10.

495 32 12
                                    

"Complete naba yung mga dala niyong gamit?" masayang sabi ni Max. Ito na kase yung araw ng vacation tour namin sa Palawan. Natapos na din kase yung midterm namin. So that means, after nitong vacation. Start na ng finals, at grgraduate na ako! Ilang buwan nalang. Nag simula na din yung OJT ko kay Miss Porsild. Sobrang naging magaan yung trabaho namin. Na assign na din ako as acting manager. Ang dami ko ding natutunan kay Anntonia. Madalas kase siya yung nag tuturo sakin, kaya lagi kaming magkasama sa pizza parlor.


"Oo kanina pa, wala naman akong masyadong dala e." mahirap na kaya mag dala ng madaming gamit. Kase for sure sa beach lang din naman yung tapos nito pag dating naming sa Palawan.


"Hello bitches!" masayang sigaw ni Samantha.


"What the fuck girl!? Ano yan dala mo lahat!?" may dala lang naman siyang dalawang malaking maleta. And God knows kung ano man laman non.


"Yes ma'am bakit? Kaunti pa nga to eh. Hindi ko nadala yung fish ko." Umarte pa siya na parang umiiyak. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko. Ako lang talaga matino sa mga to eh. Mabuti nalang hindi pa ako masyadong mana sa kanila.


"Tanga sa Palawan lang tayo pupunta, hindi sa ibang bansa! Sana okay kapa!" natatawang sabi ni Max.


"Are you guys, ready to go?" sabi ni Rhian. Nandito kase kami nag stay muna. Ayaw pa kaseng maniwala ni Rhian na meron kaming vacation trip sa school. Akala niya gagala lang kami. Ewan ko ba dito, mula nong mag usap sila ni Anntonia parang mas humigpit na siya sakin. Level times 999 yung mga bawal sakin ngayon. Buti nga nakakapag work pa ako sa pizza parlor. At hinayaan na din niya akong mag resign sa pag babartender. Pero gabi gabi niya akong sinusundo sa work ko. Mula ng malaman niya na si Anntonia na yung new boss ko, walang araw na hindi niya ako sinusundo. Madalas nga mas maaga pa ay nakaabang na niya sakin.


"Yup. Aalis na din kami."


"Hatid ko na kayo sa school. Baka kung saan pa kayo mapunta."


"Hala, grabe yung bakod sayo niyan ni Rhian... ikaw pala dapat ang tanungin ko kung okay kapa." Bulong sakin ni Max na kinatawa pa niya. Nawala agad ang ngisi niya nang kurutin ko siya sa tagiliran. Ewan ko ba sa mga to. Ilang beses na nila akong inaasar talaga kay Rhian, sila daw kase yung nakakakita at alam nila kung ano yung mga tingin sakin ni Rhian. Pero ako? Never naman kase na mention sakin ni Rhian kung ano mang bagay. Basta, kapag hindi sinabi sakin wala akong alam. Ayoko kayang mag assume. Tska matagal na kaming mag kaibigan ni Rhian, dahil lang don sasayangin ko lahat?


"Alam mo, may sakit kana ata. Nag hahallucinate ka ng wala naman." Kinatawa naman ni Samantha yung sinabi ko kay Max.


"Ikaw din girl, basta binalaan na kita. Bakit kase ang pogi at ang ganda mo at the same time. Dami mo tuloy problema." Umiling lang ako sa sinabi niya. At paano naman naging problema yon?


"You guys, ready?"


"Wow ang pretty naman natin madam Rhian, saan ang punta?"


"I have meeting with someone. Isasabay ko kayo, para alam ko din kung saan talaga kayo pupunta." Masungit na sabi ni Rhian kay Max, tumango tango lang ito sa kanya.

𝒀𝒐𝒖 𝒃𝒆𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒆 (𝑮𝒙𝑮) (𝑷𝒐𝒓𝑫𝒆𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚)Where stories live. Discover now