Eris................
"Alora Aeris! Halika nga dito ano na naman ba 'tong nalaman ko sa kaibigan mong may balak manligaw saiyo?" Si mama agad ang bumungad sa'kin sa pag-gising ko at nakataas pa nga ang kilay.
"O ma teka lang naman! Umagang umaga o, nagagalit ka kaagad sa'kin baka mahigh blood ka niyan." Nakangisi kong saad sakan'ya. Ang mama talaga mas strikto pa kay papa.
Hindi pa ba normal 'to kay mama? Dalaga na ang nag-iisa niyang anak na napakagand- "O sya! Mag walis ka na nga dun, isusumbat mo na naman saakin kung gaano ka kaganda." Saad niya at tumalikod na habang nakangiti.
Happiness talaga ako ng mama at papa ko!
"Eris!" Nagulat ako ng may sumigaw at humawak sa balikat ko.
Humarap ako sakaniya. "Hoy Aisha Emy ano 'tong sinabi mo kay mama na may manliligaw na 'ko? 'di ba sinabi ko na saiyong never mong sasabihin kahit kanino?" Saad ko sakaniya, i make my voice mad pero hindi naman totoo, hindi ko kayang magalit kay Emy.
"Ih kala ko exception sila tita e." Ngumiti siya saakin at niyakap ako. Wala na nakuha na naman ako ni Emy. Naku talaga.
"O sige na! Tulungan mo 'ko dito, ililibre kita ng turon mamaya." Pang uuto ko sakaniya wala akong pera ngayon 'no! Saka na kapag meron nang binigay si papa. Alam ko namang malilimutan iyon ni Emy.
Nagbukas ang pinto at pumasok ang napakaganda kong nanay. "O andito ka pala Emy, inuto ka na naman ba nitong si Eris?" Natatawang saad ni mama. Siya lang naman tumatawa, hindi ako natutuwa dahil sa pangbubuking niya saakin.
"Ma!" Saad ko at nakabusangot na sakaniya. Si Emy naman hindi nagets si mama kaya safe ako, pero kahit naman mabuking ako tutulungan niya pa rin ako, Best Friend Forever kami e!
"Huh?" Nagtatakang saad ni Emy. Tinawanan lang siya ni mama.
"Tapusin niyo na iyan, kumain na kayong dalawa dun. Nagluto ako ng paborito niyong champorado." Saad ni mama at agad naman naming tinapos para makakain na.
Nang matapos kami dumiretso na kami sa kusina and there naamoy ko kaagad ang paborito kong champorado!
"Tita, pumunta daw po kayo mamaya sa bahay, inaaya ka po ni mama." Saad ni Emy habang naghahain.
"Ay naku hindi ako papayag na aalukin niya na naman ang asawa ko ng trabaho, ako nalang ang mag-tatrabaho ayokong napapagod ang reyna at prinsesa ko." Sumingit naman si papa sa usapan. Kakarating niya galing sakahan at kahit madumi siya ay niyakap pa rin siya ni mama. Love wins talaga! Kailan kaya ang aki- oops doctor pala muna ang priority ko!
"Tito naman! Hindi naman na po nag-aalok si mama ng trabaho kay tita, alam niya naman pong masyado kang caring kay tita 'no. Inaaya niya lang mag bar si tita." Saad ni Emy at nag peace sign pa nga habang tumatawa.
"Ay mana ka talaga sa nanay mong palagi nalang nagbibiro sa asawa ko, pikon pa naman ito." Natawa na din si mama. Sino ba namang hindi matatawa sa mukha ni papang nakabusangot na. Parehas talaga kaming mahilig bumusangot.
"Tama na nga iyan! Kawawa naman si papa o! Pagod na iyan sa trabaho. Kain na tayo!" Saad ko habang pinipigilang tumawa.
"Maiba ang usapan Eris at Emy, kamusta ang pag aaaral ninyong dalawa?" Tanong ni papa saamin.
"Ayos naman siya pa, nahihirapan lang ako sa math pero meron naman etong si Emy, tinutulungan ako." Saad ko kay papa atsaka tinignan si Emy.
