#NoGunsNoEntry Preparation/BFF

Start from the beginning
                                    

"Alam ko..." Napatingin ako kay Coldie. "Siya nga yan. Pero bakit wala tayong alam? Bakit wala akong alam?"

Gusto kong yakapin si Coldie at magsorry. Alam kong hindi niya deserve ito.

"Bakit alam ni Thres? Oo nga pala. Dahil siya ang isa pang lihim na miyembro ng Council. The Protector of the F'cking Empress." pakiramdam ko lahat ng salitang binibitawan niya ay nagmamarka sa puso ko.

"Eh bakit alam ni Neon?" tanong ulit ni Coldie. Wala akong magandang paliwanag. Si Thres ang nagdesisyon na ipaalam kay Neon.

"Bakit wala kaming maalala? Oo nga pala. Sabi mo they used drugs on us. Para wala kaming maalala. Para makalimutan namin lahat ng nangyari ng gabing iyon. Tapos pinasok niyo sa kokote namin na iba ang nangyari." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga sinasabi niya. All I can see is that she was hurt and I, the supposed to be best friend here, brought her the pain.

"Putang'na mo Zerah.. Zitty.. Oh putang'na kung sino ka man! Hindi kami hayop ha! Pakipasok sa kokote mo yan!" Iyon ang huling mga sinabi niya bago umalis at pumunta sa kuwarto niya.

Naiwan kaming lahat na walang nagsasalita.

"Sky..." I turned to Sky. I want to hear his opinion.

"Sorry. Unless Coldie approves you, we will not help you. Alam mo kung anong natutunan namin matapos ang insidenteng iyon?" tanong ni Sky.

"Be one." sagot ni Volt.

"Sorry, but this time, Zerah, you messed up. It is not Gabby's fault na galit si Coldie ngayon." sabi naman ni Axe.

"It is your fault. It was your choice. Sinosolo mo kasi lahat. Tama si Coldie. Hindi kami hayop. Lalong hindi kami laruan." dugtong naman ni Iroine.

"You are just a selfish bitch. As a matter of fact, nagtangka lang naman magpakamatay ang kapatid ko dahil sa inyo ng gagong Thres na iyan." I can see all those emotions on Red's eyes.

When they turned their back from mine, nakita ko iyong unang araw na nagkitakita kami. Iyong nagpakilala sila na Council. They never treated me as an Empress sa totoo lang. They treated me as a friend. As a family.

I betrayed them by turning my back first and now that I am back, they are the one who turned their backs.

"This is such a mess." napasabunot na lang ako sa buhok ko out of frustration.

"Go talk to her." Thres encouraged. Napatitig na lang din ako kay Bea. She gave me a worried look. Now she knows my real life. She nodded for approval to his suggestion.

Dali-dali akong pumunta sa itaas at dumiretso sa kuwarto niya. I knocked pero walang sumasagot. I tried calling out her name pero wala pa din.

Sorry, Coldie.

With that silent sorry, sinipa ko ang pintuan with a strong kick. Sorry at kailangan ko pang manira ng pintuan.

Tumambad sa akin ang isang halimaw. Ay hindi. Si Dragon-na-kulay-violet lang pala. Life size ba naman.

"Coldie?" iginala ko ang mga mata ko sa loob pero wala akong makitang sign ni Yelo sa kahit saan. Hanggang sa marinig ko ang maliit na hikbi sa likod ni Dragon-na-kulay-violet

Nasa likod siya noong stuff toy na malaki. Sa halip na tanggalin ang stuff toy ay umupo ako sa opposite direction ng patalikod.

"You lied to me." sabi niya sa pagitan ng pagiyak.

"You lied to me also. Kilala mo na pala si Gabby." Yup. I knew now about that. "Sorry din pala kasi pinagdudahan kita dati sa pagkabaril ni Dark."

"That is not the issue here." sagot niya sa akin. "Hindi mo sinabi sa akin iyong mga nangyari. Sa coffee shop, mukha akong gaga doon. Iyong hinahanap kop ala katapat ko lang."

Hinayaan ko lang siyang magsalita ng mga bagay na gusto niyang sabihin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" She asked.

"Kasi kaibigan kita." pag-re-reason out ko.

"Best friend mo ako!" hysterical na sabi niya sa akin. Inalis na niya ang Dragon-na-kulay-violet sa pagitan namin.

"Iyon na nga eh. Kasi best friend kita. Aayaw ka sa plano ko." May sasabihin pa sana si Coldie pero may sumingit sa usapan namin.

"Hey you!" What the hell? Nakatayo si Bea sa may pintuan at nakaturo kay Coldie.

"Eah? Anong ginagawa mo? Bumaba ka na lang sa sala." babala ko sa kaniya pero hindi natitinag ang babaeng ito.

"So you are the best friend of the old Zerah? Well, hello there. I am the new best friend. Now, if you don't want to help her... I will!"

What the f'ck?!

Nagtitigan lang sila ni Coldie. Pakiramdam ko nasa pagitan ako ng dalawang inahin na manok. Handang manghampas ng pakpak.

"Zerah! Let's go!" hahatakin na dapat ako ni Bea pero hinatak din ako ni Coldie.

"No! Best friend ko siya. Wag ka ngang extra dyan!" buwelta ni Coldie sa mga sinasabi ni Bea.

What the f'ck ulit?!

"She's my best friend!" Bea screamed at the top of her lungs.

"No! She is Zitty. Best friend ko siya. Sino ka bang hilaw ka ha?!" Coldie screamed too.

"You said it is not Zitty anymore. You won't accept her. I will accept her as Zerah and what so ever name she wants." mapanghamon ang mga sinasabi ni Bea.

What the f'ck is this situation?! They are obviously fighting to be my best friend.

"Galit lang ako sa kaniya, pwede ba? Lumayas layas ka nga dito." pagtataboy ni Coldie.

"Be mad at her. I don't care." Malakas at biglaan ang paghatak sa akin ni Bea kaya naman nabitawan ako ni Coldie. She is about to drag me outside ng pasigaw na pinigilan siya ni Coldie.

"Fine! I forgive her!" Napatingin ako kay Coldie pagkasabi niya noon.

Pinapatawad na niya ako? Nakita kong napakindat sa akin si Bea sa sinabi ni Coldie. So plano niya ito?

"Not so easy." naglanding na naman ang tingin ko kay Bea sa sinabi niyang iyon. Ano na namang pakulo yan?

"I declare this termination event as a contest. Best friend contest. Let's see who deserves to be her best friend."

That's it. Mas malala pa ata ang napasukan kong ito kesa sa termination event.

---

ANIE's NOTE: After this update, may announcement sa susunod na pahina. Basahin niyo. Mahalaga. Tandaan: Good readers read notes. Kung ayaw niyong maging clueless sa mga nagaganap sa susunod na mga araw. Basahin. Hahahah. :P

Meow.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Where stories live. Discover now