Chapter 7: Kissed

Start from the beginning
                                        

Hell...

                               --**--

Zien's Pov.

"WOW! You've got a perfect score!" puri ni Vanessa sakin.

Taas noong ngumiti naman ako sa kanya. "Tinuruan ako ni Ace."

"Ewww..."

"At least naka perfect, eh ikaw? One? Mas ewww..."

Maka eww naman ito. Buti pa nga ako perfect, eh siya one lang at ang matindi dahil pa yon sa bonus question. What if wala? Edi zero siya.

"Let's go," yaya ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng pinto, tumambad sakin ang apat na lalaki. "Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko kina Matt, Jerome, Dave at Ace. Para silang sasabak sa gyera.

"Sinusundo ko yung lola ko," wika ni Jerome kay Vanessa.

"Ay! Nandyan ka na pala, ninuno!" pabalang na sagot naman ni Van.

Natawa ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan, ganyan talaga ang turingan nila pero naglalambingan lang talaga sila. Abnormal tong dalawang ito eh.

"We will have a celebration, right pareng Ace?" wika ni Dave na inakbayan pa si Ace.

Nakanguso naman si Ace.

Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang nilagok ng mga ito?

"Ay! Nakalimutan ni Zien. Paano ba yan, pare?" umakbay rin si Jerome kay Ace. "Nakalimutan niyang anniversary niyo ngayon." Ngumisi ito sakin.

Nalaglag ang panga ko. Ghad! It is our 4th anniversary! sh*t! paano ko nagawang kalimutan ang mahalagang araw na ito?

Mapaklang ngumiti ako kay Ace. "H-Hi?" bati ko na ikinahalakhak nilang lahat.

Mabilis na hinawakan ni Ace ang kamay ko. "Kalimutan mo na lahat, wag lang ako." wika nito na ikinangiti ko.

                                --**--

"Saan tayo?" tanong ni Matt.

Narito kami ngayon sa malapit na bar.  Hindi talaga maaasahan ang mga suggestion ni Matt sa ganitong mga bagay. Nakaupo kami sa isang table sa bandang dulo ng bar. Halos hindi na rin kami magkarinigan dahil sa lakas ng party music.

Pinanood kong sumayaw sina Jerome at Matt sa dance floor. Hindi naman sila lasing pero mukha silang baliw.

Katabi ko sina Dave at Ace. Habang si Vanessa naman ay pinapalakpakan si Jerome na bigay todo pa.

Nabaling kay Dave ang tingin ko nang mapansing nakatitig lang siya sa cellphone. Mula nang makarating kami rito, hindi na naalis ang tingin niya doon.

"May problema ba?" tanong ko.

Sumimangot si Dave. "Si Mia eh, Hindi pa nagrereply mula kahapon."

"Baka naman busy?"

"Midterm nila."

Pinalo ko siya sa braso. "Kaya naman pala, eh! Huwag ka ngang paranoid!" pangaral ko. Malamang na busy lamg yon sa pag aaral.

"Eh ka—" Natigilan siya nang umilaw ang cellphone at nagflash ang pangalan ni Mia roon. Napasayaw siya.

Natawa ako.

Mabilis na tumakbo palabas ng bar si Dave dahil ayaw nitong maistorbo sa maingay na lugar. Bigla ko tuloy namiss si Mia. Hindi naman siguro kami ipagpapalit kung may bago man siyang kaibigan don diba? No way!

Napasandal na lang ako sa upuan. Tamad na iginala ko ang mg. mata ko sa mga taong sumasayaw. Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Ace.

Nakatingin din pala siya sa akin. Namumungay ang mga mata at naaakit ako sa mga yon.

Kumikinang ang mga mata niya dahil sa iba't ibang light effects. Inilapit nito sa akin ang kaniyang mukha kaya mabilis kong nalanghap ang alcohol sa kanyang bibig na humahalo sa pabango niya.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa ginawa niya. Pinagpawisan ako.

Nakatingin siya sa mga labi ko at lumunok. Ngumisi siya. "Can i have one, please?" he whispered.

Hindi ako sumagot at naghintay na lang na gawin niya.

"Whoa! Ang saya pala rito! Diba, Dark?"

Mabilis na napaayos ako ng upo nang biglang sumulpot si Raze. Sobrang pula ng mukha ko sa kaba. Napatingin ako kay Ace na nakanguso.

"Kuya?"

"Alas! Bakit di mo ako inimbitahan? Kung hindi pa ako inimbitahan ni Matthew, eh hindi ko malalaman."

Napatingin ako kay Matt na tinawanan kami. Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero humalo lang siya sa karamihan ng mga nagsasayaw. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin kay Raze.

"Hoy!" Kinuha ko si Hoy sa balikat ni Raze. Niyakap ko siya.

"Anong Hoy?" tanong ni Raze.

"Pangalan nita."

Kumunot ang noo ni Raze.

Teka... "Bawal ang hayop dito ah!" sabi ko.

Tumawa lang si Raze. "Sabi ko asawa ko yan," sagot niya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mandidiri sa sinabi niya. Ibang klase ang kapatid ni Ace. Magkaibang magkaiba sila mg ugali. Parang mas matanda pa nga si Ace sa kanya.

"Magkikiss ba kayo kanina?" nakangising tanong niya sa amin.

Namula ako sa tanong niya buti nalang at dim ang light kaya hindi halata. Hindi naman yata magandang itanong yon. Hindi ba siya aware na awkward yon at isa pa, kasalanan niya kung bakit naudlot yon!

"Kuya, umalis ka nga rito!"

"Alas, may kasalanan ka pa sakin. Hindi ka na dumadalaw sa opisina. Tambak tuloy ang trabaho ko, di ko na nabibisita si Baby."

Ano na kayang status nila ni Ate? Alam ko naman na si ate ang tinutukoy ni Raze nq baby e.

"Pupunta ako bukas."

"Yon! Mabuti naman!" Lumagok ito ng alak at tumayo na. Tumalon naman si Hoy papunta sa balikat niya. "Alis na ako. Ituloy niyo na ang naudlot niyong halikan." Humalakhak ito.

"Alis na!" pagpapaalis ni Ace sa kanya.

"Nice lips, Zien," nakangising wika ni Raze na ikinanganga ko. Kumalagabog ang dibdib ko. "I want to taste it again, soon." Humahalakhak na umalis ito at ako naman, halos mamatay na sa kaba.

D*mn it, Raze Silvenia! What you have done?

Napatingin ako kay Ace na sobrang dilim ng mukha. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tumayo ako para sana magpahangin mula sa labas nang hilahin ako bigla ni Ace.

Napaupo ako sa lap niya.

"He kissed you?"

Sasagot na sana ako nang maramdamang may inilagay siya sa leeg ko. Napahawak ako sa kwintas na isinuot niya. Isang queens crown ang pendant non.

"Darling, happy anniversary." Ang huling katagang binitawan niya bago ako iniwanan.

Napapikit ako sa inis.

a/n: sorry sa matagal na update busy sa thesis hehe, please vote po.

CHASING HELL PART 1(Sequel of Hell University)Where stories live. Discover now