"Ma, sa tingin mo ba, ok na siya ngayon?" Tanong ko kay mama.

"Sana anak, sana nagbago na ang magulang niya. Sana hindi siya sumuko. Sana matapang pa rin siya." Saad ni mama.

"Ma, gusto kong makita ang kalagayan niya, gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang tignan kung ayos lang ba siya."

Vlin................

"Mom ni hindi niyo manlang tinanong kung ayos lang ba ako! Tapos isusumbat niyo saakin kung bakit ang baba ko!" Nagsisigawan kami ngayon ni mommy dito sa bahay dahil she accidentally saw my score sa exam. It's fourty six over fifty.

"Ang ayoko sa lahat vlinder yung sinisigawan ako! So don't you dare scream at your mom!" Sigaw ni mommy saakin.

"Wow? My mom? Kailan pa? Kailan pa kita naging nanay? Hindi ko kasi maramdaman na nanay pa pala kita, matapos niyo kong pahirapan, iblack mail, nanay pa pala kita." Saad ko at sarcastic na tumawa. Tangina vlin, you have the chance to laugh pa ha kahit durog na durog ka na.

"I don't care! Ang gusto ko lang naman makapasa ka!" Sigaw niya ulit. Nakakabingi.

"Ayan! Yes, you don't care. Kailan ka ba may pakealam? Wala! Wala kayong pakealam saakin, wala kayong pakealam sa sarili ko kaya hindi niyo alam na nag susuffer ako sa putanginang panic disorder na iyan, tapos gigising ako palagi na ang ibubungad saakin "how's school" hindi manlang ako matanong kung kamusta na ba ako, hindi niyo manlang tinanong kung ok lang ba ako! Instead of asking me If i'm okay, you start asking me about school! Nakakasawa! Nakakarindi! Gustong gusto ko ng sumuko, pero bawal kasi may pangarap pa ako." Nailabas ko ang onting sakit sa puso ko. Finally! Nailabas ko ang iba. Pinigilan kong hindi umiyak, dahil ayokong makita niya na hindi ako matapang.

Natahimik siya sandali at nag iwas ng tingin. Sa haba ng sinabi ko tumalikod lang siya.

"Sana pina abort mo nalang ako, kung hindi niyo naman pala kayang mahalin ang tulad ko." Saad ko sakaniya at dun na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Humarap siya at naglakad papalapit. I thought lumapit siya para damayan o yakapin ako, pero mali ako.

She slapped me and it hurts so bad. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung masakit, yung sampal ba o yung puso ko.

Tangina, vlin. Hindi na sila naaawa saiyo.

Umupo ako sa sahig at yumuko. The slap hurt but my heart hurt too much.

Tinignan ko ang dapat magbigay ng cravings kong pagmamahal and there i saw her glancing at me with her eyes, hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakita ko sa mga mata niyang may lungkot at awa pero nawala iyon kaagad at umalis na siya. The hope, fucking hope! Baka balang araw maawa na sila sakin. Balang araw mamahalin din nila ako. Balang araw maaappreciate na nila ako.

"Don't talk to me again pero kung about sa school, talk to me." Tangina, ayoko na po. Gusto ko ng sumuko!

Tumayo na ako at pumunta na sa kwarto. I saw my cat waiting for me at my door.

"Hey there, buddy. Kuya's suffering again, kailan ba hindi?" Binuhat ko siya at niyakap.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. I miss yaya, i miss her so much to the point na i'm willing to find her if i can. Wala ang lahat nuon pero andun siya, niyakap ako.

I open the album of me and yaya and i saw a letter. Nabasa ko na 'to. Binabasa ko lang siya paulit ulit because it calm me.

Letter niya 'to nung pinalayas siya ni mom and dad. Tangina pati kung ano meron ako, pinapaalis na nila.

Hello, vlinder anak,
alam kong nabasa mo 'to ngayong nakaalis na ako. Sana habang binabasa mo 'to, ayos na ang buhay mo, sana hindi ka pa sumusuko. Gusto kitang kupkupin vlin pero hindi pwede. Ready na 'kong mag alaga ng dalawang bata! Pero anak, hindi man kita nakuha ngayong umalis ako, lagi mong tatandaan na kapag nahihirapan ka na talaga sa buhay mo, don't take your life, anak. Umiyak ka lang 'nak, huwag kang susuko. Tandaan mo palaging kapag sumuko ka mahina ka e hindi ka naman mahina, ang tapang tapang ng alaga ko! Kaya anak alagaan mo ang sarili mo. Uminom ka ng madaming tubig. Mahal kita vlin vlin ko. Paalam, magkikita ulit tayo anak, pangako.

From yaya.
To vlin vlin ko.

My tears start to fall again. I miss her. Ang pahinga ko sa magulong mundo. Sana balang araw may dumating na katulad niya.

Kasi kahit kaibigan wala ako because of mom and dad. Tangina lahat nalang ng mahal ko sa buhay pinapaalis! Ang hirap ng mabuhay.

Maybe, in another life. My life won't be like this.
Maybe in another life, i don't suffer like this.

I miss the smile i lost.


The Only Exception.Where stories live. Discover now