#NoGunsNoEntry Preparation/BFF

Magsimula sa umpisa
                                    

"You are not Zitty. Stop playing with us!" sigaw niya pero ang hindi ko matanggap ay ang mga luha sa pisngi niya. I am making my best friend cry again.

"Enough!" naramadaman ko ang pag-akbay ni Thres sa akin na para bang prinoprotektahan ako at sabay inilalayo ako sa masasamang tingin ni Coldie.

"Wag kang makiki-alam dito ha, Thres!" Dinuro-duro ni Coldie si Thres. "Uupakan ko pa yang babaeng yan! Kakalbuhin ko ng matauhan!" gigil na gigil at galit na galit na sabi ni Coldie patungkol sa akin. Siguro kung hindi lang ako ang pinagtutuonan ng galit niya ay baka humagalpak na ako sa tawa. Iyong sweet na babae kasi naging amasona bigla.

"For fcking sake! Siya nga si Zitty ano ba?! Tanga-tangahan lang?" Hindi na nakatiis si Thres at hinawakan ni Thres ang magkabilang balikat ni Coldie at niyugyogyugyog siya.

Natahimik si Coldie. Siguro iniisip ang mga salitang sinabi ni Thres. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakakunot na ang noo niya.

"Alam mo?" tanong ni Coldie. Doon parang natigilan si Thres. I know what he is thinking. The look in Coldie's eyes... it is indifferent.

"Oo alam niya. Makinig ka kasi sa akin, pwede ba?" sabi ko. Bakas sa tinig ang kawalan ng pasensya at pagkairita. Explaining is really not my cup of tea.

Umupo kami sa may sala at nandoon sila lahat. Ang buong council. Si Thres. Si Neon. Gusto ko sanang ipatawag si Alex, pinsan ko, kaso hindi ko mapagkakatiwalaan ang bunganga niya. Baka pagtripan pa ako noon at ipamigay ang kaalaman na ako si Zitty kapalit ng tamang halaga. Mukhang perang alimango. Tsk.

Sinabi ko lahat-lahat sa kanila. Mula sa umpisa ng araw. Ang bakasyon. Ang pagdating ng Blue Tiger Gang. Ang pagpatay ng mga it okay Saya na hindi sinasadyang nakaalam ng plano nila. Ang pagbugbog ng mga miyembro ng BTG sa kanilang lahat. Ang paglitaw ng kakambal ko. Ang kasalanan ni Dark at Gabby sa akin. Ang pagtalon ko sa dagat. Ang paggising ko. Ang pagpapasya kong magbago ng mukha. Ang Skulls Island. Ang pagbabalik ko. Ang pagiging business partner ng BTG at ng Empire. At ang pagpapadala ng Termination Event Invitation kaninang umaga.

Walang nagsalita matapos ng lahat ng mga sinabi ko sa kanila. Wala ngang gustong tumingin sa mga mata ko. Sa totoo lang, kahit ata paghinga nila ayaw nilang ipahalata sa isa't-isa.

It took them several minutes to finally talk to us. Si Axe ang naunang nagsalita.

"So Zerah never really existed?" casual na tanong niya sa akin. Tumango ako sa tanong niyang iyon.

"No. Zerah existed. She killed Zitty. Zitty willingly offered herself. It was a suicide." pagbibigay diin ni Coldie sa 'sa tingin niya' ay tamang kasagutan.

"Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi niya kanina pa? Siya nga si Zitty ano ba?" naiiritang sabi ni Thres.

"Nakikinig ako. Kaya nga sinasabi ko sa inyo. Zitty died months ago. Not because she was killed but because she committed suicide the moment na ginawa niyang si Zerah ang pagkatao niya." tinitigan ako ni Coldie. Matigas na pagtitig. "At ano? Babalik ka? Dahil kailangan mo kami."

"Yes." pagsangayon ko. "I need you all as the Council. Nothing more. Nothing less." hindi totoo iyon. Kung tutuusin pwede ko namang asahan ang sarili ko sa labang ito. Kaso may nadadamay na kasi. Si Sara. Who knows kung sino pa ang susunod? Isa pa. I want to fight with them.

I miss them. Aminin ko man o hindi.

"Coldie. Lawakan mo naman yang utak mo." sabi ni Sky. "Totoo nga. Siya si Zitty. Narinig mo naman hindi ba—" Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi ni Sky galing kay Coldie.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon