi nagkita kahapon. 




To: Monsters 

Buti na lang kanina pa ako gising kaya wala pa akong gana paghahampasin kayo kahit sa chat lang :> 




SUMAKTO SA LINGON ko na makakita nang isang pamilyar na pagmumukha na alam ko na siya talaga ang tinitingnan ng mga mata ko. Sabay sabay naman kasi kaming umalis na sa samgyupsal pero nautusan ako ni Joe na bilhan siya ng gamot kaya humiwalay na ako sa kanila. Napapakunot pa rin ako kung siya ba talaga 'yon or delusional lang talaga ako. 

Caught the Fallen Feelings (University Belt Series # 1)Where stories live. Discover now