I

4 1 0
                                    

"Ama! ama!”

Mabilis  na tumakbo ang isang dalaga palabas ng kaniyang kwarto at pababa ng hagdan. Labis ang ngiti sa mukha ng dalaga dahil sa sulat na hawak-hawak niya. Nais niya itong ipabasa sa kaniyang ama dahil hindi siya makapaniwala sa mga nilalaman nito.

Sa kanyang pagbaba mula sa kanilang malaking hagdanan ay hinarang siya ng mayordoma ng kanilang mansyon. Masama ang tingin nito sa dalaga dahil naririndi ito sa boses at sa pagmumukha ng dalaga dahil kuhang-kuha nito ang mukha ng ina.

Hinawakan nang mahigpit ng mayordoma ang mga braso ng dalaga at hinila ito pabalik sa ikalawang palapag.

“Linang! Ika'y manahimik! May mga sa darating na panauhin ang iyong ama sa inyong Salas. Ang kanilang kalesa'y nasa labasan na!”

Inis na saway nito sa dalaga habang hinihila niya ito pabalik sa kaniyang kwarto. Isinara ng mayordoma ang pintuan ng kwarto at dali-daling tumungo sa lalagyanan ng mga damit ng dalaga. Sobrang balisa ngayon ng matanda dahil may importanteng mga panauhin ang kanilang mansyon ngayon.

“Nais ni Señor Valentino na ipakilala ka sa mga panauhin. Sila'y napakaimportante sa iyong ama. Mag hunos-dili ka!”

Saad ng mayordoma habang pinipili niya nang maayos ang nararapat na suotin ng dalaga sa harap ng mga panauhin. Ibinigay ng matanda ang isang magarbong baro't saya sa dalaga.

Hindi parin batid ng dalaga kung ano ang nangyari at kung sino ang mga panauhin na binanggit ng matanda. Ang kaniyang ipinagtataka lamang ay ang salitang binanggit ng mayordoma na ‘mga’.

Dali-daling nakapagbihis at nakapag-ayos ang dalaga sa tulong ng mayordoma. Nawala sa isipan ng dalaga ang sulat na dumating kanina na nais niyang ipabasa sa ama. Nanatiling walang imik ang dalaga habang inaayos ng matanda ang kaniyang buhok.

"Linang iyong tandaan ang mga bilin ko sa iyo at ang mga bilin ng iyong ama."

Pagpapaalala ng mayordoma sa dalaga. Nang matapos sila sa pag-aayos ay lumabas sila ng kwarto. Mula sa labas ng pinto ng dalaga ay rinig na rinig ang usapan ng mga kalalakihan mula sa kanilang Salas. Hindi pamilyar ang dalaga sa mga tinig ng boses na umaalingawngaw sa kanilang buong mansyon. Nais niyang magtanong sa mayordoma ngunit batid niyang nagrereklamo lamang ito dahil masyado raw maingay ang dalaga. Nakakarindi raw ang bawat tinig ng kaniyang boses.

Nagsimulang maglakad ang dalaga nang mahinhin. Nang makarating sila sa hagdan ay mahinhin siyang naglakad pababa nito at nagulat sa rami ng mga bisita sa kanilang salas.

"Aking ikinalulugod na ipakilala! Ang anak ni Señor Valentino! Si señorita Catalina"

Ang malakas na pagpapakilala ng isang lalaking na may suot ng magarang damit. Napuno ang kanilang buong salas ng mga palakpak at papuri sa dalaga na si Catalina. Hindi akalain ni Catalina na may magaganap palang piging ngayong gabi. Hindi man lang siya napagsabihan na may magaganap pala sa gabing ito.

Nang makababa si Catalina ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Puno ng mga tao ang kanilang salas at mas ikinagulat pa niya nang makita niya na ang halos lahat ng Alta de sociedades ay naroon ngayon. Punong-puno ng mga nagagandahang kasuotan ang nakikita ni Catalina.

Naglakad siya patungo sa kaniyang ama at rinig na rinig niya ang mga Bulungan ng mga panauhin.

"Tunay ngang pambihira ang gandang taglay ni Senorita Catalina!"

"¡Si! Namana niya taglay ang maputi't makinis na balat ng kaniyang ina!"

Ang mga Bulungan ng mga bisita. Napangiti naman si Catalina sa kaniyang mga narinig. Huminto siya sa harap ng kaniyang ama na nakaupo at yumukod. Labis niyang nirerespeto at minamahal ang kaniyang ama ngunit hindi maunawaan ni Catalina kung bakit kakaiba ang pakikitungo sa kanya ng kaniyang ama kumpara sa ibang ama na kaniyang nakikita.

IlaveWhere stories live. Discover now