ILY-THE AGREEMENT

79 9 2
                                    

KABANATA 3

XANDER POV

One year later..

"San ka punta? ” tanong sakin ni Kuya Xavier nang makasalubong ako palabas ng mansion. I look him from head to toe and I saw na bihis na bihis siya. Halatang may pupuntahang engranding okasyon.

Until I'll bit my lower lips ng maalala ang okasyon ngayon araw- the wedding ceremony of daddy and miss M.

“ Sa resort, magpapahangin lang. ” sabat ko saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ko. Bago pa man ako makahakbang pinigilan niya yung kamay ko.

“ Magpapahangin o manggugulo? ” aniya subalit diko pinansin.

“ Xander ” tawag niya sa pangalan ko. Huminto ulit ako sa ikalawang pagkakataon at nilingon siya na magkasalubong yung kilay.

“ Kung ano man yung binabalak mo, huwag mong ituloy ”

“ Kung ano man yung binabalak kung gawin, wag kang mangialam kuya ” sabat ko pa saka tuluyang pumasok sa kotse.

As I drove to the resort for Daddy's wedding, bumabalik-balik sa isipin ko yung warning ni Kuya Xavier sa'kin na not to cause trouble.

But bago pa man ako tumungo sa resort, dumiretso ako sa cemetery to visit my mom.

Nang makarating sa cemetery, manong deyn approach me. Dala-dala niya yung cake at bulaklak na pinabili ko sa kanya.

“ Thankyou Kuys ” Ani ko matapos iabot sa akin mga iyon saka iniwan ako mag isa.

As I sat on my mother's grave, I immediately placed the cake and flowers I bought from kuya Deyn by her headstone, offering a silent prayer for her peace and happiness in the afterlife.

Nagsimulang ngumilid ang luha ko habang nakaupo at masayang pinagmamasdan ang larawan niya.

“ Miss na miss na kita mom! Ang unfair dahil ikaw pa yung nawala.. ”

I sighed “ Mom, huwag kang mab-bigla ha! May sasabihin ako sayo at alam mong ikakadurog mo ito pero wala e, nangyari na ”

Humagulgol ako sa iyak. Humiga ako sa tabi ni mommy habang masayang pinagmamasdan ang kulay asul na kalangitan. Para akong baliw kung tignan ng iba pero wala akong paki.

“ Daddy's wedding day today mom...Ang masakit pa ay sinabay nila sa death anniversary mo.Ang sakit mom, pano nila nagawa sayo to? Ilang buwan ka pa lang nawala sa'min pero pinalitan kana ulit ni Daddy? ” pagpatuloy ko.

“ Sir Xander yung kuya mo paparating ” bulong sa akin ni Kuya Deyn kaya agad kong inayos yung sarili ko. I wiped my tears, umupo ako at nagkunwaring kumakain ng cake sa harap ni mommy.

“ Xand---er ” utal niyang pagtawag sa akin na halatang nagugulat sa ginagawa ko. Hindi ako nagsalita, hindi ako lumingon at tinuon na lamang ang tingin sa larawan ni mommy.

Silence enveloped the whole area and I could only hear his footsteps.  He stayed by my side for a few moments, knelt down, prayed and kissed Mommy's grave.

ISLE LOVES YOU (KITANGLAD#2)Where stories live. Discover now