"Chief Tenzo at sir Falcone. Pak! Oh sino pipiliin mo? Isang rabbit o isang king cobra?"

Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa king cobra. Pinagkumpara ba naman si sir Falcone sa cobra.

"I mean! Si sir Falcone kasi parang anytime mantutuklaw nakakatakot talaga siya." Parang nanginig pa si Jammy sa takot.

"Ewan ko sayo at tigil-tigilan mo 'yang mga ganyan mo mamaya may makarinig pa sayo." Suway ko sa kanya.

Iniwan muna ako ni Jammy mag-isa kasi may kailangan pa siyang tapusin. Tulala akong nakatingin sa kisame habang inaalala yung nangyari kanina.

Bilyonaryo na siya tapos sisingilin ako ng 3 million dahil sa suit niya? Iba talaga siya sa sobrang iba ang sarap tanggalin sa mundo. Aanhin niya pa yung 3 million kaya niya naman higitan pa 'yon.

Mukhang pera.

Tumayo na ako at bago ako umalis inayos ko muna yung upuan.

"You're taking so long." Nagulat ako nang may biglang bumukas ng pintuan at bgila nagsalita.

Pagtingin ko nanlaki ang mata ko kung sino.

Si sir Falcone! Bahagya pa ako napaatras nang bigla siyang pumasok at sinara yung pintuan habang sumandal siya roon at nag cross arm.

"I don't like people who are as slow as you."

Pinipigilan ko yung sarili ko na huwag umirap dahil na sa loob ako ng company. Akala niya naman gusto ko yung mga taong tulad niya.

Lumabas na kami mula sa meeting room habang siya ay nasa likod ko habang nakapamulsa. Una kong pinakita sa kan'ya yung working place namin which is lahat ng employees ni sir ay doon nag work. Yung gilid ng working place namin ay yung meeting room. Yung meeting room namin ay glass siya kaya nakikita kung ano ginagawa sa loob.

May kan'ya-kanya kaming cubicle para hindi na iistorbo kapag nag-tatrabaho kami. Pero yung manager namin may kanyang place kumpara sa amin na dikit-dikit. Mayroon din kaming kitchen kung saan doon kami madalas nag kakape tapos nandoon na rin yung restroom at may stock room na rin.

Sunod ko naman pinakita ay yung office ni sir.

May nakalagay sa pintuan ni sir ay 'Ceo Dmitri Corvus Tenzo'. Kumpara sa meeting room na glass yung office ni sir ay literal na kwarto. Dark brown yung door ni sir.

Nilibot ko muna si sir Falcone sa company pumunta muna kami sa ground floor doon lahat ginagawa yung mga wine which is yung product namin.

Kaya nasa ground floor ito dahil minsan hindi naiiwasan yung ingay ng machine kaya na sa ground floor 'tong manufacturing of wine.

Habang iniisa-isa ko yung mga product namin lumingon ako sa likod ko para tanungin siya kung umiinom ba siya ng wine. Nanlaki ang mata ko nang kumuha siya ng isang bottle ng wine at binuksan.

"S-sir!" Binilisan ko maglakad para pigilan siya kaso naka inom na siya.

Bawal kasi uminom dito sa loob ng pagawaan ng wine. Pinunasan niya yung gilid ng labi niya gamit yung thumb finger niya habang nakatingin sa akin.

"What?" Walang gana niyang sabi tanging iling na lang nagawa ko.

Wala naman akong magagawa nakainom ka na eh.

Inangat niya yung bottle ng wine at tinignan.

"What kind of wine is this?" Tanong niya.

"Tenzo wine, this wine is the most popular product we have." Tumango-tango siya at nauna na maglakad palabas ng manufacture place.

Napaka bastos niya talaga hindi ba 'to naturuan ng magandang manners?

Bago ako umali nag bow muna ako sa mga workers sa manufacture place at lumabas na. Si sir Falcone agad hinanap ko kas hindi ko siya mahagip kung na saan siya.

Nakakainis naman 'to! Saan ba 'yon pumunta?! Nagulat ako nang may humawak ng braso ko at hinatak ako sa isang stock room. Sa sobrang bilis ng pangyayari nakita ko na lang yung sarili ko na nakasandal sa pader habang hawak-hawak niya yung bewang ko gamit yung kanan niyang kamay.

"You must taste this, too." Itutulak ko sana siya pero naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak niya sa bewang ko at tinulak hanggang sa naramdaman ko ulit na nakasandal na ako sa pader.

"Sir bawal—" Nagulat akong ng uminom siya ng wine sa harapan ko at binitawan yung bewang ko at nilipat sa chin ko at sa pilitan binuka ang bibig ko.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko yung labi niya sa labi ko. Hindi ako nakagalaw lalo na't nasa loob na ng bibig ko yung wine na nanggaling sa bibig niya kanina.

"How is it?"  Titig na titig siya sa akin pero nakikita ko sa mata niya yung walang emosyon.

Hindi ako makagalaw o makakilo man lang. Ni hindi ko rin magawang magsalita parang naputol yung dila ko dahil sa ginawa niya.

SOMEONE' POV

"Her name is Divine R. Grace Salvador." Inabot niya ang documents sa lalaking na nasa loob ng kotse.

"Divine R. Grace Salvador." He mumbled.

"I need more information about her." Hindi na nagdalawang isip ang mga tauhan niya at umalis na para mag hanap pa ng information.

"I found you, little rat."

The Billionaire Ceo (ONGOING)Where stories live. Discover now