Chapter 29

15 1 0
                                    

Chapter 29

"That's all for our updates, Miss. Do you have any questions?"

Pinasadahan kong muli ang material na hinanda ng team. Ngumuso ako habang nag-iisip.

"I guess you need to do a fieldwork at the client's office." I suggested after a while.

Tumango ang aking senior associate. "I guess so, Miss."

"Right, so we can finish this engagement. This is an early deadline so we need to clutch." I closed my iPad. "I think that's it for today's meeting. Let's meet again next week for the progress."

Nauna na ako sa paglabas ng discussion room. Bumalik na ako sa aking table at nakitang nakaupo doon si Nica.

"Why are you here? Not busy?" sabi ko sa kanya habang nilalapag sa aking table ang aking iPad.

"Of course I am. I just got here from my shoot. Where's Mikes?"

"Client. So why are you here?"

She looked at me with disbelief. "Nag-oonline ka pa ba?"

"I don't have time these past few days. You know, busy season. Malapit na ang filing."

Kinuha ko ang katabing bakanteng swivel chair at umupo dahil mukhang walang planong tumayo ang babaeng ito. I looked at the clock and it is already lunch time. Marami pa akong kailangang gawin pero nang-iistorbo naman itong si Nica.

"Gosh, this is why I don't want to work in audit. There's just no life here, it's pure work!" aniya sabay pasada ng tingin sa paligid. "Take a look at your phone and check our group chat."

Nagbuga ako ng hininga at sinunod siya. Hindi ko na nga napapansin ang mga notifications sa aking phone dahil sa sobrang busy. Konting tiis na lang naman at matatapos na ang busy season.

"Ang dami naman nito. Ano ba kasi 'yon?" sabi ko habang nagbabackread.

"Basta, look for Jake's chats. Naglunch ka na ba? Let's eat while you're scrolling there."

"I'm planning to just take out, though."

"Bakit?"

Sinulyapan ko siya. "Marami akong kailangang tapusin. I also have a meeting at 1PM."

"Wow, so this is a life of an auditor, huh?" she sighed exaggeratedly. "Tagapagmana ka nga talaga."

"Shut up." Inirapan ko siya at bumalik sa ginagawa. "Can you just tell what it is so I'm not wasting my time here?"

Sinilip niya ang phone ko. "Malapit ka na, keep backreading. Tara, kain muna tayo."

"Magtetake out nga lang ako."

"Come on, samahan mo na akong kumain. Hindi pa ako naglulunch!"

"Magpasama ka na lang sa manliligaw mo."

"Sabay na nga tayong kumain." aniya sabay hila sa akin. "You're already a manager, why do you still have so many things to do? Wala ka bang staff?"

Pinasadahan ko ang paligid. Mabuti na lang kaunti lang ang tao dahil naglunch na ang mga tao. Minsan hindi rin talaga marunong magpigil ng bibig ang babaeng 'to.

Bumuntong-hininga ako at tumayo. Nagpahila ako sa kanya habang nasa group chat pa rin ang atensyon ko. She's blabbering her rants while we're in the elevator.

"Alin ba dito?" sabi ko sabay pakita ng phone sa kanya.

"Scroll more, super lapit mo na. Basta 'yong announcement ni Jake."

Sumandal ako sa elevator at hinanap ang sinasabi niya. I found Jake's announcement. Napakunot ang noo ko sa gulat.

"What? Is he serious about this?"

Played (Montellano series #1)Where stories live. Discover now