Chapter 17-Starting the renovation!

236 21 0
                                    

"Your materials will arrive later in the afternoon,miss"

"Okay,just deliver it in Luna Inn thank you"I said to the employee of the shop

It's been 3 days since the drama about Luna Inn happened and I'm here in Clover Chubb Store that sells materials and furniture for houses and buildings.I walk out of the store after signing some contract and paying for the materials and walk straight to the Luna Inn na ngayon ay lote nalang ang natitira.

So much happened in those 3 days,pagkatapos mapapunta saakin ang Luna Inn ay kinabukasan pinagusapan kaagad namin ni August ang mga plano ko sa Inn at kasama na dun ang pag re-renovate dito kase masyado na itong matanda kaya may mga parte na sira-sira na at ang buong lugar ay hindi na maganda tingnan lalo na ang hagdan na any time ay maari ng bumagsak kung hindi lang ni-repair nina ate Josilyn para safe pa din daanan.Kinabukasan naman ay nilinis namin nina ate Linda kasama na ang lahat ng empleyado ang Luna Inn at inalis namin lahat ng gamit nito at pagsapit ng hapon ay giniba na namin ang Inn,sinabi ko din sa lahat ng empleyado na wag na muna pumunta sa Inn at magbakasyon ng ilang araw at magrelax sa kanilang tahanan.Sa pangatlong araw naman ay inimis namin ng mga slimes ang mga kalat at gumawa naman ako ng plano at draft ng magiging bagong Luna Inn.

Sa pangatlong araw naman ay  inimis namin ng mga slimes ang mga kalat at gumawa naman ako ng plano at draft ng magiging bagong Luna Inn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(This is the old Luna Inn)

I enter the tent where I built para may matulugan ako after magiba ng Inn saka dumiretso sa table ko kung nasaan ang mga draft na drinawing ko na magiging bagong itsura ng Inn,hinango ko ito sa itsura ng mga hotel sa earth pero dinagdagan ko ng designs na naaayon sa mundong ito.

And now is the day where I start building the newest and finest Luna Inn na plano kong maging dahilan ng pagkakilala ng marami sa bayan ng Beloniä.

After adding some details para sa Inn ay nagsimula na akong mag sukat ng lupa na tatayuan at gagawing sukat ng Inn,after matapos ay tumayo ako sa may pinaka gitna and call the element of earth at nag-chant ng spell

" Tiovjsku alushino,acra alupa pishnuï"

I chant,kung saan lumubog ang lupa na sinukat ko at nag form ito ng malawak na square na tatayuan ng Luna Inn.Hindi kaano kalalim ang hukay,sakto lang para maging foundation ito ng itatayong inn.After that I use the earth magic again to create a concrete,bricks and blocks at inumpisahan ko na ang pagtatayo ng Luna Inn.

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Ng bandang hapon na ay patapos na ang building with the help of my familiars;the slimes,ng sakto din na dumating na ang mga materiales na gagamitin ko.After nilang mailagay lahat ng materiales sa lupa ay kaagad na silang umalis at nagpatuloy lang ako sa pag gagawa.Kanina lang ay pinuntahan ako dito nina ate Linda kasama ang mga empleyado para dalhan ako ng pagkain at matulungan din kahit sabi ko ay magrelax-relax lang muna sila sa kanila.Gayundin si August at Baron na binisita ako para tingnan ang ginagawa kong inn at hindi nila tinago ang pagkamangha dito dahil sa loob ng ilang oras ay tapos na kaagad ang second floor ng isang babae lang ang gumagawa,ofcourse wala pa itong bubong o kung ano pa mang ibang materyales maliban sa concrete,bricks and blocks.

Bandang 8 na ng gabi ako natapos sa 3rd floor and I'm exhausted,hindi lang basta diretsong 3rd floor ang ginawa ko dahil nilagyan ko ito ng mga details at kasama na doon ang 55 rooms na magiging tuluyan ng mga tourist and adventurer ng iba't ibang lugar.

