MARAHUYO

3 1 0
                                    

BABALA: Ang lahat ng inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Ito ay produkto lamang ng malikot, malikhain at malawak na imahinsayon ng may akda.

Votes and Comments are highly recommended!

•••

Ang nobelang ito ay tungkol sa dalawang babae na nanggaling sa magkaibang panahon at henerasyon na nagkapalit ang kanilang kaluluwa at napunta sa isang hindi matukoy na sitwasyon.

Si Lucia ay anak ng isang alkalde sa bayan ng San Jose. Kilala si Lucia sa pagiging mahinhin at pagiging tahimik nito. Siya ay itatakdang ikasal kay Ginoong Karlito. Ngunit isang aksidente ang nangyari kay Lucia at nang magising ito ay hindi niya na kilala ang mga tao sa paligid niya.

Sa kabilang banda ay ang babaeng si Shula na nanggagaling sa kasalukuyan na panahon. Kabaliktaran ni Lucia si Shula. Sakit ito sa ulo ng kanyang pamilya. Siya ay maarte, pilosopo, mainitin ang ulo at hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang kanyang gusto. Isang araw ay naaksidente ito at nang magising ay nasa ibang katawan na siya.

Papaano kung sa mundong napuntahan nila ay makilala nila at matatagpuan ang lalaking iibigin nila ng higit pa sa kanilang inaasahan?

Tunghayan ang magiging takbo ng kapalaran nina Lucia at Shula at ang pag iibig na kanilang natagpuan sa kabila ng magkaibang panahon na kanilang pinanggalingan.

MARAHUYO (On Going) Kde žijí příběhy. Začni objevovat