Ikatlong Kabanata

13 7 0
                                    

"Ay hello po ma'am, ako po to, si Diego, sekretarya niyo po. Inatas niyo po sa akin ang pagpagiba nitong maliit na treasure chest niyo po."

"Ah, yes. Naalala ko na. Kumusta na."

"Ay ayos lang naman po ma'am, hehe."

"Hindi ikaw, yung pinapagawa ko sayo." Rinig ang walang pakialam nito sa sekretarya.

"Ah, sabi ko nga po. Ito po, hindi po talaga siya masira ma'am eh. Tinry narin po naming ipabukas sa goldsmith po natin pero wala rin po silang magawa."

"Have you tried using all the machines that can break it?"

"Opo ma'am, sinubukan narin po naming tapakan ito gamit ng Bulldozer, excavator at ano-ano pa pong makita namin sa construction site. Wala po talaga ma'am eh."

"Okay, dalhin mo nalang yan sa bahay. I'll give you a half a million for your work."

"Ay nako, maraming salamat po ma'am, alam niyo po—"

Pinatayan na nito ng telepono ang kausap.

Pinaandar niya na ang sasakyang bagong gawa ng kompanya niya ng bigla itong tumirik. Which added to her frustration. Tinawagan niya ang isang driver nito at nagpasundo sa Imperial Co.

*Sa villa nito.

"Nakauwi ka na pala."

"Hi lo." Bati nito at yinakap kaagad ang matanda ng salubingin ito sa labas ng bahay.

"Ayos ka lang, bat parang wala ka yata sa sarili mo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ayos lang po." Naglakad na ito papasok ng bahay.

"Oo nga pala, may dumating mula sa bangko. New card mo raw."

"Talaga po? Dumating na!" Bigla naman siyang nabuhayan ng marinig na ang pinakahihintay niyang card ay dumating na.

"Tsaka dumaan rin si Diego, hindi ko alam na ginusto mo palang ipasira ang bigay kong treasure chest sayo." Sabay nguso kung saan nakalagay ang munting treasure chest na nasa lamesa ng sala.

"Gusto ko lang naman malaman ang loob niyan eh." Sabay punta sa lamesa at kinuha ito.

"Sabi ko naman sayo, walang makakabukas niyan."

"Eh, kung ganun lang rin naman po, bakit di nalang natin ito itapon?"

"Sa tingin mo, hindi ko pa yun nagawa?"

"Tinapon niyo na po to?" Curious nitong tanong at naupo na sa sofa.

"Oo naman, gaya mo pinagtaka ko rin ang laman niyan at kung bakit naging family heirloom yan. Sabi sa akin ng ama ko noon ng ipamana niya iyan sa akin ay dapat na ipamana ito sa susunod na henerasyon. Ang mga pinakabatang kapatid ng susunod na henerasyon ang dapat mangalaga niyan hanggang sa dumating ang susunod." Kwento nito.

"Kaya pala pamilyar to sa akin. Si papa pala ang binigyan niyo nito." Saad nito sabay hawak ng chest malapit sa kaniyang chest.

"Itinago ko ito ng mawala ang iyong ama, at hinintay kang makabalik bago ko ito ipamana sayo. Hindi ko inakalang, simula noon ay ginusto mo ng sirain 'yan."

"Bakit nga po ba hindi ito masira-sira at hindi matapon-tapon?"

"Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bumabalik sa tagapangalaga yan eh. Noon akala ko minaligno na ako, kasi ilang beses ko na yang itinapon sa ilog ngunit pagbukas ko sa aking bag, eh andun uli yan."

"Talaga ho?" Curios naman nitong tanong.

"Isa pa, naikwento sa akin noon ng aking lolo, ay pinapangalagaan raw iyan ng ating ninunong si Lila."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inside Your Chest Is My TreasureWhere stories live. Discover now