Umupo ako sa upuan kaharap ng lamesa kung saan ako kumakain at tiningnan ang Inn na unti unti ng nagagawa,nasa bandang tagiliran lang itong tent na aking tinutuluyan kaya nasa lote parin ako ng Luna Inn.Sinabi saakib ni ate Linda na dun muna ako tumuloy sa kanila habang ginagawa ang inn dahil wala akong mapupuntahang ibang pagsisilungan pero tumanggi ako dito at mas pinili nalang na dito na mismo matulog sa dating pinagtayuan ng inn para hindi na ako mahirapang pumunta at bumalik oras na mag-umpisa na ang paggagawa.Umorder lang ako ng malaking tent sa Earth Magic store at ilang mga kagamitan pagkatapos ay tinayo ito sa pinaka dulo ng lote para hindi maging sagabal sa paggagawa.

*Gruuu*nabalik ako sa wisyo ng kumulo ang aking tiyan,natatawa ko itong tiningnan at umiling iling pa at naisip na magluto nalang kesa umorder pa para makatipid na din.Nag'isip ako ng pwedeng lutuin.

"Siguro ay magluluto nalang ako ng adobo since matagal ko na itong hindi nakakain"sabi ko saka tumayo at binuksan ang kinuha ang mga kitchen equipment sa dimension storage ko at inilagay ang lahat sa ibabaw ng lamesa.Kinuha ko din ang karne ng orcs na pinakatay ko kay Tomas nung isang linggo at inumpisahan ng linisan at hiwain ito.I cut it into a bite full slice,at pagkatapos ay umorder ako ng mga ingredients saka ako naghiwa ako ng sinuyas,luya at bawang,binuksan ko ang kalan at inilagay ang kawali para painitin,ng mainit na ay nilagyan ko ito ng langis saka sinunod ang bawang,luya at sibuyas para umpisahan na ang pagluluto.Sa tatlong ingredients palang ay kumalan na kaagad ang aking tyan dahil sa sarap ng amoy nito at mas lalo pa akong nagutom ng inilagay ko na ang karne at halu-haluin ito para maluto,sunod kong nilagay ang mga pampalasa katulad ng toyo,suka at tubig,pagkatapos ay paminta,bay leaves patis at brown sugar,hinalo halo ko ito ng ilang minuto at tinakpan para hayaang maluto ito ng maayos.Adobong baboy was my mothers signitured dish at paburitong paborito ko ito kaya nung malaki na ako ay tinuruan ako ni Mama kung paano ito lutuin,walang nakakaalam kung paano ito lutuin dito sa mundong ito kaya earth na earth ang datingan,hindi nga lang baboy ang gamit na karne...

Habang pinapalambot ang karne ay naghanda na ako ng plato,kutsara at tinidor sa lamesa,inimis ko ma din ang mga ginamit na kitchen equipment at binalik ito sa dimension storage,umorder na din ako ng kanin dahil hindi ko na kayang magluto pa sa sobrang kagutuman kaya umorder nalang ako.Ng tuluyan ng natapos ang niluto ay sinalin ko ito sa isang plato at nagumpisa ng kumain

"Huuummmmmmmm" sarap na sarap kong ungol dahil sa isang subo pa lang ay sumabog na kaagad ang kakaibang sarap ng adobo,mas lalo pa itong sumarap dahil high class ang karne na ginamit dito,partneran pa ng mainit na kanin while eating under the millions of stars above,it's heaven!

Inimis ko na ang mga pinagkainan ko at aaminin kong napadami ang aking kain dahil 3x akong umorder ng kanin at said din ang platito na nilagyan lang kanina ng ulam.

"It has been long since I taste this delicious dish"nakangiting sabi ko habang hinihimas himas ang tiyan na ngayon ay busog na busog na."It really is delicious,but it cannot compete with my moms cook' tatango-tango kong sabi sa utak.

Pumasok na ako sa tent ko at nahiga na sa kama pagkatapos kong mahindagan at nakangiting tumingin sa bubong ng tent,

"Thank you for a wonderful yet exhausting day,My Goddess.Please guide and protect me and the people I care everyday"I pray as my eyes close

'Good night,Goddess Lisha' and the melody of the night swallow me'

-------------------------------------------------------

PS:I do not own the picture that I put.

Credits to the rightful owner.

I was reincarnated with an absorb skills!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon