Chapter 2

0 0 0
                                    

Mas lalong nagtaasan ang mga balahibo ko nang lumakas ang mga tilian mula sa concert. Nagkakagulo na din sa baba ng apartment. Hindi ko masyadong makita, nasa rooftop kasi kami tapos 20 floors pa 'to.

"Anong meron?" naguguluhang tanong ko.

Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko pero hindi ko iyon pinansin. Mas importante sa akin ngayon ang mga nangyayari sa baba at doon sa mismong concert.

"Rori... bumaba na daw tayo sabi ni Kiel. May nagkakagulo yung mga tao sa concert, may mga nananakit daw doon. Tara na!" sigaw ni Riven.

Kaagad kaming tumakbo ni Riven patungo sa fire exit. Pinili na lang namin gumamit ng hagdan kesa sa elevator dahil malamang ay magmumula pa iyan sa ground floor.

"Terorista daw ba?" tanong ko kay Riven habang tumatakbo kami pababa ng hagdan.

"Hindi ko alam!" sagot ni Riven sa akin.

Hingal na hingal na kami nang makarating kami sa 10th floor. Kaagad kaming pumasok sa loob pero nag-alanganin ako dahil ang sama ng kutob ko.

Nang makapasok kami sa lobby ay doon ko na nalaman ang dahilan. Napahinto si Riven sa harap ko at napatakip pa ng bibig. Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko.

Mula sa kabilang dulo ng lobby, ang dating nakakainis na lalaking kapitbahay namin ay nakahiga na ngayon. Nakadilat ang mga mata, nakabukas ang bibig at pinagpipyestahan na ng taong nakatalikod sa amin. Para bang sarap na sarap ito sa pagkain ng lamang loob ng kapitbahay namin.

Naramdaman ko ang pag-akyat ng kinain ko sa lalamunan ko pero agad ko itong pinigilan. Na kay Riven ang susi ng apartment kaya naman tinapik ko siya sa braso.

Bakas ang takot at pandidiri sa mukha niya pero maingat pa din siyang naglakad sa unit namin. Laking pasasalamat ko dahil apat ang apartments dito. Nasa dulo sa kaliwa ang kapitbahay namin habang nasa pangalawang pinto sa kanan ko naman ang apartment namin. Makakapasok pa kami.

Magsasaya na sana ako, kakalma na sana ako dahil nasa tapat na ng pinto si Riven. Pero nahulog niya ang mga susi sa floor, lumikha ito ng malakas na ingay na naging dahilan para tumigil ang kung ano mang nilalang na kumakain sa kapitbahay namin at unti-unti itong lumingon sa direksyon ni Riven.

Nakita ko kung paano siya namutla sa takot. Kahit naman ako ay magiging ganun ang reaksyon. Pero mas pinangunahan ako ng takot para sa pinsan ko.

"RIVEN!" sigaw ko sa kanya.

Nagpakawala ng nakakatakot at matinis na sigaw ang babae na nababalot ng dugo at pira-pirasong lamang-loob saka tumakbo palapit kay Riven.

Sakto namang bumukas ang pintuan sa kanan ko, ang unit ni Kiel. Tumakbo kaming dalawa ni Kiel papalapit kay Riven. Siya para hatakin ang pinsan ko, ako naman ay para palayuin ang nilalang na ito.

Buong pwersa kong sinipa ang babae mula sa dibdib kaya naman tumilapon ito. Dahil may bakas din ng dugo ang marbled floor, nadulas pa ito patungo sa elevator. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo papasok sa apartment ni Kiel.

Kaagad namang sinarado ni Kiel ang pintuan pagkatapos ay tinulungan siya ni Riven na iharang ang shoe cabinet sa pinto. Humihingal na napaupo si Riven malapit sa akin kaya kaagad akong lumapit at yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Are you two alright?" tanong sa amin ni Kiel na sinagot namin ng mabilis na tango.

Hindi kami kaagad makapagsalita dahil hinihingal talaga kami. Unti-unti nang nawawala ang adrenaline rush ko. Sobrang kinabahan ako, akala ko talaga maaatake na siya. Napakapit ako ng mahigpit kay Riven dahil doon. 'Wag naman sana, ayokong mawala siya sa 'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SURVIVORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon