Chapter 2

2 0 0
                                        

Eris................

"Ma ikwento mo na kasi saakin! Kanina pa 'ko nacucurious!" Pagpipilit ko kay mama, sabi niya kasi kanina may ikkwento daw siya about dun sa inalagaan niyang bata nuon, naging yaya kasi si mama nung mga grade 6 palang ako pero pinatigil siya ni papa, hindi ko alam ang dahilan.

"Eto na, maghintay ka Eris!" Saad ni mama at lumapit na saakin. Umupo siya sa kama ko at nagsimula na.

"May bata akong inalagaan nuon, naalala mo ba nung iniiwan kita kila tita mo aimie para mag trabaho ako?" Naalala ko iyon, grade 6, inggit na inggit ako sa batang inaaalagaan ni mama nuon dahil siya naaalagaan siya ng sarili kong nanay pero ayos lang, naka move na 'ko!

"Ang inalagaan kong bata nuon meron siyang sakit pero hindi iyon alam ng magulang niya." Pagsisimula ni mama.

"Sinabi niya saaking 'wag na 'wag ko daw sasabihin sakanila dahil useless naman daw kapag sinabi ko dahil wala namang pakealam ang magulang niya sakaniya."

Flashback......

"Ya, please 'wag mo pong sabihin kila mommy. I'm begging you, if i need to kneel, i kneel, just please huwag mong sasabihin that i'm suffering in panic disorder." Naiiyak na saad ng alaga kong si vlin.

"Bakit ba ayaw mong sabihin, hijo? Malay mo matulungan ka nila." Saad ko sakaniya.

"They will never, mas lalo lang nilang ittrigger ang sakit ko, they don't care, kahit sabihin ko. May pake lang sila sakin kapag nagkamali ako sa pag aaral pero kapag sa sarili ko, wala, hindi na ako ituturing na anak." Saad niya saakin at patuloy pa rin ang pag iyak niya.

"Magsabi ka lang saakin, vlin. Ilabas mo ang nararamdaman mo." Yun ang unang pumasok sa isip ko.

"Ya, hindi ko na kaya, sa totoo lang. Gustong gusto ko ng sumuko pero thinking that i'm too young to disappear i chose to suffer than give up. Madami akong pangarap sa sarili ko, gusto ko pang maging singer balang araw. Grade 8 palang ako pero nag susuffer na ko ng ganito pero kakayanin ko siya kasi ya, sobrang dami kong gusto tapusin. Malayo pa pero dadating rin ako. Ayokong ako ang lumayo sa mga pangarap ko." Saad ng bata saakin at patuloy lang sa pag iyak.

Wala akong masabi, naaawa na 'ko sa bata, kung pwede ko lang kupkupin itong batang ito ginawa ko na.

"Alam mo, hijo, Nakaka proud ka, kahit sobrang hirap ng buhay mo ngayon. Naging matapang ka pa din, hindi mo hinayaan ang sarili mong sumuko, 'wag na 'wag kang susuko ha? Kakampi mo ang sarili mo sa magulong mundo, ang katulad mo ay hindi dapat ganito mabuhay, lagi mong tatandaan na madaming nag mamahal saiyo pero alam kong hindi mo iyon nararamdaman dahil nasanay ka sa mga magulang mong hindi pinaparamdam ang pagmamahal. Andito lang si yaya na palagi kang gagabayan, madaming nagmamahal saiyo." Saad ko at niyakap siya.

"Thank you po." Lumiwanag ang mukha niya at dun ko nakita ang pag asa at saya ng batang ito.

"O tignan mo! Napaka gwapo talaga ng alaga ko!" Saad ko sakaniya para naman mabawasan ang lungkot.

"Don't leave me, please stay." Saad niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi kita iiwan, vlin. Hahanapan pa kita ng magmamahal saiyo ng tunay at kapag niloko ka ako ang makakalaban niya!" Saad ko at tumawa kaming dalawa.

End of flashback......

"Anak, sa totoo lang iniisip ko sa araw na yun, nung umiyak siya saakin. Gusto ko siyang nakawin sa pamilya niya. Gusto ko siyang buhusan ng pagmamahal at gusto kong magkaroon ka ng kuya pero alam kong mali." Saad ni mama habang nagpupunas ng luha.

Ganun din ako, nagpupunas ako ng luha. Nagsisi tuloy ako nung grade 6 ako na i hate him because naalagaan siya ni mama.

I just can't stop crying thinking that may ganon pa palang magulang na pinapahirapan ang sariling anak. They make the kid suffer alone and silent crying alone. Ang sarap niyang yakapin habang nag susuffer. Sana, sana ngayon ok na siya, sana nararamdaman niya na ang pagmamahal ng magulang niya.

The Only Exception.Where stories live. Discover now