Nakita 'yon ni Luis saka lumapit saka biglang pinisil ang mga pisngi ko. "Look at those cheeks, so red." pang-aasar niya na tila ba ginagaya ang pigura ng isang pabebeng babae. Siraulo ka talaga kahit kailan. Tumawa pa siya ng malakas nang makita niyang napipikon na ang mukha ko.

"Ano ba, stop it." inalis ko ang mga kamay niya sa'kin saka umirap. Hindi ko na lang pinansin ang pangungulit niya sa'kin ulit at nagpokus nalang sa paghihiwa ulit, pero sa oras na 'to, nang subukan kong kunin ulit ang kutsiyo ay nakuha na niya ang kamay ko at itinaas, saka niya 'ko hinila pasandal sa may refrigerator. Nasa tapat ko lang siya at napakalapit niya sa'kin. Sobrang lapit ng ulo niya na talagang isang espasyo na lang talaga ang pagitan ng mga ilong namin. Ganun ka lapit, at hindi pa umaalis ang titig ng mga mata niya sa'kin.

"I told you. Don't try to cook." mabagal niyang sinambit sa'kin. Mahigpit na nakagapos pa rin ang kamay ni Luis sa pulso ko, habang ang kaliwang kamay ko naman ay mahigpit din niyang hawak-hawak sa ibaba. Sinubukan kong kumawala sa kaniya pero talagang malakas ang katawan niya. 

Promise, sagad na ang sarili ko sa kahihiyan at kabang nararamdaman ko sa buong linggong kasama si Luis sa iisang bubong pero nakakapagtaka kung bakit nararamdaman ko pa din deep inside sa sarili ko na hindi ko din naman gusto umalis sa ganitong pamumuhay. Yng tipong gusto ko umalis na ayaw ko din. Totoong komplikado kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa'kin.

"Luis. . . ." I muttered. I can definitely feel my heart melting and my brain no longer functioning.

Nakita ko kung pano nanginig ang noo ni Luis sa pangungunot niya. Hindi ko maintindihan kung may binabalak nanaman ba siya o naiinis siya sa ginawa ko. Maliit lang ang buka ng bibig ni Luis pero napakabigat ng paghinga niya, umaabot sa leeg ko ang pakiramdam ng ihip ng hinga niya. Para bang hinahabol siya ng hinga? 

"Why?. . . . Why are you doing this? You look so helpless. . don't you know how hard this is for me to resist?" may kaunting gigil sa pananalita niya pero nangingibabaw pa din ang pagiging deep calm ng boses niya.

Sa totoo lang, 'di ko alam kung ano ang sinasabi ni Luis. Anong hindi niya ako matiis? What's hard to resist? And if I'm helpless, what's up with it? Pero ang alam ko lang ay kung gaano ka tindi ang mga tinginan niya sa labi ko. Dahan-dahan niyang nilapit ang ulo niya sa mukha ko, nakatingin pa din ang mata niya sa labi ko at nang ipaling niya ang ulo niya, dun pa lang alam ko na na hahalikan niya ako. Lagi niya naman ginagawa 'yun pero bakit hindi ko siya tinulak this time? Kakaiba talaga. . . . 

Naudlot ang lahat nang bigla na lang may tumunog na kung anong ringtone ng cellphone. Hindi hinarap ni Luis iyon, bagkus inabot niya sa likod niya. Nang hablutin niya ang cellphone niya, saka niya ikinagulat nang malaman kung sino ang tumatawag. Na-curious na din ako kaya tinignan ko. Danica ? 'Yun ang contact name na nakalagay sa tumatawag sa kaniya. Umalis na siya saka pumasok sa kwarto niya bago niya sinagot ang tawag. Napakamot na lang ako sa patilya ko sa sobrang pagkalito. Medyo nabitin din ako. . . halikan na yun eh. . . 'di pa natuloy. Pero yun naman talaga ang dapat! Sino ba nagsabing ginusto ko yung moment na 'yun.

Kinabukasan, nagising ako sa sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko. Same bed, same place. Tinignan ko ulit ang napuruhan kong daliri kagabi, galing na kaya ito? Natuyo na kaya ang pagdurugo nito? Tinanggal ko na ang band-aid para makita kung galing na nga ba. Yes! Magaling na siya ngayon, hindi na nagdudugo at tuyo na din ang sugat pero mayroong marka, as long as hindi naman ganun ka-halata, ayos lang.

