"Uhm. Thanks Cleress.."
I nodded.
Hinalikan nila ang quadruplets namin ni Azhi bago sila umalis.
"Azhi.." Pagtawag ko dito ng makaalis na sina Ya Gael.
"Yes Love?" Malambing na tanong nito.
"Si Gale Erwan... baka magalit si Mawi kapag malaman nya na pumayag ako na dalhin dito yung bata. Pero kasi, kawawa naman yung bata kung di ako papayag eh.."
I heard him sighed.
"A-azhi? Mali ba na pumayag ako?"Nag-aalalang usap ko.
"Of course not. I understand you Love, he will be happier here than being alone in their house—"
"Alone?"
Napalaki ang mga mata nito.
"No, I mean love.. He's with Aubrielle naman. Don't worry.."
Mas lalong di ko maintindihan.
"Ano? You mean nasa bahay lang pala nila Mawi si Gale kasama si Ate El while nandito sina Mawi?Teka..I thought kinuha sya muli ng mommy niya.."Naguguluhan na usal ko.
Yun ang sabi ni Mawi nung tinanong ko sya kung bakit di nila kasama si Gale gayung nalaman ko na sa bahay na nila tumitira ang bata dahil iniwan na nga ng mommy nito.
"I'm so sorry Love.." Nakapikit na usal ni Azhi.
Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na anumang salita.
'Iniwan nila doon ang bata?'
"I-ibig sabihin di na talaga binalikan ang bata ng mommy nito pero...naiwan ang bata doon sa bahay nila sa Manila?"Mabigat sa loob na tanong ko.
"I'm sorry.." Bulong ni Azhi at hinalikan ako sa noo tsaka niyakap.
Hindi ko naman masisisi si Mawi eh kasi alam kong masakit para sa kanya na may ibang anak si Ya Gael pero...pero di ko maiwasan na maawa sa bata.
'Bata yun eh...'
Namalayan ko na lamang na nangingilid na pala ang mga luha ko.
"Hush! Don't cry love..ipapasundo na natin sya ok? shh!"Malambing na usap nito while marahan na pinapahiran ang nangingilid kong mga luha.
I bit my lower lip.
"K-kung ako ang nasa sitwasyon nya... di ko rin..di ko rin alam ang d-dapat gawin pero—" Pinutol nya ang iba pang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagsakop sa mga labi ko.
"Hush. Don't think too much love, bawal kang ma-stress.."Bulong nito habang magkalapat na ang aming mga noo at nakakulong sa kanyang mga palad ang mukha ko.
"Bakit kasi n-nangyari pa yun s-sa kanila?"Nakapikit na tanong ko.
"We can do nothing about that Honey...that's their own destiny ehh.. we can't decide for them. All we can do now is to support them right hm?."
Bahagya kong inilayo ang mukha ko kay Azhi para matitigan sya. Ilang saglit ko syang tinitigan tsaka maingat na hinawaka't hinaplos ang kanyang pisngi.
"They also have to face the challenge of destiny like what we did love.."Nakangiting bulong nito tsaka hinalikan ang mga palad ko na nasa pisngi nito.
I nodded.
"Pero Azhi! Sabi mo ah ipapasundo mo na sya kina Avin baka kasi bukas pa balik nila Ya Gael eh.."Baling ko.
'Na miss ko narin kasi ang batang iyon'
"I will love.."
I smiled.
YOU ARE READING
Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...
Chapter 211: Quarrel
Start from the beginning
