"Good day po ma'am! 2,000 pesos po lahat." Agad kong hinahanap 'yong wallet ko sa sling bag.

Medyo kinabahan na ako kasi hindi ko mahanap 'yong wallet ko. Imposibleng naiwan ko 'yon sa bahay! Hindi kaya naiwan ko sa office?

Tang*na talaga!

"Here." Napatingin ako sa likod ko nang may nag-abot ng card sa cashier.

'Yong lalaking nakabunggo ko!  Nanlaki yung mata ko kasi black card gamit niya!

Jusmeyo nakakahiya naman ito!

"Thank you po ma'am and sir have a nice day po!" Nakatingin lang ako sa lalaking ito habang binitbit niya rin yung binili niyang isang pirasong Gatorade na blue pati na rin yung pinamili ko.

Ni hindi niya man lang ako tinignan o kinausap at iniwan lang akong tulala sa kan'ya.

Rude rin pala 'to. Bakit ba sobrang malapitin ako ng mga taong rude? Napailing na lang ako at tumakbo palapit sa kan'ya. Nang nahabol ko na siya hinawakan ko yung braso niya at tinignan ako.

"T-thank you pala." Hinihingal kong sabi.

"Bayaran ko na lang—" Nanlaki yung mata ko at napatras nang bigla siyang yumuko at tinignan ako sa mata.

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko!

"No need." Bahagya akong napapikit dahil tumatama sa akin 'yong hininga niya lalo na nong nag-salita siya sa mukha ko.

Tumayo siya na nang maayos at nag smoke habang naglalakad palayo sa akin. Bitbit niya pa rin 'yong pinamili ko.

Nakakahiya! Ang dami kong binili tapos siya isang piraso lang! Ang kapal ko naman!

Nagulat ako nang nilingon niya at sinenyasan niya ako sumunod sa kanya habang bumubuga siya ng usok mula sa sigarilyo.

Mabilis akong sumunod sa kanya hanggang sa nasa gilid na niya ako.

"Thank you talaga! Naiwan ko kasi yung wallet ko sa office. Babayaran na lang kita bukas." Ngiti kong sabi at tinignan siya.

Napaawang yung labi ko nang hindi niya man lang ako tinignan o kahit sumagot sa akin at tuloy pa rin siya sa pag smoke.

"Ako na magdadala—"

"Let me." Maikli niyang sabi.

Aangal na sana ako nang tignan niya ako napalunok ako sa tingin niya at umiwas ng tingin.

Lumipas lang ng ilang minuto nang may puting kotseng huminto sa amin.

Medyo sumilip pa ako paea tignan kung sino 'yon. Taka akong lumingon sa lalaking 'to.

"Oh Vaughnn nandito ka lang pala. Sumabay ka na sa amin." Tumango lang itong lalaking ito at inabot sa akin 'yong plastic at pumasok na siya sa kotse.

Bago niya isara yung bintana ng kotse kumaway siya sa akin at nagbuga na naman ng usok mula sa sigarilyo niya.

Vaughnn pala name niya.

Iiling-iling ako naglakad pauwi habang iniisip kung paano ko siya babayaran. Ay teka! Nakita ko pala siya sa company kanina, baka mamaya makita ko ulit siya bukas.

Babayaran ko na lang siya ayoko na dumagdag pa ng utang.

Habang naglalakad ako napatingin ako sa likod ko at nakita ko na naman yung sport car na kulay asul. Ito yung sumusunod sa akin!

Akala ko nagkataon lang yun pero ngayon hindi na 'to nagkataon.

Stalker na 'to.

Halos mapatalon ako nang bumusina yung sport car. Hindi na ako naglakad nang mabilis, tumakbo na ako nang mabilis. Sa bawat pagtakbo ko yung kotse ay bumibilis rin.

Napatingin ako sa paligid nagbabakasakaling may mga tao. Kaso wala! Anong oras na rin kasi! Lumingon ako sa kotse, biglang bumaba yung window ng kotse at nakita ko yung driver pati na rin yung nasa passenger seat.

Nagtatawanan silang dalawa na parang nakakuha ng pera habang hinahabol ako.

"Takbo!" Tumaas yung balahibo ko nang marinig ko sila habang tumatawa.

Mas binilisan ko yung pagtakbo ko hanggang sa bumagal din yung kotse. Nakahinga ako nang maluwag at huminto sa pagtakbo at nilingon yung sport car.

Huminto sila sa gilid ng kalsada habang nakikita ko yung kamay nila sa magkabilaang bintana habang kumakaway sa akin. Parang umeecho sa isip ko yung tawa nila.

Nanginginig akong naglalakad hanggang sa nakarating ako sa bahay.

Tang*na sino naman yung dalawang lalaking yun? Iba na kutob ko parang ito na yung literal na battle of my life.

Pagbukas ko ng pinto ng bahay ko agad kong kinapa yung switch ng ilaw. Nabitawan ko yung mga pinamili ko.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang may nakita akong lalaking nakaupo at nakasandal sa couch habang nag smoke. Bumuga muna siya at tinignan ko at ngumisi.

"Hi little rat. It's been a while. Did you missed my presence?" Hindi ako nakagalaw sa kinakatayuan ko at titig na titig sa kan'ya.

Tumayo siya at kinindatan ako.

"Oh my Divine." He laughed like a dem*n.

Tatakbo sana ako nang bigla kong nakita yung dalawang lalaki na nakita ko kanina sa sport car.

"Saan ka pupunta?" Tumawa sila na may halong pagnanasa.

"HOY ANO BA?! BITAWAN NIYO AKO!" Nagpupumiglas ako nang kinaladkad nila ako papunta sa lalaking ito at sapilitan ako pinaluhod sa kan'ya.

Marahas niyang hinawakan ang baba ko at inangat para magtama ang mata namin.

"I can't find your parents, so I should find those who are easily found."

"And there you are."

Pinipilit kong kumawala sa dalawang lalaking ito kaso mas hinigpitan lang nila yung pagkahawak sa magkabilaang braso ko.

Bahagya siyang yumuko at bumulong sa akin.

"It's time for me to take what is mine." Napapikit ako nang naramdaman ko yung sakit na pagkagat niya sa tenga ko.

"Money or spread your legs for me."

Narinig ko silang tumawa habang ako ay unti-unti tumulo yung luha ko. Hindi ako makawala, hindi ako maka alis, at hindi ako makalaban.

"Don't cry little girl." Diring-diri ako nang maramdaman kong dinilaan niya yung luha ko.

Buong lakas kong inuntog ang ulo ko sa ulo niya dahilan para lumuwag yung pagkakahawak sa akin ng dalawa.

Ito yung panahon para makatakas ako. Tumayo agad ako at tatakbo na sana nang biglang nanginig yung buo kong katawan.

Pagtingin ko may dinikit sila sa akin dahilan para mawalan ako ng malay.

"Long time no see, Venom." Bago ako nawalan na malay nakita ko sa pintuan na nakasandal habang naka pamulsa at wala na naman reaksyon yung mukha niya.

Sir Falcone?

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now