Tumayo na ako sa kama saka naglibot sa labas. Wala na si Luis ng madatnan ko. Nag-iwan din siya ulit ng sticky note sa refrigerator, 'Clean up, little kitty! Don't cook tonight or else. . .' argh! 'Yan nanaman siya sa pagtatawag niya sa'king little kitty. Pero in fairness. . . para namang kinagusto ko talagang ipagluto siya. Wala yon, nagpapabida lang ako noon. 

Magusot pa din ang buhok ko at latang-lata ang mata. Dapat maliligo na 'ko nang may biglang kumatok sa pinto. Lumapit ako sa pinto saka ko tinignan sa peephole kung sino ba ang kumakatok. Nagtaka ako kung sino ba ang taong ito. Baka mga kakilala ni Luis? 'Di ko naman kasi bahay ito. Isang matandang babae na naka floral dress at beige cardigan, naka updo ang buhok niya at may hawak na basket, 'di lang ako sure kung ano ba ang laman ng basket. 

Pinagbuksan ko ng pinto ang matanda at doon ko nakita ng malapitan kung ano ba laman ng basket. Naglalaman lang naman ito ng mga kakanin, banana chips, at mga piraso ng egg pie. Noong una ay nakangiti pa ang matanda pero nang pagbuksan ko siya, parang nawala na yung ligalig. May mali ba sa'kin? Parang na-turn off si lola; 'di ko nga siya kilala eh. 

"Ah- Sino ka?" prankang tanong ng matanda. Sa isang iglap, nag-iba ng tuluyan ang ekspresyon ng mukha ng matanda, parang may kung anong taray na binudbod sa mukha niya.

"Uhh-. . ." paano ko nga din ba ipapakilala sarili ko, "Um- Ka. . . Kaibigan! Tama. . . Kaibigan po ako ni Luis, yung may-ari ng bahay." 

"Hayst! Pagdadala ng babae sa bahay niya na lang ang laging inaatupag ni kuya Luis! Hoy babae!" nagulat ako nang biglang may sumulpot na batang babae sa likod ng matanda. Ang sama naman agad ng attitude niya sa'kin. Cute siya ang sarap pisilin ng pisngi kaso hate na ata ako agad.

Tinampal naman ng matanda ang bibig ng bata para pagalitan ito sa attitude na ipinakita sa'kin.

"Ahh! Okay lang po haha-. . ." sabi ko sa matanda na busy sa pagpapagalit sa bata. Hinarap ko ang bata imbes at lumhod malapit sa kaniya para maabot ko siya saka nagpaliwanag, "Walang namamagitan sa amin ng Kuya Luis mo. Magkaibigan lang talaga kami." mahinhin kong nilinaw sa kaniya. Ang boses ay parang ate na ginagampanan ang pagiging ate sa kaniyang kapatid. Inirapan lang ako ng bata saka nagtanong ng isa pang tanong, "Kung ganun, ba't nandito ka sa bahay niya at nakapajama? Ibig sabihin nun may nangyari sainyu kaya dito ka natulog." wala nang mas lalaki pa sa dilat ng mata ko nang marinig ko ang sinabi ng bata. Pinalo na ng lola ang pwet ng bata kaya nagsimulang umiyak ang bata.

"Pasensya na ija. Apo ko ito, si Princess, makulit talaga ito saka idol na idol niya kasi ang kuya Luis niya. Ah- nandiyan ba si Luis?" nakakahiya sa lola, umiyak pa kasi eh.

"Okay lang po, 'wag na po kayo humingi ng paumanhin. Bale wala po siya dito ngayon, may trabaho po kasi. Ano po ba ang sadya niyo sa kaniya?" tanong ko sa matanda na busy kumuha ng kung ano sa basket.

"Wala naman, dumalaw lang ako para abutan siya ng egg pie. Ito. . ." inabutan niya ako ng egg pie mula sa basket. "Lagi niya itong binibili sa'kin, kaya ako na ang nagkukusang magbigay sa kaniya. Lagi niya akong tinutulungan sa mga bitbitin ko kaya ko siya nakilala. Iyon lang, pasensya na kung medyo napadaldal ako ha, ija? Iabot mo na lamang ito sa kaniya 'pag dumating na siya." maraming naikwento ang lola pero kinalaunan ay nagpaalam na siya para umalis.

Natigil siya bigla saka humarap ulit, "At ija. . . medyo nanlalata ata ang kutis mo, baka dapat magpa-araw ka minsan." paalala ng matanda bago siya tuluyan nang umalis kasama ang umiiyak niyang apo.

Nanlalata na ba talaga ako? Baka dapat nga lumabas na 'ko. Isang linggo na din naman na 'kong 'di lumalabas ng bahay. 'Di muna ko maglilinis ngayong araw. Magjo-jogging ako sa labas!



Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now