III

4 1 0
                                    

Naka handa na ba ang mga pulbura?"

"Opo Don Renando"

Naupo ako sa isang silya malapit sa aking ama. Kasalukuyan kaming nasa palayan ng aming hacienda upang bisitahin ang aming mga tauhan.

"Ama, sigurado ka ba talaga na ito ang ating plano? Hindi ba't mapanganib ito?"

"Batid mo ba kung ano ang kahulugan ng Fuego? Apoy ang ibig sabihin ng salitang Fuego. Tayo'y magsisimula ng apoy sa lungga ng mga langgam upang sila ay mamatay dahil sila ay isang salot!"

Napataas ang aking kilay. Talaga bang siya'y seryoso?

Hinimas-himas ni ama ang kaniyang mga balbas ng habang istriktong nag-uutos sa kaniyang mga tauhan kings ano ang gagawin.

Napaka istrikto ang aking ama simula pa noon. Tatanggalin nya ang mga walang saysay at ikukulong ang mayroon.

"Nasaan nga pala ang iyong nakatatandang kapatid? Kailangan nating magtipon mamayang hapunan. Paparito na si Diego."

"Hindi ba't nasa edad labing-siyam na siya? Nasa tamang edad na siya upang pumalit sa kaniyang ama."

"Mayroong tungkulin pang dapat gampanan ang hombreng iyon. Hanapin mo nga siya dahil aking kakausapin."

Naiiritang sambit ni ama. Tumayo ako qmula sa king pagkakaupo at naglakad papalabas ng kubo.

Napatingin ako sa malawak na palayan na pagmamay-ari ng aming pamilya. Umiitim ang kalangitan. Iiyak na ba ito maya-maya lamang?

"Señor Felipe! Señor Felipe! Si Señorita Catalina! Nawawala!"

꧁•Catalina's POV•꧂

"Señorita, ika'y basang-basa na. Kinakailangan mo nang umuwi señorita"

Ayon sa kaniyang pananamit, siya'y isa sa mga tauhan nila ama. Pinasundan nanaman nila ako… nakakasawa na.

"Paano mo ako nahanap? At sino ka?"

"Pinasundan ka ng inyong ama senorita. Ang ngalan ko po ay Dimo, isa sa mga tauhan ng inyong pamilya."

Siya ay yumuko sa aking harapan at tumayo ng tuwid ulit.

Tama nga ang aking hinala, hindi ako makakatakas nang payapa.

Tinignan ko lamang siya nang may inis.

"Paumanhin ngunit hindi ko pa nais bumalik. Maaari ka nang bumalik sa aming hacienda."

"Paumanhin din po dahil hindi ko masusunod ang iyong gusto señorita"

"Pakiusap ginoo, umalis ka sa aking harapan!"

Hindi ko aakalaing sinabi ko iyon. Hinding-hindi ko pa nasasabi ang katagang iyon. Hindi ako nais ngumiti ngayon.

Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong tapang.

"Aking maaari rin namang sundin ang iyong kagustuhan señorita Catalina ngunit ito'y may kapalit. Ako'y nagtratrabaho para lamang sa iyong ama at hindi sa iyo binibini."

Ngumisi siya at lumapit siyang nang marahan.

Ang kaniyang boses…

Humakbang ako papalayo ngunit hinawakan niya ang aking braso.

Ginamit ko ang aking buong lakas upang makawala mula sa kaniyang paghawak sa aking braso ngunit hindi iyon sapat.

Oh Diyos ko… tulungan nyo po ako

Nagsimula akong kabahan dahil hindi ako makawala mula sa kaniyang pagkakahawak.

Nilapit niya ang kaniyang ulo sa aking leeg at inamoy ito. Damang-dama ko ang kaniyang pag-hinga.

IlaveWhere stories live. Discover now