"Magaling ako sa math e! Pero sa science hindi, nakakainis! Pero meron naman itong si Eris." Saad naman ni Emy.
"Huwag kayo masyadong magpaka- stress diyan ha, ang mahalaga lang saamin ay nag-aaral kayo ng mabuti. Ganiyan dapat mag tulungan kayo. Ganiyan kami dati ng mama mo Emy." Saad ni mama. Hay naku ikkwento niya na naman ang buhay nila ng dalawa ni tita Aimie.
Natapos na kaming kumain kaya nag volunteer na kaming mag hugas ni Emy ng pinagkainan.
Habang naghuhugas nag kwekwentuhan kaming dalawa.
"Hoy eris sana balang araw kapag nag take na tayo ng board exam sa doctor, makapasa tayo 'no?"
"Sana nga Emy, sana balang araw makakapag take tayo ng exam at makapasa."
Vlin................
"Vlin, kailangan mong makapasa sa lahat ng subject. Hindi enough ang ninety, ninety five and ninety eight. We need to see on your card our favorite number, ninety nine!" Nakangising saad ni mommy.
Nakangisi siya while me hindi manlang makangisi ni hindi manlang ako makasubo ng pagkain sa dami ng sinasabi na makakapressure saakin sa pag aaral. Sanay naman na ako kada magkikita o kakain kami lagi nalang nilang binabanggit ang tungkol sa pag-aaral ko na dapat maipasa ko kung hindi, hindi nila ako susustentuhan. I don't know if they're still my parents, parents doesn't pressure their child. Yes, parents wants the best for their child pero hindi yung ibblack mail ka para lang makapasa. Even though i try so hard to be the called "son" to them hindi pa rin enough, i'm still disappointing them. Kailan nga ba ulit nila ako tinuring na anak? Wala, they will never, inaasahan lang naman nila ang mga award na natatanggap ko. I tried once asking them if they still love me or mahal ba talaga nila ako. Matagal nilang hindi nasagot and the answer is yes. Yes lang, wala ng explanation. Kung mahal nila ako, bakit hindi ko siya naffeel manlang. I'm curious ano kayang feeling ng love? Is it true that love exist?
"Hey, why you're not talking?" Tanong ni dad saakin at kinalabit ako kaya kaagad naman akong gumalaw. Dad scares me all the time, kapag hahawakan niya 'ko, lumalayo ako sakaniya. I don't know why. This house doesn't feel home anymore.
Mom always pressure me about school and i'm afraid to dad tapos i don't feel loved.
Tangina ang sarap nalang biglang mawala.
"U-uh mom, dad gotta go sa room, may tatapusin lang pong school works." Saad ko, what a liar, para lang makatakas.
"Sure, you can now go. Tapusin mo. We expected more from you." Saad ni mommy.
Tumalikod na 'ko nang walang sinasabi.
Umakyat na ako. I saw my room, my comfort. Ito nalang muna ang pahinga ko sa madilim kong mundo.
I get my guitar and sing.
I sang the "Someone To Stay" by Vancouver Sleep Clinic.
I'm relate, i badly need someone to stay with me while i'm suffering pero kailan pa dadating? Kapag sukong suko na ako sa buhay? Kapag ayoko na?
I sing it while crying. Here we go again, crying. I hate this feeling my yaya thought me to be strong kahit mahirap, pero ano na naman ba ito umiiyak na naman ako at hindi mapigilan.
"Hear the fallen and lonely, cry out
Will you fix me up? Will you show me hope?
At the end of the day we're helpless
Can you keep me close? Can you love me most?
Can you keep me close? Can you love me most?
Can you keep me close? Can you love me most?"
Pagkatapos ng kanta ibinaba ko ang gitara at humiga sa kama ko at dun nalang itinuloy ang pag iyak.
I stopped crying.
Then promised myself na kapag singer na ako, i promised i'd never sing of love if it does not exist.
YOU ARE READING
The Only Exception.
Teen FictionAlore Aeris or eris na ayaw makipag date kahit kanino dahil gusto niya munang matupad ang pangarap niya at pangarap ng magulang niya, 'yan ang rule niya sa buhay pero she break her own rule because of Vlinder Zain or vlin na ayaw kumanta ng love son...
