"Oh siya na. Alis na muna ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin," paalam ni Jason. "Bye, girld. See you nextime."

"Masyado ka namang seryoso," sabi ko sabay hampas sa balikat ng pinsan ko pero kinurot niya ako sa kaliwang pisngi kaya tinabig ko ang kamay niya.

"Aray! Ano ba?" reklamo ko.

"Guys, mauna na kami ni Geen. Sasabay siya sa akin," paalam ni Rose Ann.

"Sige, ingat kayo," sabi ko at hinarap si Elias. "Ikaw? Uuwi ka na ba?"

"Mamaya na. Tara, ice cream tayo."

"Puno ang Santillan's ice cream house," sabi ko dahil sa mga taga CTU pero hindi ko naman siya matanggihan kahit na masakit ang ulo ko.

"Sa iba na lang tayo. May coffee shop na malapit dito at kaunti lang naman yata ang natambay ngayon."

"Sure. Paalam lang ako sa driver ko," pagpayag ko. Na-miss ko rin kasi makipag-bonding sa mokong na 'to. Si Elias ang tipo ng taong mapili lalo na sa mga kaibigan. Kagaya ni Tito Ethan, aloof ito sa ibang tao.

Nagpaalam muna ako sa driver ko tapos sumama na sa kanya sa coffee shop.

"Ang ganda palang tambayan dito," sabi ko. Nakikita ko na ito pero hindi pa napasukan. Maganda mag-aral dahil tahimik at free wifi pa.

"Oo, kaya nga madalas akong nandito," sabi ni Elias at nag-order na. "Wait lang, CR lang ako," paalam niya.

"Sige. Dito lang ako," pagpayag ko at nag-scroll ng Facebook pero sa pagkamalas, nakita ko si Orange na papasok kasama ang mga barkada nito.

Iniwas ko ang tingin nang mapatingin siya sa pwesto ko.

"Mag-isa ka ata," sabi niya nang lapitan ako.

"Kasama ko si Elias," sagot ko. Naupo siya sa tabi ko. "May kailangan ka?" inis na tanong ko.

"Bakit hindi ka nagre-reply sa mga chat ko?" tanong nito. Oo nga pala, panay ang tanong nito kung dumating na ba ang menstruation ko.

"Wala akong load."

"How come na ang isang anak ng bilyonaryo ay walang load?"

"Umalis ka na bago ka pa—" Napatingin ako sa maliit na supot na inilapag niya sa mesa.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Pregnancy kit," diretsahang sagot niya kaya napanganga ako.

"Baliw ka na ba?"

"Malapit na kapag hindi pa dumating ang period mo," sagot niya na para bang lalamunin ako nang buo.

"Hindi ko kailangan 'yan." Masakit na nga ang ulo ko, dinagdagan pa nitong kaharap ko.

"Kailangan mo dahil pareho tayong masisira ang kinabukasan kapag mag-positive ka."

"Eh di wag mag-test," sabi ko sabay tulak sa kanya ng supot.

"Inuubos mo ang pasensya ko, Kaitlyn!" aniya sabay tulak ng supot sa harapan ko. "Mag-test ka para makatulog na tayo."

"Nakakatulog ako nang maayos."

"How—" Napansin ko ang pagkuyom niya ng kamao. Baka nasuntok na niya ako kapag kaming dalawa lang ang nandito. "Bakit ba napakahirap mo kausapin, Kaitlyn?"

"Bakit ba namomroblema ka? Di ba sabi ko, wag mo nang problemahin 'yan?"

"Dahil dalawa tayo ang involve rito!"

"Orange, hindi ko—" Napatigil ako nang mapansin kong palapit na si Elias. "Umalis ka na!"

"Why? Takot ka?" may paghamon ang mga ngiti nito.

In A Secret Relationship?Where stories live. Discover now