"Bakit sa gilid ang marumi? Hindi ba dapat sa harap o sa likod?"

Natawa ako sa pagkamausig niya. Mas naiinlove ako sa kanya tuwing nagsusungit siya. "Gusto ko sa gilid eh. Bakit ba?" pagpapalusot ko. "Busog na ako." Aalis na sana ako nanghilahin niya ang damit ko. Para siyang bata na nagpapabili ng candy ngunit hindi napagbigyan.

Napayuko si Zien at namula nang kumunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko.

Lalo itong namula. Kinagat niya ang pang ibabang labi na animo nahihiya.

"A-ano kasi...Hmm...A-ano—"

"What?Tell me..."

Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang kanyang braso para pakalmahin. Tiningnan ko siya sa mga mga mata ngunit mabilis itong nag iwas ng tingin.

"N-nahihiya ako pero pwede mo ba akong turuan sa assignment ko?"

Mahina akong tumawa nang bigla syang tumakbo papunta sa salas.

Napailing nalang ako ako. "Why not? Nahiya pa." bulong ko. Naabutan ko siya sa salas na nag aayos ng mga gamit. Umupo ako sa tabi niya. "Saan?"

Inabot naman niya sakin ang Calculus notebook niya.
"Mahina ako sa math. Wag mo nang sabihin dahil inamin ko na," mahinang sabi ni Zien.

Natawa ako at saka nginitian siya. "Ayos lang kung mahina ka, malakas ka naman sakin e," sabi ko.

Inirapan nya ako.

Lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang mapansin ang pasimpleng pagngiti ni Zien. Hays! Hindi ko hahayaang mawala ang ngiti sa mga labi mo. I will do everything to protect you.

"Pero, may kapalit."

"Anything..."

"A kiss wil do."

"Deal!"

Hindi naman ako nahirapang turuan ang babaeng ito dahil may part lang na hindi niya maintindihan na ipinaliwanag ko naman. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat nang mapatingin ako kay Zien. Nakapikit na ang mga mata nito. habang nakapatong ang ulo niya sa mesa.

Binitawan ko lahat ng hawak ko at pinagmasdan ang bawat anggulo niya. Mukha siyang anghel kapag tulog, pero suplada, masungit, maldita kapag gising. Hinawakan ko ang pisngi niya at masuyong hinaplos iyon.

"Ang daya mo, tinulugan mo ako." bulong ko.

Inayos ko lahat ng gamit namin bago binuhat si Zien papunta sa kwarto niya. Maingat na inilapag ko siya sa kama. Mahimbing na ang tulog nito at kahit yata anong ingay, hindi na siya magigising.

"I'll take your promise." Ginawaran ko siya ng mabilis na halik sa mga labi. "Goodnight, Zien. I love you." bulong ko.

Sinigurado ko munang naka lock ang mga bintana bago pinatay ang mga ilaw at lumabas ng kwarto ni Zien. Pagkapasok ko sa kwarto ay binuksan ko ang laptop bago naligo. Matapos kong maligo at magpalit ng boxers, kinuha ko na ang laptop at pinatong sa mga hita ko.

I immediately opened my FB account. Hindi na bago sakin ang maraming notifications at messages pero binuksan ko pa rin ang messages. Ilang minuto ko nang ginawa yon nang may mabasang isang message.

Galing ang message sa isang taong hindi ko kilala.

Did you like your adventure? It's cool right? I want to play more. Let's play again.

D*mn it!

Napatingin ako sa picture kong isinend niya. Nasa sementeryo ako at may hawak na cellphone. Naka edit na parang naligo ako ng dugo. Ibinaba ko ang tingin sa taong nag send sa akin ng picture.

CHASING HELL PART 1(Sequel of Hell University)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora