Pinapangarap, Kailan Ka Kaya Mahahanap?

2 1 0
                                    

Gusto ko ring maranasan ang nangyayari sa libro,
Kung saan mamahalin ka ng totoo,
Isang-daang porsyento,
Walang halong biro.

Gusto ko ring maranasan ang mahalin.
Hindi lang puro gawa ng isip.
Mas masaya kung nararamdaman talaga,
Nakakahiya mang aminin ngunit nakakainggit na sila.

Gusto ko na kahit sa rami ng kababaihan
Ay ako lang ang laman ng kaniyang puso't isipan.
Lahat ay kaniyang gagawin upang ako'y mapasaya,
Dahil ang isa sa mga paborito niya ay aking mga ngiti,
Pinapangarap niya ang aking presensya kaya siya'y tatabi.

Ang aking pagtitiwala ay hindi niya ibibiyak,
Sinisiguradong hindi ako masasaktan at iiyak.
Nakikinig sa mga kwento kong walang kabuluhan,
Ipaparamdam na siya'y nand'yan.

Isang tingin pa lang ay kaniya ng alam,
Na ako ay may pinagdadaanan,
Hindi ko sinabi subalit kaniyang mararamdaman,
Dahil ganoon kapag iyong minamahal.

Simple lamang ang hiling.
Bakit ang hirap niyang hagilapin?
Gusto ko ng maranasan.
Pinapangarap, kailan ka kaya mahahanap?

Poems: Way Of Feelings To EscapeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt