Naramdaman Mo Na Ba?

2 1 0
                                    

Maraming nagsasabi na sana'y aking subukan.
Sumubok na pumasok sa relasyon na hindi ko pa naman nararanasan,
Upang sa kauna-unahan ay akin daw itong maramdaman,
Ngunit alam kong hindi ko ito kailangan.

Gustuhin ko man ang sinasabi nila,
Subalit may kulang sa mga taong nabubuhay rito sa lupa.
Mga bagay na importante na wala sila,
Na nahanap ko lamang sa iba-

Sa ibang mundo,
O mas kilala nila sa tawag na "libro".
Sa ibang tao.
Sa mga taong hindi nabubuhay sa mundo ko
na mas maituturing ko pa ngang tao,
Sila ang mga gusto ko.
Sa kanila ko gustong sumubok dahil alam kong panalo.

Ako'y ituturing na reyna,
Hindi lamang prinsesa.
'Pag siya ang kasama,
Kampante at walang ikababahala.

Lahat ibibigay niya.
Hindi lamang "Mahal Kita" ang maririnig,
Sa halip ihahalintulad at ilalarawan niya ako sa magagandang bagay na narito sa mundo,
Dagdag pa na ako ang bumuo sa kaniyang pagkatao.

Walang kasinungalingan,
Lahat ay puno ng pagmamahalan.
Walang lokohan,
'Yan ang gusto kong maranasan.

Lahat ng ayaw ko sa aking sarili ay kaniyang minamahal,
Siya'y walang halintulad.
Makikinig sa drama ng aking buhay at
Sa kahit anong kalokohan.

Mga ilang wakas pa man ang dumaan,
Alam kong hindi ako papalitan.
Mga ilang prologo pa man ang magdaan,
Alam niyang ako'y kaniya pa ring papakasalan.

Kaya kung susubok man ako,
Bakit hindi nalang dito?
Bakit hindi nalang ganito?
Kung saan man ay may nagmamahal sa akin na isang ginoo.

At
Sa totoong mundo...
Ito'y nararanasan pa ba?
Ito'y naramdaman mo na ba?



Poems: Way Of Feelings To EscapeWhere stories live. Discover now