II

3 1 0
                                    

Huwag kang magsinungaling hija. Batid ko ang totoong baho ng inyong pamilya."

Siya ba ay kakampi o kaaway? Parang hindi ako mapakali dahil sa sinabi ng ginang, nakakatakot yung mga tingin nya yung para bang masusunog ka sa mga kaniyang mga titig.

Hindi nakapagsalita ang aking ama at napayuko lamang siya sa turan ng ginang na aking kaharap. Anong bang nangyayari sa aking ama ngayon? Hindi siya ganito kung umasta. Madalas siyang masungit sa ibang tao at walang sinasanto ngunit bakit siya ay tumiklop sa mga Martinez?

"Valentino, huwag kang makakalimot sa mga ating mga pinagsamahan. Alalahanin mo na tinulungan pa kita sa-"

"Huwag kang magmayabang Sergio! Dahil sa iyo ay nalaman nila ang lahat! Huwag kayong magmayabang!"

Pulang-pula ang mukha ni ama. Bakit mabanggit dito si Lolo Renando? Patuloy nanagsasabatan si ama at naka-upo lamang ako sa isang upuan.

Biglang tumayo ang ginang at lumapit sa akin.

"Sumunod ka sa akin Binibini, nais kitang makausap."

Kinumpas niya ang kaniyang pamaypay at naglakad papalayo. Sinundan ko ang ginang. May suot siyang perlas na kuwintas at berdeng saya. Napakaganda niyang tignan kahit na natatakot ako sa kaniyang mga tingin.

Mukhang nakita ko na siya sa kung saan…

Habang sumusunod ako sa kaniyang likuran ay hindi ko mapigilang mapatingin sa berdeng bagay na nakasabit sa kaniyang buhok. Meron din ako ng ganoon, nakita ko iyon sa sinabing dating kwarto ni ina. Marahil ay nabili lamang iyon sa iisang tindahan.

Napahinto kami sa harap ng aming hardin. Hindi ko batid kung bakit alam nya ang mga daanan sa aming bahay. Napalingon siya sa ang ginang sa akin.

"Ang iyong ngalan ay Catalina hindi ba? Ako si Señora Minara Martinez, ang asawa ni Señor Sergio Martinez. Napakaitim ng nakaraan ng inyong pamilya. Narito ako upang protektahan ka sa utos ng iyong totoong ina."

Aking ina?

"Ngunit namatay na po ang aking ina noong ako'y ipinanganak raw"

Namatay na ang aking ina noong ako raw ay ipinanganak. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ni ama at hinding-hindi niya kayang magbigay ng pag-aaruga sa akin. Ang nais ko lamang ay ang aruga ng isang pamilya.

"Sumunod ka na lang muna sa akin. Ang aking nais lamang ay mapasakamay ka ng mga may mabuting kamay."

Tama si Señora Minara ngunit nandito parin ako sa pangangalaga ng aking ama. Hindi naman ako masyadong sinasaktan sa aming tahanan simula noong nasa sarili na akong katinuan bilang isang dalaga.

"Paumanhin Señora ngunit maayos na po ako sa pangangalaga ng aking ama. Maayos naman po ang pakikitungo sa akin ng aking ama. Kung nasa masamang kamay man ako ay wala na ako sa kamay ng nila."

Hindi ko na napigilan ang pagsagot sa Ginang. Nanatili akong nakatingin sa mga adelpa sa aming hardin. May ibang nalalapit nang pitasin ng kamatayan, ang iba naman ay hindi.

"Tama nga ang turan nila. Matatalas talaga ang mga dila ng isang Fuego. Ngunit isa ka nga ba sa kanila?"

Napatawa ng kaunti ang Señora ngunit nanatiling seryoso ang aking mukha. Hindi ko batid ngunit ayaw na ayaw kong may marinig na panirang-puri sa ngalan ng aming pamilya. Hindi ko sila mapapatawad.

Ang aking akala ay narito siya para sa mabuting dahilan ngunit bakit may iba pa siyang nais na gawin sa akin?

"Aking nakikita ang iyong mga matang lumulubo na punong-puno ng galit at kalungkutan. Ngayon mo sabihin na hindi ka sinasaktan ng iyong ama. Nakita ko kagabi sa pagtitipon kung paano ka tratuhin ng iyong ama. Talagang malalamig ang mga puso ng mga Fuego, ngunit ikaw? Isa ka ba talaga sa mga Fuego?"

IlaveWhere stories live. Discover now