Chapter 3

2 0 0
                                        

Eris................

"Hoy eris, kanina ka pa nakatulala diyan!" Kinalabit ako ng kaklase ko.

"Pwede ba rence? Stop bothering me! Alis dito, isipin mo sarili mong buhay, huwag mo 'kong pakealaman." Saad ko sakaniya.

Sakto namang dumating ang professor namin sa genmath. Punyeta genmath. Napairap ako.

Wala si emy! Hindi naman kami parehas ng strand, stem ako, abm siya.

Naka graduate na kami ng high school kaya eto na ang unang pagsubok na haharapin ko. Grade 11.

Inilipat ako ni papa at mama sa upcat. Tsaka scholar naman ako kaya bawas gastusin. Hindi naman ako papayag kung magastos.

"So good morning class." Walang good sa morning ko kung ikaw ang bubungad.

"Ako na ang mag sasabi nito sainyo since wala si professor madlang. May pupuntang 1st year college dito bibisitahin ang room ng mga senior high and i hope tanggapin niyo ng maayos, ayokong mabalitaan na may ginawa kayong kung ano ano. We, the professor of senior high is known for very approachable, so don't disappoint them. Malalagot kayo saakin." Share mo lang? Hays kainis naman, buti sana kung may pogi edi masaya pa ako.

"Hindi ako mag lelecture ngayon. Bibigyan ko kayo ng time para mag linis." Mama mo, ulol. Lilinisin namin room niya? What the fuck ba 'to.

Oops am i rude? I'm sorry.

"Hoy Eris kapag talaga nahuli ka ni prof na puro irap sakaniya baka ibagsak ka niyan." Saad ni jeya saakin.

"So what? Bagsak ko yan sa sahig." Saad ko at umirap ulit, uh medyo nakakahilo ng umirap.

"Kahit kailan talaga eris e, kala ko pa naman nung first day napaka bait mo! Ang inosente ng mukha mo." Saad ulit niya, kailan ba to mananahimik sa backhanded compliments niya? Nakakairita na.

"Stop with that backhand compliment. Sampal ko 'to sayo e." Mahinahon kong sabi at ipinakita sakaniya ang hawak kong walis.

Agad naman siyang lumayo saakin, buti naman hindi ako magdadalawang isip na isampal to sakaniya kung hindi siya titigil.

"Hey class! Class! Umayos na kayo. Andito na sila. Please be approachable." Saad ni prof mendoza. Napaka oa naman.

Napairap ako sakaniya pero umayos pa din ako.

"Hey miss santos? Don't you give me that look, baka tanggalin ko mata mo." Saad niya saakin. Hindi ko siya pinansin at tinignan mula ulo hanggang paa at umiwas ng tingin.

Pokpok.

May narinig akong yapak at bumungad agad ang mga college students na naka formal. Bakit ba kasi ittreat sila ng maganda e student lang din naman sila.

Tumayo na lahat ng kaklase pero ako nanatiling nakaupo dahil tangina may lalaking titig na titig saakin. Umiwas ka, tatayo ako.

"Hoy eris tayo!" Kalabit saakin ni jeya. Feeling close.

Tinignan ko si prof mendoza and i saw her mouth, mouthing something like "tayo" kaya tumayo nalang ako kasi nag iwas naman na ng tingin yung lalaki.

"Sit down na! O so hello guys, we are 1st year college students. So we must gonna introduce our self first." Saad ng nag iisang babae sakanila.

"Hindi na." Napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya tinignan nila akong lahat.

Sarcasm na tumawa si prof mendoza. "Ow sorry guys, nagkamali kayo ng pagdinig, it supposed to be 'sige na', right miss santos?" Tinignan ako ni prof ng masama.

"Yes." Walang gana kong sagot.

"So mag star-" may pumutol sa salita ni prof, tinignan ko iyon at yun yung lalaking tumitig saakin kanina.

The Only Exception.Where stories live. Discover now