"Go downstairs, bring your ‘friend’ with you. Breakfast is ready." May halong bitterness ang pagkakasabi niya dun sa word na 'friend' at full of authority na naman ang tono ng boses niya. Pinanuod ko lang lumabas ng kwarto si Mama.

Pagkasarang-pagkasara ng pinto agad akong lumapit kay Gatorade at tinulak siya sa balikat. "Bakit ka andito sa kwarto ko? "

Tumingala lang siya at tinitigan ako. Wag naman po ngayon gumana ang morning sickness niya! For sure namamahay na naman 'tong blue head na 'to!

"Patay na ako kay Mama." Padabog akong humiga sa kama at tinakip sa mukha ko yung isang unan at sumigaw dun.

Bakit kasi andito si Gatorade? Pano ba kami napunta dito? Di ba dapat na kay na bebs kami natutulog pero no! Andito kami at nakita kami ni Mama! Bigla akong umupo. Hindi ko pa rin alam kung anong ieexplain kay mama. Galit yun! Well lagi naman siyang galit... pero kahit na!

Mas doble ang galit nun! Kasi may pagkaconservative type pa naman si Mama at first time ko na nga lang magdala ng bagong kaibigan sa bahay, makikita pa na dito natulog sa kwarto ko at sa mismong kwarto at kama ko pa!

Lord sorry po! Sunday na sunday ganito ako.

Natigilan ako sa pagiisip nung bigla akong kinulbit ni Gatorade. "Oh?"

"Uh.."

"Ano nga?"

"Morning kiss ko." Sabi niya saka ngumuso sakin.

Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at tinaklob sa mukha niya ang hawak kong unan. "Yan! Kiss mo 'yan!"

"Amoy laway." sabi niya habang inaalis sa mukha niya yung unan. Naka-poker face pa.

Mas lalo akong naiinis sa kanya. At kung sa tingin niyong magic word yun, A-S-A. Dahil ang inis na ‘to ay ang nasa in a bad way. Boiling temper.

*

[Dominique Veena Delos Santos’ POV]

Narinig ko ang boses ni Marcus kahit hindi ko na imulat ang mata ko. Niyugyog niya ang balikat ko pero hindi ko paring magawang maimulat ang mga ‘to. I’m so sleepy. Please tell him to stop. Please! 

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon