Tang* pala 'to. Ngiti akong naglakad palayo sa pinagtaguan ko. Tumingin ako sa likod ko nang may kumalabit sa akin at nakita ko si Mr. Falcone.

"There you are." Napa atras nang humakbang siya palapit sa akin.

"I..." Atras ako nang atras siya naman itong lapit nang lapit.

"want..." Naramdaman ko na 'yong sarili ko sa pader hanggang sa na corner na niya ako.

Pareho kaming lumingon sa likod niya nang may isang lalaking pumasok na naka suot na suit na itim habang may suot na earpods na kulay dark grey.

"Everything is set, my lord. I'm just waiting for you."

My Lord? Lumipat 'yong tingin ko kay Mr. Falcone. My Lord tawag sa kan'ya? Pinipigilan ko huwag tumawa kasi masyadong seryosong lumapit si Mr. Falcone sa lalaki.

Feel ko bodyguard siya rito. Nag-usap sila saglit hanggang sa umalis na ulit 'yong bodyguard ni Mr. Falcone at lumapit siya sa akin.

"Leave." Maikli niyang sabi.

Tumaas 'yong kilay ko dahil sa tono niya. Parang kanina lang galit tapos ngayon cold na agad? Ang bilis naman mag-bago 'yong ugali niya.

"Thank you ulit, Mr. Falcone." Tinignan niya lang ako ng malamig habang nag bow ako at naglakad palayo sa kan'ya.

"Don't forget our deal." Bigla akong lumingon sa kan'ya.

Akala ko ba naman makakatakas ako sa kan'ya. Bakit bigla niya pa natandaan 'yon? Hindi ko na nga binanggit kasi pakiramdam ko hindi maganda 'yong na sa isip niya.

"Live with me." Napaawang 'yong labi ko dahil sa sinabi niya. Nakapamulsa siya habang nakatitig sa akin at hinihintay 'yong sagot ko.

Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"Marunong ka pala magpatawa Mr. Falcone." Hindi ko na natiis na tumawa nang malakas.

Sino namang matinong Billionaire ang mag sasabi ng 'live with me'. Ni hindi niya naman ako kilala ang dami ko pang kasalanan sa kan'ya.

Nahihibang na ata 'tong lalaking 'to kung ano-ano na 'yong lumalabas sa bibig.

Bigla akong umayos ng tayo dahil bigla niya ba naman ako titigan ng masama parang anytime bubunot na 'to ng bar*l.

"What's funny? Don't laugh, I'm not here to make you laugh." I saw how he firmly clenched his fist.

"Ayoko-"

"I don't have a definition for 'no' in my vocabulary." Sinasabi nito?

"Anong gagawin?" Medyo napaawang 'yong labi niya dahil sa tanong ko at huminga ng malalim na parang pinipigilan niya 'yong sarili niya.

"You're such a f*ol." Napailing siya sa akin habang ako pinapanood lang siya mainis.

"I don't accept 'no', just submit, id*ot." Magsasalita sana ako nang humakbang siya nang malalaki at nagulat na lang ako kasi tinulak niya ako palabas ng bahay niya.

"Sandali! Marunong ako lumabas mag-isa huwag mo akong itulak!!" Naramdaman ko 'yong paghihigpit ng kamay niya sa balikat ko na parang doon niya binubuhos 'yong galit niya.

"Hoy! Napaka rude mong b*set ka!! bitawan mo ako!"

Parang nabingi na 'tong si Mr. Falcone kasi hindi niya ako pinakikinggan. Hanggang sa binuksan niya 'yong pinto at marahas akong tinulak palabas. Nagulat ako sa ginawa niya at tinignan siya nang gulat na gulat.

"This is my house so I can do whatever I want."

"Wala naman akong-" Napapikit ako dahil bigla niyang sinara nang malakas 'yong pintuan.

Habang nasa loob ako sa isa sa mga kotse ni Mr. Falcone napapaisip ako sa sinabi niya. Bakit ang random niya masyado? Napailing ako at huminga ng malalim at tumingin sa bintana.

'Yong kausap ni Mr. Falcone kanina siya 'yong driver ko ngayon sinabi niya sa akin kanina na siya raw mag hahatid sa akin sa bahay ko. Umayaw nga ako kaso hindi pumayag si kuya kung aayaw daw ako siya raw 'yong mawawalan ng trabaho.

Napakasama ng ugali pati ibang tao dinadamay hindi na 'to makaka-akyat sa langit kahit nga gumapang pa siya hindi siya tatanggapin sa langit.

"Thank you po kuya! Ingat ka po!" Tumango lang sa akin si kuya at umalis na rin.

Tumingin muna ako sa bahay ko bago pumasok. Parang walang nangyari kanina, Paano ba naman sobrang ayos ng bahay ko parang may nag-linis pa. Pumasok na ako sa loob at ni lock baka mamaya bumalik 'yong bal*w na lalaki na 'yon.

Hindi ko rin maiwasang hindi matakot lalo na alam niya kung saan ako nakatira. Dapat na ba akong lumipat? Kaso hindi pwede. Nagpahinga na ako dahil may pasok pa ako bukas.

Nakakapagod talaga itong buhay ko hindi na nakakatuwa. Nang natapos na ako maligo kinuha ko 'yong cellphone ko nang may nag text.

Unknown:

"Don't forget our deal, and don't make me mad at you."

Pati ba naman sa text hindi niya ako tinatantanan. Napailing na lang ako at hindi siya ni replayan. Hihiga sana ako nang may biglang tumawag sa akin. Inis kong kinuha 'yong phone ko at sinagot.

"HUWAG KA NA-"

"Forget about me, my little Divine?"

Nahulog ko 'yong hawak kong suklay nang makilala ko 'yong boses.

Siya 'yong lalaki na naabutan ko sa bahay ko. Narinig ko sa kabilang linya yung pagtawa niya na dahilan na pagtayo ng balahibo ko.

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now