PANIMULA

4 1 0
                                    

MARAHUYO
written by: akidablues

--------------------------------------------------------------

NAGISING si Lucia nang may marinig siya na ingay mula sa paligid. Inimulat niya ang kaniyang mga mata ngunit nagtaka ito nang mabungaran ang hindi pamilyar na kisame.

Where am I? tanong niya sa kaniyang isip.

Inilibot niya ang kanyang mata sa kisame, tila inaalala kung ganito ba ang kisame ng kaniyang kwarto o pinalitan ito nang hindi niya nalalaman.

Napakurap kurap si Lucia saka pinasadahan ng tingin ang paligid. Halos lumubo ang ulo niya sa inis nang makita na tuluyan na nag iba ang kaniyang silid. Hindi ganito ang kaniyang silid sa kanilang pamamahay nang huli niya itong makita. Dalawang linggo pa lamang siya hindi nakauwi dito ngunit bakit napalitan lahat ang kaniyang mga gamit, ang posisyon ng kaniyang aparador, at ang kulay ng kaniyang silid.

"Shit.." bulong niya sa sarili nang biglang kumislot ang kanyang sentido. Napahawak siya sa kaniyang ulo atsaka dahan dahan na bumangon.

Napatingin siya sa kaniyang suot nang makitang balot na balot siya ng makakapal na puting tela. Halos natatakpan lahat ng katawan niya. Tanging paa, palad ng kamay at ang kaniyang mukha lamang ang walang takip.

"What the hell is this?" bulalas niya nang sinisipat ang kaniyang suot na damit. Ang manggas ng kaniyang damit ay pilit niya itinaas hanggang sa siko ng kaniyang braso. Inangat niya ang kaniyang dalawang braso ngunit napansin niya ang isang malaking balat sa kaniyang kaliwang braso.

Gamit ang hintuturo ay sinubukan niya itong punasan ngunit nagtaka siya nang hindi ito naalis. Naitanong niya sa sarili kung bakit siya mayroong 'birthmark' sa kaliwang braso. Ang ipinagtataka niya din ay bakit ang dating mahaba, may kulay at desinyo niya na mga kuko ay wala na.

"Oh!?" Nagtataka at magkasulubong ang mga kilay na binabaliktad niya ang kaniyang mga kamay upang masigurado na tama ba ang kaniyang nakikita. Tunay ba na wala na nga sa kaniyang kuko ang mga kolorete at mga perlas na pinalagay niya dito.

Bumuhay ang inis sa kaniyang dibdib. Ang mahal ng pagpagawa niya dito! Hindi pa ito nagtatagal ng isang linggo ngunit bakit inalis na sa kaniyang kuko! Panigurado ang kaniyang Ina ang nag alis dito dahil hindi nito suportado ang mga kaartehan niya sa katawan.

Napapikit siya ulit nang nakaramdam siya ulit ng pagsakit sa kaniyang ulo.

"Mommy!!" sigaw niya habang sapo sapo ang kaniyang ulo. Sandaling pinakinggan niya ang paligid para pakinggan ng maigi ang yabag ng kaniyang Ina ngunit ilang segundo ay wala itong narinig.

"Daddy!! Manang!!" tawag niya sa mga tao sa kanilang pamamahay ngunit wala ni isa ang pumasok sa kaniyang silid.

"Rue?! Hello?!" pagtawag niya sa kaniyang bunsong kapatid.

Napairap siya nang kahit ang kaniyang bunsong kapatid ay wala din sa kanilang pamamahay.

Where are they?! Napipikon na sigaw niya sa isipan.

Bumuntong hininga siya bago itinaas ang kanyang mahabang saya. Hindi parin siya makapaniwala na pinapasuot siya ng ganitong damit. Ganoon na ba katindi ang hindi pag sang ayon ng kaniyang Ina sa mga sinusuot nito na maiikling damit para pasuotin siya ng mahabang saya at mahabang manggas na damit? Talaga bang tuluyan na niya nasagad ang pasensya ng kaniyang Ina? Kung ganoon ay mas lalo niya pa itong iinisin hanggang sa wala na siyang magawa at pabayaan nalang siya.

Ipinagwalang bahala niya ang makapal at mainit niya na suot at binalak na magbihis nalang. Susuotin niya na sana ang kanyang tsinelas, ngunit ipinagtataka niya ang kanyang sahig. Ang dating gawa sa 'tiles' na kanyang sahig ay napalitan ito ng gawa sa kahoy.

Mabilis na dumagundong ang kaba sa kaniyang dibdib. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa buong sa silid sa pangalawang pagkakataon. Ang mga kagamitan ay luma na. Ang aparador ay gawa sa kahoy, malayo sa cabinet niya na puros salamin.

"Nasaan ako!?" Nalilitong tanong niya sa sarili.

No! This is not my room! Nakidnap ba ako? Oh My God!

Nangilabot si Lucia sa kaniyang naisip.

Napalunok siya nang naramdaman ang panunuyo ng kaniyang lalamunan.

Pilit niya inaalala ang huling nangyari. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa kawalan nang maalala ang huling nangyari. Ang alam niya ay nalulunod siya dahil sa pagkakahulog sa dagat..

At pagkatapos noon ay wala na siya naalala.

"Lucia? Lucia anak?"

Lucia? Who's that?

Mabilis siya na napalingon sa pinto ng kaniyang silid. Gumagalaw ang kaniyang pinto dahil sa pagkatok ng tao na nasa likuran nito.

Nagtatakang tiningnan niya ito bago lapitan. Bubuksan niya na sana ito nang kusa itong bumukas at ikinagimbal ng kaniyang buong pagkatao nang isang di kilalang Ginang ang nakita niya.

"Who are you?!" Gilalas niya sa Ginang. Sa takot ay tumakbo siya sa gilid ng kaniyang kama para malayo sa sarili sa Ginang na ngayon ay gulat na gulat sa pagtakbo ng anak sa kaniya.

SAMANTALA, ang babaeng si Shula ay kasalukuyang idinidilat ang kaniyang mga mata. Nakakarinig siya ng matinis at tuloy tuloy na tunog sa kaniyang tagiliran.

"Oh my God!! She's awake! Honey!" Gusto niya man lingunin ang babaeng biglang sumigaw sa tabi niya ay hindi niya magawa dahil may aparato na nakalagay sa kaniyang bibig at ilong.

Nasaan ako? Inilibot niya ang kaniyang tingin. Isang puting kisame ang kaniyang natunghayan. Ilang sandali pa ay biglang may mukha ang humarang sa kisame. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang isang lalaki na hindi niya kilala.

Gusto niya sumigaw ngunit wala siyang lakas. Tila nawalan siya ng boses.

"Shu? We're glad that you're finally awake.." sabi ng lalaki na may kaedaran na.

Shu? Sino si Shu?

Nagitla siya nang bigla siya hawakan ng lalaki sa kaniyang kamay at inangat ito. Inilapat ng di kilalang lalaki ang kaniyang kamay sa pisngi nito habang naluluha na tinitingnan siya.

"I'm so sorry, Shu.." Naiiyak na sambit nito.

Gusto niya bawiin ang kamay sa lalaki ngunit wala siyang lakas. Bakit ang hina hina niya? Ano ba ang nangyari? Bakit napapalibutan siya ng di kilalang mga tao? Ito ang mga tanong na nabuo sa utak ni Shula.

Pinilit magsalita ni Shula. Kumikibot ang mga labi nito. Nagkatinginan ang mag asawa saka dahan dahan na lumapit sa bibig ni Shula para mas lalong marinig ang sinasabi nito.

"S-sino po...k-kayo?" Tuluyan nila narinig ang pagtanong ni Shula.

"Oh my God, Honey. She can't remember.." Hindi makapinawalang sambit ng babae.

Nakakunot ang noo ni Shula na nakatingin sa kanilang nang sabay nilang hinawakan ang kamay nito na walang suwero at dito umiyak.

Anong nangyayari? tanong ni Shula sa sarili.

Sino ang mga taong ito? Bakit nila ako tinatawag sa pangalan na hindi ko kilala?

Tila sumakit ang ulo ni Shula sa mga sunod sunod na mga tanong sa kaniyang isipan.

----

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY RECOMMENDED!!

^^salamuch

MARAHUYO (On Going) Where stories live. Discover now